Naglalakad ako sa isang lugar na puro ulap. Ang ulap na ito ay kumikinang at tila ba ay sumasayaw sa saliw ng papalit-palit nitong mga kulay. Tila ba ay wala nang hangganan ang paglalakad kong ito upang makabalik sa aking mundo. Alam ko namang nasa panaginip pa ako at kailangan ko lang magkaroon ng dahilan upang makabalik sa tunay na mundo.
May natanaw akong isang kulay asul na sofa na may poste ng ilaw sa kalagitnaan ng aking paglalakad.
"Sofa? sofa sa gitna ng mga ulap? at talagang may poste pa ng ilaw!"
Dumiretso ako roon at naupo.
"Sino ka?" tanong ng isang bata na akin namang kinagulat.
Sa tantiya ko ay magkasing edad lamang kami pero hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa sarili kong mundo.
"hindi ba dapat ako ang magtanong niyan saiyo? sino ka? at anong giangawa mo sa mundo ko?" pagbabaliktad ko ng tanong.
"Ako si Miguel! Nagsama tayo sa iisang panaginip kung saan tayo ang gumawa kung kaya hindi na rin nakakapagtaka na nagkasalubong tayo rito!" sabi nito sa akin na kinagulat ko.
Sa totoo lang ay nawindang ako sa mga sinabi nito. Kung totoo ang sinasabi niya, ibig sabihin ay totoong tao rin siya na bumubuo ng isang mundo sa kanyang panaginip.
Magtatanong pa sana ako ng bigla akong nagising dahil sa isang sigaw.
"CARLOOOOO" sigaw ng aking tiyahin matapos makita na umihi na naman ako sa higaan.
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at kaagad naman akong tumayo.
"Aray ko po Tita!" ang nasabi ko na lamang matapos ako nitong pingutin.
"Labing walong taong gulang ka na! umiihi ka pa rin sa higaan!" sabi nito matapos akong pingutin.
Hinubad ko na lamang ang sapin at nilatag sa aming bakuran ang sapin na aking ginamit sa pagtulog.
Ako pala si Carlo, isang senior high school student. Tahimik, walang kaibigan at madalas ay nasa gilid lamang upang gumawa ng mga kwentong binubuo at hinahabi ng aking imahinasyon. Tunghayan niyo kung paano magtatagpo ang aming landas ni Miguel sa totoong mundo.
BINABASA MO ANG
When I dream about you
FanfictionMula pagkabata ay lagi ko na siyang nakikita sa aking mga panaginip. Siya na rin ang bumuo sa mundo kong puno ng pag-iisa at lumbay. Siya si Miguel, ang kaibigan ko sa binuo kong mundo sa panaginip. Dito kami bumuo ng mga alaala na magagamit pala na...