Mabilis ang takbo ng jeep na sinasakyan ko. Maluwag ang kalsada, walang traffic dahil tanghaling tapat. Pero pakiramdam ko antagal-tagal pa rin. Gustong-gusto ko nang makauwi, atat na atat na ko dahil kanina ko pa nararamdam yung mga makukulit na espiritung gustong kumawala sa kailaliman ko, parang alter ego na gustong magsarili at magkaroon ng sariling buhay. Pinapawisan na 'ko nang malamig. Kumapit ako ng mahigpit sa safety handrails na para bang kung bibitaw ako'y lalabas sa bahay-bata ko ang masasamang elementong kanina ko pa pinipigil makaalpas. Pero hindi ko pala sila kayang pigilan, may konting pangahas na nakalabas sapat para mabulabog ang ilong ng lahat ng pasahero. Nakaramdam ako ng konting ginhawa. Maya-maya pa'y napatakip na ng ilong ang mga pasahero. "ambaho", sabi ng babaeng katapat ko. Sa isip-isip ko, ang arte naman niya parang ngayon lang naka-amoy ng tae. Nagtakip din ako ng ilong para hindi ako paghinalaan kahit mukang alam na ng dalawang katabi ko na sa akin galing ang mabantot na amoy na 'yun. Mother die. Nangako akong nunka akong aamin kahit magkatalunan na at magka-amuyan ng pwet, grabeng kahihiyan din yun kung saka-sakali. Habang buhay ko na lang itatago ang malagim kong lihim na yon.