BM: CHAPTER TWENTY :))

153 3 0
                                    

"Anong ginagawa natin dito?"

"Di ba sabi mo uuwi ka na?"

"Ha? P-pero di pa ako handang makita sina Daddy. At isa pa... nandyan si Mommy baka..."

"Di ba nagdesisyon ka na. Ganon rin yon, dito ka rin pupunta."

"TAO PO!!!! TAO PO!!!"

Ano bang ginagawa ni Zai?

Nandito kasi kami ngayon sa harap ng gate namin.

Sa totoo lang, walang makakarinig sa kanya. Parang villa ang bahay namin na di tulad ng bahay nina Zai na simple lang kahit malaki.

"TAO PO! ANYBODY HOME?"

Nakakatawa naman itong si Zai. Alam naman nyang walang makakarinig sa kanya sigaw parin ng sigaw.

Naghahalo tuloy yung kaba at tawa na nararamdaman ko.

"Zai.... may doorbell. " Tinuro ko naman yung doorbell sa gilid nya.

"Kanina pa ako sumisigaw ngayon mo lang sinabi."

"Sorry hahaha!"

***

Kung kanina patawa-tawa ako dahil sa kashungaan ni Zai, ngayon nanginginig na ako sa kaba dahil anytime ... haharap ako kay Daddy.

"Kinakabahan ka ba?"

"Ikaw nga.. tinakwil ka ng Daddy mo, makakaharap ka pa ba?"

 

"Sa laki ba naman ng Villa nyo, sino bang di kakabahan?"

“Ano ba Zai? Seryoso ako.”

“Okay okay. Peace!!”
sabi nya at nag-peace sign sa akin.

Ilang saglit pa ay nabalot na kami ng katahimikan.

“Ma’am Alli nadito na po Daddy nyo.”

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ano nang mangyayari?

Bigla akong nakaramdam ng takot. Nanginginig ako.

“Alli..”
Napatingin naman ako kay Zai dahil hinawakan nya ang isa kong kamay.


“… chill ka lang. Walang gagawing masama ang Daddy mo. Basta sabihin mo lang ang side mo at siguradong maniniwala sya.”

Napansin kong ang init ng mga pisngi ko.
Bakit di ako kay Zai nagkagusto?


“Alli….”

Nakita ko sa pinto ang isang maputi, matangkad, at di katandaang lalaki.
Di parin nagbabago ang itsura nya.

Mukha parin syang nakakatakot.

Naramdam ko naman ang lungkot at pagka-miss sa kanya.

“Alli, anak… buti naman at bumalik ka na.”

Unti-unting tumulo ang mga luha mula sa kanya.


Akala ko hindi nya ako mahal. Akala ko kinamumuhian nya ako. Akala ko pabigat lang ako sa pamilya naming. Akala ko.. si Kelly lang.

Babysitting Monsters (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon