HUWAG KANG SUSUKO
CHAPTER 3
"PAGPAPANGGAP"NARRATOR: MYLA
SO AYUN NA NGA, SOBRANG MEMORABLE NG FIRST DAY OF SCHOOL KO SA GABNER UNIVERSITY KASO SOBRANG NAKAKA PRESSURE LANG DIN!
GRABE GUYS, HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO NAGAWANG MAGPANGGAP NA MAYAMAN DIN AKO PERO KAILANGAN KO NANG PANGATAWANAN ITO DAHIL NAKAKAHIYA NANG BAWIIN EH!
HAY SANA NAMAN MAPANINDIGAN KO ITONG PAGPAPANGGAP NA ITO!
•••••••••••••••••••••••••
*EVANGELISTA'S HOUSE*PAALIS NA SI MYLA PAPASOK SA SCHOOL. NAGPAALAM NA SIYA SA KANYANG INA.
Myla: Nay, papasok na po ako ah?
Lilibeth: Oh mag iingat ka ha? Yung baon mong kanin at ulam inilagay ko na diyan sa bag mo.
Myla: Sige po Nay, salamat po! Ba-bye!
HUMALIK SIYA SA INA AT UMALIS NA.
•••••••••••••
NAG AABANG NG JEEP SI MYLA.Myla: Hay ang tagal naman ng jeep, baka ma-late na ako.
MAYA MAYA AY MAY DUMAAN NG JEEP AT AGAD NIYA ITONG PINARA TSAKA SUMAKAY.
ISANG KOTSE NAMAN ANG NAKASABAY NG JEEP NA SINASAKYAN NIYA.
NAPALINGON SIYA DITO AT NAKITA NIYA KUNG SINO ANG MGA SAKAY NITO.
NANLAKI ANG MGA MATA NIYA NANG MAKITA SINA BRITANNY AT ELLE SA LOOB NG KOTSENG IYON SABAY TAKIP NG MUKHA.Myla: Hala, sana naman hindi ako makita ng mga ito. Lord, please!
NAPALINGON SI BRITANNY SA JEEP PERO AGAD NAKAPAGTAGO SI MYLA.
Myla: Muntik na!
MAYA MAYA AY UMANDAR NA ANG JEEP AT NAUNAHAN NA ANG KOTSENG SINASAKYAN NINA BRITANNY AT ELLE, NAKAHINGA NG MALUWAG SI MYLA.
••••••••••••••••••••
WALA PA SIYA SA TAPAT NG GABNER AY PUMARA NA AGAD SI MYLA AT NAG SPRAY NG PABANGO TSAKA LUMAKAD NA LANG PATUNGO SA GABNER.
NAKASALUBONG NIYA SI JEWEL.Jewel: Myla!
Myla: (Nagulat) Jewel?
Jewel: Bakit naglalakad ka?
Myla: Ha? H-Hindi ah! Actually kakababa ko lang ng kotse namin.
Jewel: Talaga? Nasaan yung kotse niyo?
Myla: Ah eh wala na eh, umalis na yung daddy ko. Bale nagpababa lang ako sa convenience store diyan sa tapat tapos naglakad na ako papunta dito para hindi na mag park si Daddy. Nagmamadali din kasi siya eh dahil may ka business meeting pa siya.
Jewel: Ah okay. Tara na?
Myla: Sige.
PUMASOK NA SILA SA GATE NG GABNER.
•••••••••••••••••••
SA GYM NG GABNER UNIVERSITY.NANDOON NAMAN SINA BRITANNY AT ELLE.
Elle: Cous, baka ma-late tayo. Ano ba kasing ginagawa natin dito sa gym?
Britanny: Hinahanap ko si Syd!
Elle: Si Syd? Yung ex mo sa Northwest High?
Britanny: Yeah! Ang sabi kasi sa akin ni Courtney, dito din nag enroll si Syd sa Gabner so hinahanap ko siya.
Elle: Eh bakit dito sa Gym?
Britanny: You know what, ang stupid mo talaga! Pinsan ba talaga kita?
Elle: (Napakamot sa ulo) Nagtatanong lang naman eh. Ang sungit mo talaga.
Britanny: Hay naku! Varsity player si Syd and saan ba tumatambay madalas ang mga varsity players?
Elle: Sa Library? Joke!
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATE
Teen FictionSi Myla, Maganda, mabait, masayahin, sikat, kinaiinggitan, mayaman at halos nasa kanya na ang lahat! Ngunit mayroon siyang isang lihim na hindi alam ng lahat... Hindi siya isang Prinsesa gaya ng inaakala ng iba. Anak mahirap lang siya na mataas ang...