Under Revision 'to so expected niyo na may scene akong idinagdag or binubura dito starting from now on. Depende lang sa mood ko ako mag update ha 😂
-LORRAINE
"Ate Raine!Ate!Ate!Gising na po at nagugutom na ako huhu.” Napadaing ako nang may maramdamang mabigat na tiyanak na nakadagan sa likod ko habang niyuyogyog ako.
"Argh Lennie umalis ka nga diyan sa ibabaw ko!" Reklamo ko sa kanya at tumihaya ng higa. Naaninag ko naman ang maliit na pigura nito sa harap ko habang may dala-dalang kutsara at nakanguso ngayon sa akin na parang anumang oras ay iiyak na.
Anyare dito sa batang 'to?
"Bakit may dala kang kutsara?" Kusot mata kong tanong sa kanya at napalingon sa gilid kung nasaan nakalagay ang maliit kong orasan.
Malapit na palang mag alas sais ng umaga.
"Nagugutom na ako ate huhu." Pinisil ko naman ang magkabilang pisngi niya pagkatapos niyang ngumuso na parang bibig ng isang takure.
De joke, ang cute na takure naman nitong kapatid ko.
"Araaay ate ang shakiitt." Itinigil ko naman ang ginagawa ko nang mapansin kong namumula na ang kanyang magkabilang pisngi. Mukhang napasobra yata ako hehe.
Sorry naman ang cute kasi nitong kapatid ko eh.
"Sorry, bunsoy. Ikaw kasi ang aga-aga nakabusangot na ‘yang mukha mo,” saad ko sa kanya at agad iniligpit ang higaan ko.
"Tara na at nang makakain na tayo." Kinarga ko naman siya sa likod ko habang papunta kaming kusina na ikinahiyaw niya sa tuwa. Napailing nalang ako sa kapatid kong 'to.
Siya nga pala, magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Lorraine Dela Cruz, 17 years old. At itong batang paslit naman ay ang nakababatang kapatid ko na si Lennie Dela Cruz, 3 years old. Kami na lamang dalawa ang magkasama sa buhay.
Kung itatanong niyo naman kung nasaan ang mga magulang namin? Wala na si mama; namatay siya noong ipanganak niya ang kapatid ko, si Lennie. Ang papa naman namin. Wala akong ideya. Hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo ngayon. Pero naikwento naman siya ni mama sa amin noon. Kahit papaano ay may alam naman kami patungkol sa kanya. Fil-Am si Papa o Filipino American kaya hindi rin nakapagtataka na iba ang kulay ng mata naming magkapatid, marahil ay nakuha namin sa kanya.
Oh well, salamat na lamang sa kanya dahil binigyan niya kami ng ganitong kulay ng mata, pero huwag muna natin pag-usapan ‘yong taong wala rito. At saka isa pa, ayaw ko na siyang isipin, lalo na't diko makalimutan iyong pag-iwan niya sa amin noong nabubuhay pa si mama. He abandoned us.
Do I hate him? Yes, I hate him. At hinding-hindi ko siya mapapatawad sa pang-iiwan niya sa amin.
"Ate, ‘yong niluluto mo amoy sunog na!”
Nagising naman ako sa malalim kong pag-iisip nang maamoy ko ang sunog na itlog kaya dali-dali ko naman itong tinignan. Nanlumo naman ako sa nakita kong itim na itlog na nakahain ngayon sa plato saka dahan-dahang naglakad papalapit sa kapatid kong nagtatakang nakatingin sa akin.
"Ate, asa'n na? Gutom na ako te, bilisan mo!" Kamot ulo ko namang ibinigay sa kapatid ko ang sunog na itlog. Napanguso siya nang makita ang itsura nito. Medyo napangiwi pa nga siya. Hays.
Ikaw kasi Raine eh, kung saan-saan napapadpad ang isip mo.
"Sorry, nasunog ni ate. Palitan ko nalang?" Umiling naman siya sa sinabi ko at ngumiti sa akin ng malawak. Kita tuloy iyong dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi na ikinaganda niya lalo. Medyo puti kasi ‘tong kapatid ko at may pagka chinita. Para nga siyang koreana kaso ang kaibahan lang ay mataas ang kanyang ilong kagaya ko.
YOU ARE READING
Astrid Monteverde (Bitch Series #1) UNDER REVISION
Teen FictionGirlxGirl - UNDER REVISION Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be able to study quietly and live my life at peace. But one day, my desire to be a low-key nerdy student abruptly changed when I met a girl...