Chapter 24 - Boy Oh Boy

300 4 0
                                    

Nagpunta muna ako sa mall pagkagaling ko sa orphanage nung Saturday. I decided to have some "me time". Medyo hindi ko na kinakaya yung mga stresses sa school, friends and love...?

Ewan ko kung coincidence pero cancelled lahat ng SC meetings this week kaya malamang tambak ang trabaho namin next week. Si Drew ang nag-cancel ng mga meetings. Tuwang tuwa rin naman ang ibang members kasi nakapag-focus sa prelim exams. 

That's another reason para mag-unwind ako, katatapos lang ng prelim exams. I would like to say that I did okay on my exams at sana lumabas yun sa results. 

Ooops, oops. Unwind nga eh, stop thinking about the stressors!

Nakatambay ako sa isang cafe at nagbabasa ng libro. Ito yung way ko ng pag-uunwind. I love reading.  May time din nung nagmo-move on ako kay Cordova, I hated being seen alone. Feeling ko pag nakita ako ng mga kaklase niya, or worse, si Cordova mismo, iisipin nila kawawa naman ako. 

Ang lakas ng inferiority complex ko no?

Sa mga cafe at sa mga hindi ganun ka-crowded na malls ako pumupunta. Bakit? Para walang nakakakita sa akin na kahit sinong kakilala. 

Oo na, ako na paranoid.

As I was reading my book, someone tapped me from behind. Ayoko munang lumingon. Baka biglang umalis na lang. But the person tapped me again. Paglingon ko, si...

Sandali. Hindi ko alam pangalan ng lalaking 'to.

"Hey, Ms. damsel in distress." bati niya at umupo sa harap ko.
"Sure, sige. Please sit down." I said sarcastically.
"If you insist." He smirks at me.
"Anong ginagawa mo dito? Ini-stalk mo ba ko?"

He leaned forward.
"Destiny nga diba?" He grinned at me.
"Makaalis na nga." Patayo na sana ako nung may sinabi na naman siya.
"Wala ka ng mga sama ng loob na gustong i-share?" Sumandal siya sa upuan at umaktong parang psychologist/psychiatrist na makikinig sa'yo.

Napaupo ulit ako at natawa naman siya.
"Sabi ko na eh. You can't resist my charms!"
"Ay, sige bye na ulit."
"Joke, joke lang. Please, magkwento ka na. Baka gusto mo pa ng sprite?" 

This is so ridiculous. Magku-kwento na naman ako sa hindi ko kilala. At oo, may balak akong mag-kwento. Siya lang naman kasi yung makakausap kong hindi biased sa'kin or...sa kahit sinong lalaking ikukuwento ko.

"So tungkol saan ang storya ngayon?" tanong niya.
"Ano 'to, MMK? Ikaw si ate Charo?"
"No, pero ako si--"
"Ops! No. Wag mong sabihin yung pangalan mo. Mas magandang anonymous. It's better to share my pathetic stories kung hindi kita kilala."

"Ang weird mo." He says as he sips my drink.

My drink!?!

My. Drink. 

"Hoy, akin yan!" sigaw ko. Buti na lang nasa 2nd floor kami ng cafe at walang masiyadong tao.
"Akin yan, Nicole. Akin lang ang drink na yan!" He says, ginagaya ang ano pa ba? The Legal Wife.
"Loko! Ba't mo ininom yan?!"
"May natira pa naman ah? Oh, sa'yong sa'yo na. Wala akong nakakahawang sakit."
"Eugh. Sa'yo na."
"Thanks." And then he took a sip again.
"Paano kung ako yung may nakakahawang sakit?" tanong ko.
He choked. "What!?"
"Relax."
"Kwento ka na."
"Oh, where to start."
"How about dun sa lalaking hindi ka gusto na iniiyakan mo nung una tayong nagkita?"
"Hindi ko siya iniyakan."
"Pero kung wala ako dun, baka umiyak ka na."
"Ang kapal mo no?"
He winks at me. "Kwento na dali."
"Well, gusto niya rin pala ako."
"Nice one, damsel." He slowly claps. "So, kayo na?"
"Hindi. Or oo? Ewan."
"M.U.? Ang tanda mo na para diyan, huy."

Wala akong gamit na mababato. Ayoko namang ibato ang book na 'to. Precious 'to.

"Eh, sabi ko ligawan niya ako eh." I said.
"Wow, ang ganda ganda mo naman para magpaligaw."
"Alam mo, pasalamat ka wala akong hawak na kung anong bagay. Nabato na sana kita."

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon