YC- 5

36 1 0
                                    

Ako na ang di active sa wattpad >.< Well, nevermind. Masyadong busy ang graduating tsaka may High school ball pa kami nuh! Hahahaha I'm so excited <3 Enjoy na kasi last na talaga 'to.

So, enjoy this update. Napahaba ko ata. Basta ;)

---

Nakatunga-nga lang kaming apat dun sa dalawang lalaking naghahabulan dun sa corridor. Isang lalaking weird na tawa ng tawa tapos isang lalaking walang damit sa itaas.

S-si Mr. Kunot ang Noo!

“Anu yun?”

“Muntanga naman yung dalawang yun.”

Si kunot ang noo nakita kong walang damit sa taas!

 

“AAAAAAAHHHH―” napatakip ako ng bibig nang bigla akong napasigaw, WHAT THE HELL!

“Bakit ka sumigaw?” alalang tanong ni Maridale

“A-ah w-wala!” nahimas himas ko ang mukha ko, “Bat ka namumula?” si Roi anne naman ngayon ang nagtatanong

“Ha?!” Ako? Namumula?

“Oo kaya.” Tumalikod ako baka mahimasmasahan ako ng unti.

Bakit ba kasi yun!?  Okay, Nik. Calm down. Inhale. Exhale. Wag mong isipin yung nangyari. Stay focus. Gutom ka na.

“Tara na.” nang macompose ko ang sarili ko, humarap na ako sakanila.

 

“Anyare dun?”

“Ewan ko.”

 

Rinig kong bulungan nila sa likod ko pero hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang makarating kami sa camp site,

“Nikka dalian niyo. Kakain na.” salubong samin ni Mam Maricel

“Sige po. Magaayos lang po kami saglit mam.” Pagkatapos nun, nagmadali na kami ni Sab na pumunta ng tent namin saka nag-ayos ng sarili at ng gamit. Ganun sina Maridale at Roi anne

Pagkatapos nun, nakita naming nakatayo na silang lahat dun sa dining table kaya binilisan nanamin yung takbo ni Sab,

“Amen. In the name of theFather, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen.” Ito na lang naabutan namin kaya nag-sign of the cross na lang kami ni Sab, “Kain na.” sabi ni Sister Audrey kaya nagsikuhanan na ng plato.

Napaupo ako saglit kasi nahihingal ako. Hayst. Note to self, kailangang maligo ng maaga para hindi malate kumain :3

“Kain na Nikka.” Tumango lang ako kay Sab saka tumayo at kumuha na rin ng plato.

Youth Camp (Short Story) [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon