Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at unti unti kong nasilayan ang napaka among mukha ng aking minamahal na si Gino, tinitigan ko ang kanyang mukha habang hindi gumagalaw sa kanyang mga bisig at muli ay inalala ko ang nakalipas naming dalawa....
Nagkakilala kami sa isang hindi inaasahang pangyayari at hindi ko parin mapigilang mapatawa sa tuwing naaalala ko ung araw na muntik na nya akong mabangga ng pula nyang kotse.
.
.
.
"Miss pwede ba kung magpapakamatay ka wag mong idamay ang sasakyan ko!? Maghanap ka ng ibang maaabala pwede!?" masungit na bungad saakin ng kung sino mang lalaki ang nasa kotseng pula sa harap ko.
Hindi ko maaninag ang mukha ng taong nagmamaneho dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw. Tumayo ako at pinulot ang gamit ko sa lupa pagkatapos ay pagalit na naglakad patungo sa driver na mayabang na yun.
"Hoy FYI hindi ako nagpapakamatay! kasalanan ko bang napaka kaskasero mo! ikaw na nga itong muntik makapatay ng inosenteng tulad ko tapos ikaw pa ang galit! Nakita mo na akong patawid tapos bibilisan mo pa magpatakbo! Bulag ka ba o talagang sinaniban ka ng demonyo at trip mo kong banggain nyang bulok mong kotse ha!?" Inis na inis na sagot ko sa hambog na kausap ko! akala mo kung sino! Palibhasa gwapo kaya napaka feeling- teka bakit ba pinupuri ko sya galit dapat ako!
" Pwede ba lumayas ka nalang sa daan! ang istorbo mo hindi mo ba nakikita ung mga sasakyan sa likod!? kanina pa busina ng busina! Get lost!"
Abat! walangya yun ah!
"Argh! may oras ka din sakin!" bigla ba namang humarurot paalis! napaka walang manners paano kung naipit ung paa ko sa pag andar nya! Mabangga sana sya napakayabang nya!
Diba nakakainis? kahit ngayon naaasar parin ako dahil sa unang pagkikita namin na napaka pangit, psh! ang inaasahan kong first encounter ko with my true love ay yung katulad nung mga nasa movies na sinesave sila na parang mga prinsesa ng kanilang knight in shining armor, kaspo ang dumating sakin ay isang nightmare in shining red car! tsk!
Pero ngayon na nagbago na ang lahat ay narealize ko na thankful parin ako na ganon ang nangyari dahil yun ang naging simula ng lahat......nalaman ko rin kasi na sya pala ang kaisa isahang anak ng may ari ng pinagtatrabahuan kong opisina nung ipinakilala sya samin. O diba parang pelikula lang HAHA!
Tatlong taon, tatlong taon kong tiniis ang mga masasama nyang tingin sa tuwing nagtatagpo ang aming landas, kaya kung minsan naiisip ko nalang na baka naiingit sya sa ganda ko, pero malabo yun kasi sya na ata ang pinaka makisig na lalaking nakilala ko minus the fact na sobrang masungit at masama ang ugali nya.
Okay na sana e no? Pero katulad sa mga pelikula, syempre hindi mawawalan ng thrill ang story namin!
Dumating ang isang gabi, habang naghihintay ako ng taxi pauwi ay nakita ko sa kabilang kalsada si Gino.
Napansin ko rin na may tatlong lalaking nakapalibot sa kanya na sa tingin ko ay may masamang balak, ang nasa isip ko nun ay siguro karma nya yun sa mga panahon na binubwisit nya ko kaya tama lang yun sa kanya.....
Kaso hindi ko namalayan walang ano ano'y nakita ko nalang ang sarili kong tumatakbo papunta sa kanya at nang tangkang sasaksakin sya ng isa ay agad kong inihampas sa lalaki ung takong ng sapatos ko kaya naman nadako sakin ang tingin nilang lahat.

BINABASA MO ANG
10 Taong Ikaw
Short StoryThis is a story of two lovers who's bounded by their hearts in a not so usual and common situation. Rain Crystal Gallego and Sean Gino Cruz took a different type of love, and the question is.....will they be able to reach the end or will it be the...