Chapter 43

223 11 10
                                    

Kate's POV

It's true. Lance is still alive. I can feel his heart beating as I hug him tight. Hindi ito panaginip. Hindi ito isang imahinasyon. Totoong kasama ko ngayon dito si Lance.

"Get your hands off me."

Bigla akong natauhan ng magsalita siya. Hindi ito pasigaw pero may awtoridad ang pagkakasabi niya nito. Agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"So-sorry." Nahihiyang sabi ko. Tumayo ako at inayos ang suot kong damit. Nakita ko naman ang ginawa niyang pagtayo at paglilinis sa damit niyang tila nadumihan ng lupa.

"Lance -"

"I don't think we're close enough to call each other's first name." Putol niya sa sasabihin ko.

He's cold. His eyes are not just blank like before. Matatalim ang bawat tingin niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita agad. Bahagyang nangibabaw ang kaba ko kesa sa tuwang nararamdaman ko kanina.

"You're not allowed to go here. Umalis ka na sa lugar na to." His tone suddenly change. As if I have made a huge mistake by entering this place.

"Sumilong lang ako dahil sa ulan. Pasensya na kung pumasok ako dito ng walang paalam." Paghingi ko nang tawad. Isang bagay ang hindi ko maipaliwanag. Akala ko patay na siya? Kung ganon ano yung sinabi sa akin ni Kiefer?

"Get lost. From now on you are banned from this place."

"Pero bakit? Wala naman akong ibang violation? At isa pa ang tanging taong may karapatan para gawin yan ay -"

"Ako." Hindi talaga niya ko balak patapusin sa pagsasalita ko. "Ako ang tanging taong may karapatan na paalisin ka sa lugar na ito. Do you know why?" Humakbang siya papalapit sa akin na ikinagulat ko. Hindi ako nakapaghanda hanggang sa maliit na espasyo na lang ang pagitan ng mga mukha namin.
"Because I own this place. It's all mine Miss Ferrer."

Halos bumagsak ang balikat ko sa nalaman ko. Ang may-ari ng lugar na ito na tinutukoy ni Chloe ay si Lance? Yung sinasabi niyang misteryoso at nakakatakot? Yung nagreject sa proposal ko?

"K-kung ganon ikaw yon? Yung boss nila Chloe at Mike? Yung nag reject ng business proposal ko?"

"Ako nga."

"Alam mo bang pinaghirapan ko yon? Dahil ba sa nangyari noon kaya hindi mo tinanggap ang business proposal ko?"

"I don't think I owe you an explanation Miss Ferrer."

Miss Ferrer? I remember now. This feeling and this kind of voice. I've experience it before. It's like as if I'm talking to Mr. Mezzo Mendoza. Ma-awtoridad na boses at matatalim na tingin. I already feel intimidated by the way he speak.

"At least give me a good reason. Why did you reject me?" Pinilit kong ikalma ang sistema ko. Kahit sa isip ko para bang sasabog na ako sa sobrang pagkalito. I feel happy then scared, then all of a sudden confused.

"I don't like you."

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Ang sakit ng sinabi niya. Pero may mas sasakit pa pala doon.

"I despise you." Dagdag niya na mas mapanakit kesa sa unang sinabi niya.

"I gave you a good reason. Now get lost. And don't ever come back here." Sabi niya saka ako tinalikuran. He's so mean. Yung paraan ng pananalita niya ang nagbago sakanya. Hindi siya ganito kasakit magsalita noon.

"Sandali lang." Pigil ko sa tangka niyang pag-alis. Pero para siyang bingi at nagpatuloy lang sa paglalakad palabas sa greenhouse. Sinundan ko siya at pinigilan sa tangka niyang paglayo.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon