#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
"A-anong ginagawa mo" mahinang bulong ko sa kanya.Napakagat naman siya ng labi at hinawakan ang baba ko at tinaas ito.
"B-Bakit mo ak---" hindi na natuloy ang sasabihin ko nga hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at hinalikan ulit ako ng mas malalim. Parang natunaw ang buong katawan ko at nanginig ang tuhod ko. Hindi siya nagpaawat at panay parin ang halik niya sa labi ko. Napahawak ako sa matipuno niyang dib-dib. Mas lalo pa niya akong nilapit sa katawan niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglalaruan ito habang abala siya sa paghalik sa mga labi ko.
Hindi ko napigilan na humalik pabalik sa kanya puno iyon ng senseridad. Hindi ko akalain na bibigay ako ng ganito sa kanya. Pinalalim pa niya ang halik naming dalawa.Naglakbay ulit ang kamay niya sa beywang ko hanggang sa likod patungo sa batok ko at mas nilapit pa ang mukha ko sa kanya. Para bang hindi niya ako pinapayagan na bumitaw sa halik naming dalawa.Pero bumitaw siya kaagad at sinadal ang noo niya sa noo ko. Hinaplos niya ng marahan ang pisnge ko.
"Yohan anong ginagawa mo, hindi dapat tayo naghahalikan" napaiwas ako ng tingin at yumuko.
"I'm sorry i can't help it" mahinang bulong niya sa akin. Napakagat ako ng labi at umiwas ng tingin.
"Ang lambot ng labi mo" mahinang bulong niya. Tumindig ang balhibo ko at namula ang pisnge ko dahil sa sinabi niya. Yumuko ako at hindi pinakita ang namumulang mukha. Naramdaman ko naman ang mahihinang tawa niya na para sa akin ay isa iyong matamis na awit. Napatingin ako sa Adam's apple niya na tumataas-baba.
"Yohan mali parin ang ginawa natin hindi tayo magkasintahan"napabuntong-hininga na sabi ko kahit ang totoo naman ay gustong-gusto ko ang ginagawa niya.
"Then will you be my girl? I'll promise I'll stay here with you, liligawan kita araw-araw at kung magdadate tayo susunduin kita sabay tayong papasok ng simabahan at sabay na magsisimba. Lindsy will you be my girl?" tanong niya at hinawakan ang baba ko at tinangala ang mukha ko. Nagtama ang tingin namin kaya mabilis akong nag-iwas. Masyado kaming malapit sa isa't isa.
" Look at me"utos niya. Kaya naman napakagat ako ng labi at nilingon siya. Nagtama ang tingin naming dalawa.
" Bakit ganyan ka makatingin? "ilang na sabi ko sa kanya.
"Hindi ako magsasawang tignan ang mukha mo, it feels like I'm home" malalim ang bosess na sabi niya.Kumabog ang puso ko ng mabilis dahil sa mga salitang binibitawan niya.
"My home left me and now my home came back in my arms" bulong niya sa tenga ko at dahan-dahan na hinalikan ako sa pisnge at mabilis akong ninakawan ng halik sa labi.
"Ikaw ha! Nakakarami ka na ng halik" inis na sabi ko sa kanya.
"Kasalanan mo dahil simula noong umalis ka hindi na ako humalik ng iba" wika niya dahialan paea biglang magbago ang timpla ng mukha ko ng marinig ang sinabi niya.Naalala ko ulit si Ate Fely mariin ko siyang tinignan.
"So si Ate Fely ang huling halik mo" inis na sabi ko sa kanya.
"Come on hindi ko siya gusto, it is always been you" malambing na sabi niya at dahan-dahang hinawakan ang siko ko. Hinawi ko iyon at naglakad paalis sa hardin. Pero hindi parin mawala ang ngiti sa mukha ko. Napahawak ako sa labi ko at naalala ulit ang mga oras na naghahalikan kami ni Yohan. Hindi parin ako makapaniwala.
"Ehem" muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ang malakas na tikhim ni Aling Sisa.
"Kayo pala Aling Sisa" mahinang sambit ko.
"Nakitang kong nakipaghalikan ka sa Hardinero Lindsy" hinarap niya ako at kumunot ang noo niya. Napamewang siya ngayon. Napanguso ako dahil sa sinabi niya.
