Phonemates❤️

201 4 0
                                    

*Logging in...*

70friend request
16unread msg's
53notification

Agad kong inopen friend request ko.

Napansin ko ang aga ko nagising 9am palang ah.

*Pol Raniega Added you as a friend*

Parang nag autofocus mata ko sa pangalan nya.

Totoo ba to? Inadd nya ako. Kahapon pa niya ginaganito ang feelings ko. :') Kiligmuch.

Ura-urada kong inaccept friend request nya. Sabay stalk sa wall niya.

Sa Cover photo, Display pic.

Yung iba dun mga ex nya.

Hays kelan naman mapupunta muka ko dyan!

Nag PM ako agad sa kanya.

Me: Hi
(seen)

Nakaka heartbroken naman to. Seen lang!

*Pol Raniega is typing*

Omg ayan na. Ayan na.

Him: Hello.
Me: Anong oras ka nakauwi kagabi?

(Feeling girlfriend ka zeilah) konsensya ko yan.

Him: Mga 2am narin.
*typing*
Him: Sige gotta go may practice ulit eh. Text nalang.
Me: Sige sige. Ingat
(seen)

Umiikot ikot ako sa kama ko.

"Kyaaaaaaaaah!" Di ko napigilang tumili. Ang panget ko pa namang kiligin. Make face overload.

Tama na nga kilig matext muna siya.

To: Aa.crush❤

Hi, zeilah to. Ingat sa lakad mo. Sana nakasave na number ko nagtext na ako sayo before.
*Sent*

Tama ba mga pinagsasabi ko? Oh pa halata ako masyado? Tsk. Can't help he's so pogi. :')

From: Aa.crush❤️

Hi zeilah, oo sinave ko na. Tawag ako sayo mamaya pwede?

OMG tatawagan nya ako.

Nireplyan ko sya matagal tagal din kami magkatext.

*Ehem* *Ehem*

"Hello bakit ka tumawag?"

Pangit pangit.

"Hi pol buti naman tumawag ka"

Mali, parang inoobliga mo sya.

"Hello, *hikab* kakagising ko lang nakatulog ako"

Mali parin ang pangit.

Last.

You're gone and
i gotta stay high🎶
All the time..

*Aa.crush❤️ calling..*

"Hello" Pagsagot ko.

"Hi zeilah, ginagawa mo"

Omg ano daw ginagawa mo zeilah di mo pwedeng sabihin na hinihintay mo tawag nya!

"Ah wala naman fb lang" Maikli kong sagot.

Nag usap kami for about 14mns. Matagal tagal din yon.

Magkikita kami bukas. Pupunta kami kila kimchi mag m-movie marathon.

Excited na ako.

Feeling ko talaga na f-fall talaga ako.

Mabilis pa naman ako ma fall. Lalo na kung yung taong gusto mo ine-entertain ka.

UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon