3

252 13 1
                                    

Wala sa sarili akong umupo sa may couch nang office at nakatulala.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon dito.

"Ma'am, are you okay?" Via asked kaya nabalik ako sa huwisyo.

"Yeah," tipid na sagot ko. Hindi naman na siya nagsalita pa at sinabing lalabas muna at kukuha lang siya ng tubig.

The hell! Bakit naman hindi sinabi ni Mama at ni Jon na dito sa agency namin nagtatrabaho si Justin at Carlene? Kailan pa?

Agad kong kinuha ang cellphone na nasa bag ko and I dialed Mama's number.

"Yes sweetie?" Sagot niya. Napairap ako dahil sa tinawag niya sakin.

"I saw Justin. You didn't told me na dito siya nagtatrabaho!" Bulyaw ko sa kanya.

"Relax okay? He know nothing about your daughter. He's that nice to accept our offer last last year na lumipat dito kaya part na siya ng ating kumpanya. Isn't that nice to see your future husband?" Sagot niya kaya napairap ako.

May gana pa siyang mang-inis ngayong kinakabahan na ako.

"Ma, this is not the right time para mag joke ka diyan. As if it's funny! Paano nalang pag nalaman niya ang tungkol kay Elli?" Nai-stress na sabi ko.

"E 'di malaman niya. He deserved naman na nalaman 'yun, Shaila. Hindi habang buhay maitatago mo o natin ang tungkol kay Elli. Knowing na Elli knows about him." She answered. Napabuntong hininga ako at napahawak sa noo.

Sumasakit ang ulo ko dahil sa nangyayari ngayon.

Hindi din ako nagtagal sa Office dahil next week pa ako magsisimula sa trabaho. Ipinakilala lang ako sa mga empleyado namin kabilang na yung ibang artista na under sa agency namin kasama na dun si Justin at Carlene.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang makita si Justin na nakatayo sa tapat ng kotse na katabi ng akin.

Napalunok ako nang tumingin siya sa gawi ko.

Agad akong umiwas nang tingin at binuksan ang pinto ng kotse at papasok na sana nang bigla siyang magsalita.

"Wala ka man lang sasabihin?" Nalamig na tanong niya. Napakurap ako ng dalawang beses. I didn't expect na kakausapin niya ako ng ganon kalamig.

"T-there's some urgent came. I- I need to go." Sagot ko lang at pumasok na sa loob ng kotse at agad na umalis doon.

Sa coffee shop ako napadpad at nadatnan ko doon si Star kasama si Kenzo at Jasrielle.

"Star! 'Bat mo naman dinala dito si Elli!?" Mariin na sabi ko sa kanya pagkaupo ko sa tapat niya.

"Tsk! Relax, gusto niyang lumabas kaya dinala ko siya dito. Hindi naman pwede na sa bahay niyo lang siya mamamalagi." Sagot niya.

"Uuwi na kami, hindi pwede na may makakita sa kanya dito na may koneksyon kay Justin." Bulong ko sa kanya saka tumayo. "Elli, let's go na. We're going to mall." Tawag ko kay Elli na kumakain ng ice cream sa tabi ni Kenzo.

Agad naman siyang tumingin sakin at tinulungan ko siyang bumaba sa upuan. "Ingat kayo" sabi ni Star nang naglakad na kami ni Elli palabas ng coffee shop.

Dumeretyo kami sa mall at dinala ko lang siya sa kids zone para maglaro. Matapos nun ay naglibot libot kami para bumili nang damit para sa kanya.

Nang makabili ay pumunta naman kami sa bilihan ng mga chocolates dahil nagpapabili siya nito.

Ibinaba ko muna siya saglit dahil nangangalay na ako. Wala namang masyadong tao ngayon dito.

"Mommy, lollipop!" Sabi niya at tumakbo na papunta sa kinalalagyan nung mga lollipop.

SB19 jdd | Because of You 2✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon