Habang nasa himpapawid ay inabala ko ang sarili sa pagbabasa ng libro para madivert ang isip ko.. nasa may bintana ako at may katabi akong medyo katandaang babaealam niyo ba sobrang alalang alala ito sakin ng maabutan ako nitong umiiyak and I didn't expect na yayakapin ako kanina pagkatapos ay pinatahan ako nito. Napag alaman kong marunong itong mag tagalog at ngayon nga ay magbabakasyon ito sa pinas dahil may mga kakilala din daw siya doon at para makapag relax.
Nakasuot ako ngayon ng salamin dahil diko mabasa ang binabasa ko hanggang sa naging maingay ang paligid
"qué?! ella está aquí?"
(what?! she's here?)"sí, No entiendo pero ¿por qué ella va a Filipinas"
(yes, I don't understand why she's going to the philippines)ilan lang yan sa mga narinig ko mula sa ibang pasahero kaya para ng giraffe ang mga leeg nila na parang may gustong makita sa unahan
"sino po ang tinutukoy nila?" magalang kong tanong kay ate Teresita na ngayon din ay may sinisilip ito sa unahan
"I'm not sure phoebe pero sa tingin ko mahalagang tao ata" her accent is so cute pag nagtatagalog haha
"well hayaan nalang natin sila ate haha baka kung sino lang yan" natawa din ito kaya tinuloy namin ang pinagkakaabalahan kanina at hindi na inintindi ang mga naririnig sa paligid.
Naisipan kong matulog muna dahil mahaba pa ang biyahe 18 hours din my gosh.. Nagigising din ako pag naiihi, nagugutom o kaya gustong mag stretch ng katawan dahil sa pangangalay
Gusto ko ng bumaba😭
"Lo siento" hinging paumanhin ko pero tiningnan lang ako ng babae, hindi ko makita ng buo ang mukha niya dahil naka facemask ito at nakasumbrero
pinagmasdan ko ang magaganda nitong mga mata na kulay ginto at ang buhok niyang kulay pula biglang lumiit ang mata niya bago ito tumango sakin, I think nginitian niya ako
gumilid ako para makadaan siya pero hindi ito gumalaw sa pwesto kaya napakamot ako sa kilay
"señorita?" mahinang tawag ko sa binibining nasa harapan ko lumapit ito sakin hanggang sa magkaharap na kami kaya natulala ako ng mapagmasdan ko ito ng malapitan para akong nahihipnotismo
ANG GANDA niya
hindi ito nagsalita bagkos ay tinaas niya ang kamay at nabigla ako ng haplusin nito ang kabilang pisngi ko pagkatapos ay tinakpan niya ang mga mata ko pero bago niya pa tuluyang matakpan lahat ay nasulyapan kong binaba nito ang face mask niya hanggang sa naramdaman ko ang malambot niyang labi sa pisngi ko na nagpalambot sa tuhod ko
ilang segundo din kaming nanatili sa ganung posisyon hanggang sa kumalas ito tinanggal niya narin ang kamay sa mata ko pero hindi ko parin magawang idilat ang mga ito.
"ma'am? are you okay?" napadilat ako ng wala sa oras ng yugyogin ako ng mahina sa braso ng isang flight attendant kaya nahihiyang tumango ako sakanya
nakita ko pang pinipigilan niya at ang iba pang nakakita sakin na huwag matawa kaya nagmamadali akong umalis papunta sa upuan ko, sino ba naman ang hindi matatawa? nakapikit habang nakatayong mag isa, para akong tanga kanina shett nakakahiya😫
pero teka nasaan na yung babae kanina? tsaka sino yun, bakit parang pamilyar siya sakin. Iginala ko ang tingin sa loob ng eroplano pero hindi ko na ito makita, naisipan kong itulog nalang dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo.
"phobe wake up, were here" papikit pikit kong pinasalamatan si ate teresita bago ko inayos ang sarili
andito na kami at ilang minuto nalang mag lalanding na ang sinasakyan naming eroplano