Prologue

4 0 0
                                    

"May ipapakilala raw na bagong kaklase natin, Bakugou?"

"Ano bang pake ko?" sagot ni Bakugou kay Kirishima.

Tumawa si Kirishima. "Wag ka namang ganyan sakin.  Hindi mo na ba ko mahal?"

"Kirishima! Sasaksakin kita sa leeg pag di ka lumayo sakin!"

Gusto ko nalang magtakip ng tenga. May iba iba silang pinagkakaabalahan. Si Uraraka lang ang nasa harapan ko at dumadaldal rin kasama ni Deku. Hindi ba pwedeng bigyan nila ako ng katahimikan sa buhay?

"Oy Kyoka!" narinig ko ang boses ni Denki.

Ito pa isang bangungot.

"Magpatahimik ka, Denki."

"Anong Denki? Bakit samin ayaw magpatawag ng Denki 'yang hayop na 'yan?" sigaw ni Kirishima.

"Girlfriend ka ba?" biglaang tanong ni Bakugou kay Kirishima.

Lahat ng kaklase ko ay napatahimik dahil sa tanong ni Bakugou. Lahat sila ay napatingin dito bago onti onting tumingin saming dalawa ni Denki. Parang nag iinit ang magkabilang pisngi ko sa hindi malamang kadahilanan.

"B-bakit kayo nakatingin?!" sigaw ko sakanila.

"Anong girlfriend?" tanong ni Uraraka.

"Ha? Hindi niyo ba alam?" tanong ni Bakugou. "Nakita ko sila kahapon. Hawak ni Kaminari si Jirou sa bewang. Naglalambingan ata." inosenteng sagot ni Bakugou.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

"BAKUGOU HAYOP KA BAKIT MO SINABI PINAKIUSAPAN NA KITA KAHAPON!"

Kasabay ng pagsigaw ni Denki ay ang pagsugod niya kay Bakugou. Sabay silang nagsigawan dahil parang nakumpirma na nila ang sagot ni Bakugou sa pamamagitan ng sinabi ni Denki.

Kupal ka, Denki! Napakatanga mo.

"Anong girlfriend, Jirou?! Bakit wala kang sinasabi sakin?!" maktol ni Uraraka.

"Akala ko may gusto lang sayo si Kaminari. Hindi ko alam na kayo pala." sagot ni Ashido.

"Nakabingwit ka ng gwapo, Jirou." sabi naman ni Momo at kinindatan ako.

Para akong sasabog sa sunod sunod nilang tanong at sinasabi sakin habang si Denki ay nakikipagkulitan kila Bakugou. Bakit ba umabot sa ganito?! Hindi pa ko handang magsabi ng totoo sakanilang lahat.

Bakit ba parang bata si Bakugou at hindi alam ang mga bagay na isinesikreto lang muna.

"Anong kaguluhan na naman ito?"

Sabay sabay silang napatigil sa pag iingay nung marinig ang boses ni Senseir. Bumalik na rin sila sa kaniya kaniya nilang upuan.

Para akong nakahinga ng maluwag dahil sa pagdating ni Sensei. Para akong nakatakas sa mga demonyo.

Agad kong napansin ang isang babae sa gilid niya. Hindi ko alam pero agad kong tinignan ang kabuuan niya. Siya ba 'yong sinasabing bago naming kaklase? Siya na ata yung sinabi ni Kirishima kanina.

"Ipakilala mo ang sarili mo." walang ganang sabi ni Sensei sa babae.

Agad itong ngumiti. "Hi! Ako nga pala si Mika. Iginagagalak kong makita kayong lahat. Maging magkaibigan sana tayo." sabi niya at yumuko.

"Mika." rinig kong bulong ng katabi ko.

"Kilala mo, Denki?" tanong ko sakaniya.

"Oo. Childhood friend ko 'yan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Are My Music Where stories live. Discover now