"C-Charm?" Wika ko nang makita ko sya sa harapan ko. "Sino ang k-kasama mo? Bakit ka andito?"Humanap kami ng hindi mataong lugar para mag-usap. Napunta kami sa chapel ng ospital na ito.
"Our wedding is next week." Paalala niya sa akin.
Sa puntong ito, wala na akong pakialam kung kailan ang kasal nila at wala na din akong balak na pumunta.
"And?" Tanong ko. She sighed deeply. Nagulat ako nang lumuhod sya sa harapan ko. "Charm, what are you doing? Tumayo ka jan."
"Miss Atacia, nagmamakaawa ako. Kahit sa araw lang ng kasal ko, magpakita ka." Nagsimula na syang umiyak. Hawak hawak nya ang palda na suot ko. Nagtaka ako kung bakit sya ganito ka desperada.
"Ayokong pumunta Charm. Kailangan kong mag focus sa anak ko ngayon." Sita ko sa kanya.
"Jethro's been drinking and wasting himself. Alam kong nagbalik na ang alaala niya. Di niya lang sinasabi sa akin. He wants to see you kahit sa huling pagkakataon bago sya matali sa akin. Alam kong nasasaktan ko sya sa ganitong paraan dahil pinipilit ko syang mahalin niya ako. Nagmahal lang din naman ako, bawal ba yun?" Wika niya.
Pinaupo ko sya sa tabi ko saka niyakap. Pamilyar ang ganitong pangyayari sa akin. Ganito din ang nangyari sa amin ni ate Jessica dati. Ang pinagkaiba lang, kasal na sila noon ng daddy ni Agony. She was pleading na lumayo na ako sa kanila at wag na magpakita pa. It may sounds so bad but for her, it was the right thing to do. She also bended her knees on me.
"Lumayo na ako Charm. Yun ang gusto niya diba? Bakit niya pa ako hinahanap? Bakit niya pa ako gustong makita?" Tanong ko sa kanya.
Marami pa ding tanong sa isipan ko. Lahat ng iyon na nananatiling tanong pa din. Walang kasagutan.
"Mahal ka niya miss Atacia. Mahal na mahal." Wika niya.
I smiled bitterly. Mahal? May mga pagmamahalan talagang kahit gusto man natin ay hindi pwede. Tadhana na ang syang gumagawa ng paraan para buwagin ang dalawang taong nagmamahalan dahil hindi nga sila pwede.
"Hindi ko maipapangakong makakapunta ako. Kailangan ko pang alagaan ang anak ko." Sabi ko sa kanya saka tumayo na. Kailangan ko nang bumalik sa anak ko. She needs me.
"Alam na ni Jethro ang tungkol sa anak nyo." Mabilis niyang sabi.
Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon. "Anong sabi mo? Paano niya nalaman?"
"Sinabi ko sa kanya ang totoo. Kaya sya gabi gabing naglalasing dahil hindi man lang niya nakapiling ang anak niya. Pero hindi ko sinabi sa kanya na may sakit ang anak---"
Malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Wala syang karapatan na sabihin iyon kay Agony. Alam kong mali na itago sa kanya ang anak namin pero sa pagkakataong ito, gusto kong maging selfish. Wala silang karapatan sa anak ko. Wala na din akong balak na ipaalam kay Agony si Yishea dahil alam ko na kapag nalaman niyang may sakit ang anak ko ay agad niya itong kukunin sa akin.
"It may sound selfish pero hanggang maaari, ipagdadamot ko ang anak ko. Ni katiting ay wala syang karapatan na lumapit sa anak ko. Wala syang karapatan na makita ang anak ko. At lalong wala syang karapatan na maging anak ang anak ko. He pushed me away remember?" Wika ko.
Paglabas ko ng chapel ay napaupo ako sa sahig. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko.
"Monique!" Yun lang ang tanging narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Pagkagising ko, agad kong nilibot ang aking paningin. Nakita ko si Laurel na mahimbing na natutulog sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)
General FictionWould you still love a married woman even if it is illegal? A Teacher-Student relationship that would make your hearts and minds upside down. (Paramour Series #1) Highest Ranking: -Number 1 in Paramour -Number 1 in Sin