AKALA

3 3 3
                                    

Naglalakad lang ako sa kalsada nung napahinto ako sa tapat ng boardwalk. Kaya naisipan ko na doon muna . At agad naman akong umupo sa favorite spot ko dun.

"Hayssstttt kapagod talaga sa work mabuti may dagat , pampawala ng stress" sabi ko sabay dinama ang hangin galing sa dagat.

Pikit pikit lang ako nung naramdaman kong may tumabi sa akin. Nilingon ko ito.

Its a guy, sa tingin ko kaedad ko lang din. May dala siyang gitara tapos nakatingin lang din siya sa dagat. Kaya tumingin nalang din ako sa dagat.

Ilang sandali lang ay nagsimula na siyang magstrum at kumanta. Napalingon ako, kahit di familiar sa akin ang kanta pero isa lang ang sigurado, maganda ang boses niya at bagay na bagay sa kanta.

Ilang sandali lang ay lumingon din siya sa akin at ngumiti tapos pinagpatuloy ang pagkanta.

Luhhh bat ngumiti!!!!

Tinignan ko nalang siya hanggang sa natapos na siya sa pagkanta.

Madami na ding tao dito ang tumingin at lumapit sa amin.

"Ang sweet naman kinantahan niya yung gf niya"

"Oo nga ehh mapapasana ol nalang tayo"

"Mama, mama, hanap din po ako nang gaya ni kuya singer paglaki ko"

Yan ang mga bulong bulongan na naririnig ko sa ibang nakatingin dito .

Gf?

Kahiyaaaa, di ko naman kilala to eh.

Pero pwede na siya kung sakali man

Wait!, A-anong naisip ko??? Wtf?!!! Anlande ko ahh (─.─||)

Tinignan ko ulit siya na tapos na sa pagligpit sa guitar niya.

After nun may hinalungkat siya sa bag niya.

"Hala baka magpropropose na siya sa gf niya"

"Oh kaya may surpresa pa siya"

Bulungan naman ng nasa right side ko na mga highschool students.

Lahat kami dito ay naka-abang sa kung ano ang ilalabas niya.

Dahan dahan niya inilabas ang kamay niya na may hawak na
.
.
.
.
.
.
.
Sobre

Tapos binigay niya sa akin.

"Sing For Hope"
"You can donate any amount" malakas ko pang pagbasa.

Nung narinig yun nga mga tao sa paligid namin, ang iba umalis ang iba ay nadonate

Eh hawak ko na ehh ,kahit konti lang pera ko magbibigay na din ako.

"Akala ko gf niya yan, di din pala " narinig kung sabi ulit nila

"Akala ko din besh , same ata utak natin noh"-sabi pa ng isa.

Haysttt ako din umasa akala ko kumakanta aang siya kasi nabored siya, akala ko din  na ako kinakantahan niya

dami pla namin(٥↼_↼)

"Xylene!!! dito" Sigaw ng nasa likod ko.

Nilingon ko nalang din yun paparating , kaibigan ata nila.

'sarap maging bata ulit'

Naputol yung pag iisip ko nung may tumapik sa balikat ko.

"Miss, kukunin ko na po ang sobre ha" sabi ni Mr. Singer sa akin sabay ngiti.

"A-ahh s-sorry di ko napansin hehe, hawak ko pa pala, eto na pooo".

At yun nga, binigay ko na sa kanya ang sobre tas umalis na siya.

So yun lang madami kaming nag assume.

Sige na bye na, aalis na ako baka may iba pang singer dito, pang pamasahe nalang pera ko.

-end-

AKALAWhere stories live. Discover now