March 13, 2006
Lumipas ang maraming araw at hindi na talaga ako bumalik sa Pier. Ang totoo nyan, gusto ko ulit makita yung lalaking yun kaso natatakot ako. Natatakot na maramdaman ko ulit yung sayang naramdaman ko noong mga oras na kasama ko sya. Yung sayang iyon, kakaiba sa lahat. At natatakot ako sa lahat ng kakaiba. Kasi noong una, kakaiba rin ang naramdaman ko sa unang kaibigan ko. Ganun din sa pangalawa…hanggang sa ex-boyfriend ko. Lahat nagstart sa kakaiba. Spark nga daw yung tawag dun eh. Nakakalungkot lang dahil lahat ng kakaiba na iyon ay binigyan din ako ng kakaibang sakit. Sakit na nagmarka sa buo kong pagkatao. Isinantabi ko na lang yung kakaibang pakiramdam na iyon at nagpatuloy sa buhay na parang walang nangyari.
“Kath, samahan mo naman ako sa Pier oh? Si dad kasi may pinakakausap sa aking tao, eh doon yun naglalagi sa Pier.” Yamot na pakiusap ni Bea.
“Pier? Hmm…sure! Ngayon na ba?” Medyo maliwanag pa naman siguro hindi ko sya makikita doon. Pero nakakalungkot, kasi, I think I’m building some hope na makita ko sya. Ano kayang gagawin ko kung makita ko sya? O ano kayang gagawin nya. Papansinin nya kaya ako? Should I say Hi or Hello o hahayaan ko na lang? Naguguluhan ako. Hindi ko naman sya kilala eh.
“Uy, are you with me? Hindi mo yata narinig yung mga sinabi ko. Bigla ka na lang natulala jan ah. May problema ba?” She looked worried pero umiling lang ako at bahagyang ngumiti. Hinila ko na ang kamay nya papuntang sakayan para hindi na sya muling magtanong.
Narating namin ang Pier sa maiksing oras lamang. Napakasmooth ng flow ng mga sasakyan.
“Kath, jan ka muna ah. Puntahan ko lang si Mr. Lopez.” Tumango na lamang ako at pinagmasdan ang kapaligiran. Dito ko sya unang nakita. Dito ako muling tumawa ng walang halong pagpapanggap. Dito ko sya nakasama noon. Pero, mapait akong ngumiti, wala sya ngayon. Bakit ba naman kasi hindi ako nagpakilala eh? At bakit naman kasi hinahanap ko sya ngayon? Haaay. KATH! Wag kang aasa sa isang bagay na imposibleng mangyari. Patuloy na isinisigaw iyan ng isip ko. Hindi ko na napansin ang pagdating ni Bea sa tabi ko. Tapos na yata nyang kausapin yung kaibigan ng dad nya.
“Let’s go. Ganun lang pala kadali yun eh.” Ngingiti-ngiting sabi niya.
“Haha, bat ang saya mo? Haha, tara na nga.”
“Kuyang gwapo, bili na po kayo ng ice cream oh. Masarap po ito. Gawa po iyan ni mama."
Hindi na ako lumingon sa pinanggalingan ko ngunit naririnig ko pa ang panghihikayat nung bata sa isang lalaki.
“Wala lang. Ang bata pa pala ng client ni dad. Gwapo sya Kaaath. Hahaha. By the way, astig nung bata magbenta oh, binola pa si kuya. Sabagay gwapo naman talaga sya.” I saw Bea nodding while looking at someone. Hindi na ako nag-abalang lumingon dahil sa ngayon, isang tao lang ang gusto kong makita pero hindi naman matanaw ng mga mata ko.
“Haha, yaan mo na. Tara na. Kailangan kong umuwi ng maaga, hindi muna ako papasok sa boutique kasi birthday ni mama.”
“Ay oo nga pala, pakisabi kay Tita, happy birthday ha!”
“Opo, makakarating.” Sumakay na kami ng bus pero bago pa tuluyang makalayo ang sasakyan, narinig ko ang isang pamilyar na boses.
“Ah sige, magkano ba lahat iyan?”
Sya ba yun? Hindi. Imposible naman yata yun. Ano ba yan, pati ba naman boses nya, naiimagine ko na? Napangiti na lang ako sa aking iniisip.
“Huy, mahipan ka ng hangin jan, bigla-bigla ka na lang ngumingiti. Haha, para kang baliw Kath. Hahahah”
“Sira!”
Nakarating na ako sa bahay namin at binati ang mama ko ng ‘Happy Birthday’. Mukhang masaya naman sya ngayon kumpara noong nakaraang taon. Last year kasi hindi namin kasama si papa dahil nasa ibang bansa sya pero ngayon, umuwi talaga sya para isorpresa si mama.
“Mom, Dad.” I hugged them. “Kumusta po? Ma, happy birthday, pasensya na po ah, ito lang regalo ko eh.” Iniabot ko sa kanya ang isang maliit na box na naglalaman ng gold earing. Pinag-ipunan ko yan mula sa sahod ko kasi medyo may kamahalan sya.
“Wow. Ang sweet naman ng anak ko. Pakiss nga.”
“Ma, ang drama mo talaga haha, syempre ikaw kaya ang mom ko and I love you.”
“Naiinggit naman si Daddy sa mag-ina ko. Pa-hug nga. I miss you both.” makulit na sabi ni Dad. Nakakatuwa talaga sya.
Nagkwentuhan lang kami at sama-samang kumain ng dinner. Ang dami naming napag-usapan at sobrang saya talaga ng pamilya namin. Haaay. Ganito rin kaya ako kasaya kung sila ang kasama ko? Kung kasama ko ang tunay kong pamilya? Nakakalungkot pero yun yung totoo. Ampon lang ako ng mga kamangha-manghang tao na nasa harapan ko. They love me so much pero iba pa rin ang pakiramdam ng ganito…yung tipong alam mong hindi talaga ako galing sa kanila. But I am thankful kasi they treated me as their own child. Masaya na ako sa ganitong set up. Sana masaya talaga ako.
"Baby, go to bed na. Maaga ka pa bukas." Lumapit sa akin si Mama at hinalikan ako sa pisngi. "By the way, salamat." Ang ganda nya. Nginitian ko lang sya at umakyat na patungo sa aking silid. I took a bath then prepared my things for tomorrow class. Since swimming class lang kami bukas and discussion time, konti lang ang dinala kong gamit. Mabuti naman. Hindi ko na kailangang magdala ng mabigat.
BINABASA MO ANG
Timeless
Short StoryIt's been a while. A long while. I keep myself from falling but the only rule I have has been broken. There was this man who has always been a stranger to me. Kakaiba. Sobrang kakaiba. I was stucked in the feeling of hating something different. Si...