[Ikaw Lamang]

729 18 10
                                    

[Past]

Habang nakikipagharutan si Yvonne sa kanyang mahaharot na kaibigan, nagbeep ang kanyang Nokia 2210 na cellphone. Ang kanyang boyfriend ang nagtext. Ang sabi ng binata ay gusto raw siya nitong makita kaya aantayin daw siya nito sa may likod ng kanilang classroom.

"Uyy, sino ang nagtext sissy? Si boyfie?" tanong ng balahurang kaibigan ni Yvonne na si Oishi. Sa kanilang apat na magkakaibigan ito ang pinakaliberated. Magaling ng lumaklak ng alak sa edad nitong disesais. Palibhasa nagrirebelde ito dahil sa mga magulang nitong pabaya. Broken family at sa lolo na naglalagi.

"Ano bang nakita mo sa boyfriend mong iyon? Hindi naman siya kaguwapuhan, wala pang kaporma-porma, baduy kumbaga. Uyy ha, huwag kang magalit Honesto lang 'to," sabad naman ng isa pa niyang kaibigan na si Pee Wee. Ito naman ay ubod ng arte at maraming bling bling sa katawan. Talo pa ang Christmas tree.

Natahimik bigla si Yvonne. Ano nga ba ang nagustuhan niya sa kanyang boyfriend? Ano nga ba ang dahilan at napasagot siya nito? Biglang napasalampak ng upo si Yvonne sa sahig ng kanilang classroom, sumunod naman ng salampak ang tatlo pa niyang kaibigan.

"Hindi mo naman talaga mahal si Luke diba? Alam kong sinagot mo lang siya dahil sa'kin, sinulsulan kasi kita dahil mabait naman kasi talaga si Luke and he love you so much, with all his heart pati ng kanyang warts," sabad ng joker nilang kaibigan na si Richee.

Binatukan naman agad ito ni Oishi.

"Umayos ka ha! Kung hindi, hagisan kita ng kuto at lisa," sabi pa ni Oishi kay Richee.

"Huwag maawa ka sa buhok kong alagang alaga sa likas papaya," kunwari nagtakip pa ng ulo si Richee gamit ang dalawang kamay.

"Tama na yan," saway ni Yvonne habang nakahalukipkip. "Sissy's anong gagawin ko? Help me please! Feeling ko kasi masyado na akong sakal na sakal sa pagmamahal ni Luke. Lagi siyang nagtetext. Kumain kana?Gawa mo? Lunch kana ha! Nagdinner ka na? Tulog maaga. Iyon bang tipong gano'n. With consistency! Nakakasawa naman di ba?" Mahabang litanya niya.

"Madali lang solusyon niyan," sabi ni Richee habang nakangisi.

"Ano? Halos sabay-sabay na tanong ng magkakaibigan.

"Eh di, huwag kang magcellphone."

Halos sabay-sabay ding binatukan ng magkakaibigan si Richee. Namilipit ito sa sakit dahil napalakas din ang sapak nila. Bigla itong umusod at namaluktot palayo sa umpukan nila.

"Hiwalayan mo na lang siya kung dika rin lang naman masaya, kesa naman paasahin mo iyong tao," seryoso ng litanya ni Oishi mayamaya.

"Oo, iyon nga ang gagawin ko. Ayoko na, sawang sawa na talaga ako. At alam niyo ba sissy, may bago akong suitor!" Tuwang-tuwang saad ni Yvonne na ikinalaki ng mata ng magkakaibigan.

"The who?" excited at halos magkapanabay na tanong ng mga ito.

"Kilala niyo si Rike di ba?"

"Oh my Gad! Don't tell me iyan yung sikat na basketball player at pinakahunk na guy dito sa BNHS?" Nanlalaki ang mata na bulalas ni Pee Wee.

Tumango-tango si Yvonne bilang pagsang ayon sa sinabi nito.

Siya nga pala si Yvonne Jose. Labin-limang taong gulang at nasa ikaapat na taon sa highschool. Matangkad, maputi at may maamong mukha. Matangos ang maliit nitong ilong at may mapupulang labi na nagpatingkad lalo sa kagandahan niyang taglay. Isa rin siya sa mga pinakasikat sa kanilang paaralan.

"Oh my sissy! Ang swerte mo naman! Remember ha, were sister's at uhmm...alam na, share your blessing. Kahit matsansingan ko lang minsan si Papa Rike solve na ako," sabi ni Oishi.

Ikaw Lamang[One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon