#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Pagkatapos mag share ng preacher sa Word of God ay napagdesisyonan kong umalis at hindi nalang sumali sa activity nila sa church. Napakagat ako ng kabi ng maalala ang kahihiyan na iyon. Noong humingi ako ng tawad kay Yohan.Nagkunware siyang di niya ako kilala, siguro nga ay di na niya ako kilala.
Nang makarating ako sa bahay ay napabuntong-hininga ako ng hindi ko mahagilap si itay kaya naman napagdesisyonan ko nalang na pumunta sa sunflower farm namin. Motorcycle ang sinakyan ko na binili ni itay para sa akin para makapunta ako sa sunflower field.
"Magandang hapon po sa inyo Ma'am" bati sa akin ng trabahante.Nag-haharvest sila ng mga bulaklak ngayon. Klase-klase ang tanim naming bulaklak bukod sa sunflower at tinitinda namin ito sa flower shop sa lungsod. Ngumiti ako at bumati rin pabalik.
Maganda ang sikat ng araw kaya mas lalong tumitingkad ang kulay ng mga bulaklak kapag nasisinagan ito ng araw. Para namang kumikining ang kulay berde na dahon dahil sa sikat ng araw na tumatama dito.Nakangiti akong naglakad papunta sa isang maliit na bahay mula di kalayuan na ipinatayo ni itay upang doon magpahinga pagkatapos magtrabaho.
Napatingin ako sa relo ko. Paniguradong tapos na sila sa activity nila.Kumabog ang puso ko ng maalala ulit si Yohan. Napailing ako ng ilang besess ng mapagtanto na mali ang naramdaman ko.
"Hi Miss Ganda bulaklak po para sa inyo" natigil ang pagmumuni ko ng may nagsalita sa gilid ko. Isang batang lalake.
"Wow thank you" nakangitig sabi ko sa kanya.
"M-May boyfriend na po ba kayo?" nagulat ako sa tanong ng bata. Tumawa ako ng mahina at kinurot ang mataba nitong pisnge.
"Wala naman" natatawang sabi ko.
"Talaga? Kung ganoon, Miss Ganda pwede kitang ligawan" wika niya dahilan para mas kurutin ko ang pisnge nito at guluhin ang buhok niya. Napakakyut naman ng batang ito.
"Sigeh kung iyon ang gusto mo" natatawang sabi ko sa kanya. Namula naman ang pisnge ng batang lalake.
"Bibom!" sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng bosess, si Aling Helen lang pala at may dala siyang walis ting-ting.
"Kanina pa kitang hinahanap bata ka, nandito ka lang pala"nakapamewang na sabi ni Aling Helen. Nang ibaling niya ang tingin sa akin ay ngumiti siya at yumuko
"Kayo pala Ma'am Lindsy, magandang hapon po sa inyo pagpasensyahan niyo na itong anak ko kung saan-saan nalang napapad-pad"wika ni Aling Helen. Natawa naman ako at umiling sabay wasiwas ng kamay ko."Okay lang po at tsaka ang kyut pala ng anak niyo" nakangiting sabi ko. "Naku sa akin yan nagmana, ah manuna na po kami ng anak ko hindi pa kasi to naliligo nakakahiya sa inyo" sabi sa akin ni Aling Helen tumango naman ako bilang tugon. Kumaway naman sa akin si Aling Helen at ang anak niyang si Bibom nang paalis na sila. Naalala ko tuloy si inay. Madalas kasi hindi ko gusto maligo ng umaga kaya naghahabol-habolan pa kami bago pa ako makaligo. Ngumiti ako ng may bakas ng lungkot.
Umuwi na ako sa bahay namin pagsapit ng gabi. Kaagad akong dumeritso sa kusina para uminom ng tubig at naabutan ko ang taga-luto naming si Aling Sisa na nagluluto. "Kumusta Iha?" bati nito sa akin.
"Maayos naman po ako" nakangiting sagot ko.
"Si itay nasaan po?" tanong ko.
"Naku iha hindi raw makakarating ang itay mo ngayong gabi dahil may inaasikaso pa siya" wika ni aling sisa. Malungkot naman akong tumango. Kaya noong gabing iyon ay kasabay ko ang mga katulong sa hapunan.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...