Masyado akong nag eenjoy sa pag gala na ka muntikan ko narin makalimutan ang mga kliyente kong naghihintay ng confirmation nila mula sa'kin. Labag man sa kalooban ay pinagpaliban ko muna ang paglabas ng bahay, nakakahiya naman kung paaasahin ko lang para at least may time pa silang makahanap ng iba habang maaga pa.
Nasa kalagitnaan ako ng nirereview kong mga pending emails ng biglang tumawag ang kaibigan kong si nicole na nasa pinas through videocall.
Nic: hello bestie!
me: hey, bakit ka napatawag?
Nic: hindi mo manlang ba ako kakamustahin o I miss you manlang diyan bestfriend? nakakatampo kana ha
Natawa ako ng sumimangot ito hindi niya ako madadala sa ganiyan kaya binelatan ko siya na ikinainis niya, kaya lalo akong natuwa sakanya.
Sinamaan ako nito ng tingin kaya pinigilan ko ang sariling wag matawa
Nic: yung itsura mo parang butete na hindi mapanganak, huwag mong pigilan PHOEBE LEVI SACRAMENTO ayos lang talaga! ganyan ka naman eh!
mangiyak ngiyak kong pinigilan ang sarili hanggang sa nag excuse akong magbabanyo lang saglit dahil hindi ko na kaya. Bakit ko pinigilan ang tawa sa harap niya? eh kasi iba ang ugali ng kaibigan kong yun ayaw ng napapahiya, hindi rin namamansin ng isang buwan pero masaya siyang kasama at may pagka saltik minsan kaya nga pinagtiyagaan ko simula pa nung bata pa kami
Nic: tapos kana?
mataray nitong sabi kaya kinagat ko ang labi ko bago tumango sakanya
me: I missyou Nics okay na po? so bakit ka nga napatawag at siguraduhin mong importante yan dahil may ginagawa ako ngayon
Nic: aww I missyou too bestie
sabi sainyo may saltik yan
Nic: ohh before I forgot may good news and bad news ako sayo, anong gusto kong unahin?
Me: baliw sabihin mo nalang kaya? same lang din ang kalalabasan
Nic: ayy! may point ka, the goodnews is may kakilala akong naghahanap na pwedeng i'hire nila as their photographer sa isang event para sa gaganapin na street fashion show at ang maganda dun ay mataas ang bayad tsaka hindi lang yun bestie dahil mga bigatin ang mga kukunan mo ng litrato at dadalo sa event na yun.
sa katunayan I was enticed by her offer dahil sa sinabi niyang nga bigatin ang dadalo, very challenging kasi para sakin ang mga ganong bagay
Nic: kaya nirekomenda kita sakanya and confirmation mo nalang ang hinihintay, what do you think? diba gusto mo yung challenging?? ...she really knows me well
me: what about the bad news?
Nic: ayon lang dito sa pinas gaganapin at sa friday na yun eh diba 1 month kapa jn?
yup, 1month pa ako dito bale may 1 in half weeks pa akong natitira at martes na ngayon pero gusto ko talaga yung offer, pinag isipan kong mabuti habang patingin tingin sa mga emails na nareview ko na at hindi pa
me: sige, I'll take it
Nic: GREAT! sasabihan ko yung kakilala ko, kelan ka pala uuwi?...
me: tomorrow ipapaliwanag ko nalang kay papa at ate cass, sayang naman kasi yung opportunity haha
nag usap pa kami ng ilang oras hanggang sa nagpaalam na ito pero nagpahabol pa ito ng pasalubong daw niya pag uwi ko.
Nagpadala ako ng mensahe sa mga gusto akong kunin at syempre humingi ako ng paumanhin sakanila tsaka mabilis na sinara ang laptop para mag ayos ng mga dadalhin kong gamit