"Lindsy alam ko naman na gwapo at matipuno ang hardinero na iyon para paano kapag nalaman ito ng itay mo na nakipaghalikan ka lang ng kung sino-sinong lalake, hay naku mga kabataan nga naman" napailing na sabi ni Aling Sisa.
"Siya po si Yohan yung palaging kwenekwento ko sa inyo" sabi ko kay Aling Sisa. Biglang nagbago ang mukha niya at kaagad na kumislap ang mga mata niya.
"Kung ganoon ay siya pala ang lalakeng iniibig mo?" tanong niya sa akin.
"Opo" nakayukong sabi ko.
"Akala ko ba ay mayaman siya?" nagtatakang sabi ni Aling Sisa. Umupo kami sa coach at doon na nagusap.
"Oo nga po pero di ko po alam kung bakit gusto niyang magtrabaho bilang hardinero" nakangusong sabi ko sa kanya at kasabay na yumuko.
"Tadhana nga naman, sa paraan ng pagkwekwento mo sa kanya sa akin Lindsy nababatid ko na malalim ang nararamdaman niya sayo at ganoon ka rin, kung sana ay pinakinggan mo dati ang kaniyang paliwanag noong nakita mong may kahalikan siyang babae pero tignaan mo sayo parin siya umuwi, ikaw ang mahal niya Lindsy kung mayroon ka mang pagdadalawang-isip"mahabang sabi ni Aling Sisa.
"Hindi ko rin po alam kung maniniwala ba ako sa kanya" wika ko. Napatingin ako sa labas at napansing seryoso na si Yohan sa trabaho niya bilang hardinero.
"Kung nawala man kayo sa isa't isa pareho pero sa huli nahanap niyo parin ang daan sa isa't isa, bigyan mo siya ng pagkakataon at sa pagkakataon na ito magtiwala ka sa kanya" nakangiting sabi ni Aling Sisa. Napayuko ako kasabay ng pagtango.
Tinulungan ko si Aling Sisa na gumawa ng meryenda para kay Yohan. Mabuti nalang talaga at hindi pa umuuwi si itay at Jandrick dahil kapag nalaman nila ito mapapalayas nila ng wala sa oras si Yohan.
"Ako na po ang maghahatid nito sa kanya" nakangiting sabi ko kay Aling Sisa. Tumingin siya sa gawi ko at may halong panunukso.Napakagat nalang ako ng labi at mabilis na kinuha ang tray.
Naglalakad na ako papunta sa kinaroroonan niya. Nagtatanggal siya ngayon ng ligaw na damo. Napalingon siya sa gawi ko at napangiti ng matamis
"Yohan meryenda ka muna" wika sabay kagat ng labi para magpigil na ngumiti.
"Of course" malambing na sabi niya.Napapikit ako ng mariin at pumunta sa isang Cottage na gawa sa bamboo. Nilagay ko ito sa maliit na mesa. Kahit gawa langza bamboo ang cottage ay maganda naman ang pagkakadesinyo nito.
Pumunta muna si Yohan sa may gripo at naghugas ng kamay. Nagulat ako ng naghubad siya, marumi narin kasi ang damit niya. Pero imbes na umiwas ay napako ang tingin ko sa katawan niya na may Abs. Napakagat ako ng labi at nag-iwas ng tingin.
Lumapit siya sa akin kaya napatingin na ulit ako sa katawan niya. Mas lalong gumanda ang katawan niya.
"Kain ka na?" wika ko at tinulak ang tray sa kanya. Tumingin siya sa gawi ko at umangat ang gilid ng labi niya may kakaibang ngiti ang gumuhit.
"Pagkatapos nito, ikaw naman ang kakainin ko" pilyo niyang sabi. Namula ang pisnge ko at nag-iwas ng tingin.
"Yohan ano ka ba" suway ko sakanya napakagat ako ng labi ko at tinignan siya ng masama. Lumapit siya sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagulat ako ng tumingin siya sa labi ko.
"I can't resist your lips, i want to kiss you" malalim ang bosess na sabi niya. Mabilis na kumabog ang puso ko sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at napagtanto na wala na akong maatrasan. Dahil mesa na ang sa likod ko. Nagulat ako ng nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ko kaya wala na akong kawala. Kinulong niya na ako.
"Gusto kitang halikan, hmmm langga" malambing na sabi niya. Hindi ko napigilan ang sariling napatango.Yohan bakit mo ba to ginagawa?
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...