5

23K 770 27
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pag capture ng mga models ng biglang may nahagip ang camera ko sa may dulo.. teka kamukha niya yung babae sa mexico, yung nabigyan ko ng first kiss

bigla akong namula ng maisip ko ang nangyari noon kaya mabilis kong pinilig ang ulo ko pero nacurious ako kaya lalapitan ko sana kaso tumayo ito paalis kasama ng mga alalay nito.

"miss Sacramento?" natigil ako sa ginagawa ko at nilingon ang isang staff

"dito po tayo miss" iginiya ako palabas at kinawayan pa ako ni nicole habang hawak ang phone niya kaya nginitian ko ito bago ako pinaupo pero natigilan ako ng makita ko kung sino ang makakatabi ko.

"we meet again señorita" masayang sabi nito bago ito tumayo sa upuan niya

"hindi mo na ba ako nakikilala?" medyo may pagka slang niyang sabi kaya ang cute ng pagkakabigkas nito

"Catalina" mahinang bigkas ko na ikinalaki ng ngiti nito at tumango sakin

(Good evening ..The show is about to start in 5 mins so please be seated, thank you) naunang naupo si catalina at hindi ko maiwasang hindi siya sulyapan dahil ang ganda nito.. gusto ko siyang kunan ng litrato, tumaas ang sulok ng labi niya bago ako tiningnan kaya mabilis akong napaiwas ng tingin at narinig ko ang mabini nitong tawa na ikinainit ng buong mukha ko dahil sa hiya

shettt nahuli niya ako

"linda" (cute)

sambit niya habang nakatingin parin sa side ko kaya lalo pa akong nahiya nang biglang namatay ang ilaw na ikinahinga ko ng maluwag.

Nagsimula na ang Fashion show at sobrang ganda ng opening masasabi mo talagang pinaghandaan nila ito. Isa isang nagsilabasan ang mga modelo suot ang mga mamahaling damit.. Inayos ko ang Camera ko at nagsimulang kumuha ng litrato

"I never thought you're a photographer" natigil ako saglit at binigyan ito ng ngiti saka tinanguhan ang magandang babae sa tabi ko... napapansin ko yung iba imbes na dapat sa modelong rumarampa ang atensyon ay sa pwesto namin nakatingin.

~~~~~~~

Mahigit bente minutos na ang nakakalipas but usually 10 to 15 mins lang talaga ang pero dahil kada brand ay pinapakilala ang mga designers ng damit kaya humigit pa doon, walang problema saakin dahil nag eenjoy ako

akala ko tapos na pero may isa pang modelo ang lumabas kaya hinanda ko ang camera at laking gulat ko ng makilala ko ito

"fuck siya yun! hindi ako pwedeng magkamali" nagugulantang kong sabi sa sarili, mula sa paglalakad hanggang sa napakaganda nitong suot ay halos mapanganga ako sa nakikita

kahit hindi ito nakangiti ay alam kong maganda parin siya, nakita ko pa mula dito sa kinauupuan ko ang pagpipigil ng tili ni nicole habang nakatutok ang mga mata sa babae

"ella realmente es el dueño te" napalingon ako sa tabi ko na ngayon ay bakas ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa babaeng papalapit samin, hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sa togtog pero nakasisiguro akong nagsalita ito sa kanyang lenggwahe

binaling ko ulit ang atensyon sa estrangherang babae na ngayon ay sakin nakatuon ang mga mata nito bakas rin sa mukha nito ang kaunting gulat na hindi niya pinahalata

nakarating ito sa harapan namin at tumigil pagkatapos ay tiningnan ang katabi ko habang ako ay nanigas sa upuan... pinilit ko ang sariling kunan siya ng litrato pero diko magawa dahil pasimple ako nitong binigyan ng nakamamatay na tingin hanggang sa umalis rin ito

~~~~~

Pagkatapos ng fashion show ay bumalik ako sa backstage para sa photoshoot at sinama ko rin ang madaldal na si nicole na walang tigil sa kakabunganga

"beeesttt ang ganda ni idol myghad, sana makapag papicture manlang ako bago matapos ang gabing to" kinikilig nitong sabi kaya binatokan ko

tinawag ako kaya sinabihan ko ang kaibigan kong hintayin ako, and there she is with all her glory napakagat labi ako ng mapagmasdan ko ito..

"miss sacramento we need you here"  nawala ako sa wisyo ng hilahin ako ni miss cruz papunta sa pwesto ng estranghera

"h-hi" nahihiyang bati ko pero tinarayan ako nito kaya napalunok ako

"miss Kristine meet Phoebe Sacramento" pakilala niya samin ni miss cruz, inilahad ko ang kamay ko kaya kabang kaba ako baka hindi niya tanggapin at nakahinga ako ng maluwag ng abutin niya ito pero naramdaman ko ang munting boltahe dito at ang pagdiin ng pagkakahawak niya sa kamay ko

naramdaman niya rin kaya?

inayos siya ng ilang designer at make-up artist bago pumuwesto para kunan ko ng litrato..

pinilit kong maging professional sa harap niya pero para talaga niya akong tinutunaw sa mga titig nito, tagos sa camera eh. Pinagpapawisan ako ng hinubad niya ang suot niyang top at tanging black lingerie nalang ang natira

fuck she's so hot.. paulit ulit kong pinaalala sa sarili kong maging professional kundi masisira ang imaheng iniingatan ko.

"WOW ..that's amazing! buti nalang talaga nirekomenda ka saakin ni nicole" kasalukuyan kong pinapakita sakanila ang kuha ko

"she's not great" nabura ang ngiti ko ng sinabi yun nung kristine, bored lang ako nitong tiningnan bago kinalikot ang phone niya

"don't mind her, ganyan talaga ang ugali niyan" bulong sakin ni cruz kaya tumango ako sakanya.. suplada pala to eh o baka gumaganti sa ginawa ko?

Nagpaalam ako na aalis na dahil ayoko ng makita itong kristine nakaka turn off ang ugali...

"tara na" aya ko sa kaibigan ko

"teka hindi pa ako nakapapicture kay kristine tsaka kay catalina" natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga pangalan na binanggit nito

"ano ulit sinabi mo?" naguguluhan ako nitong pinagmasdan

"na hindi pa ako nakapapicture?" umiling ako sakanya at tinanong yung mga pangalan na sinabi niya

"ah si kristine at catalina? don't tell me hindi mo sila kilala lev!" malakas nitong sabi kaya tinakpan ko ang bunganga nito ang ingay eh at hinila patungo sa kotse

"hindi ko sila kilala pero pareho ko na silang nameet sa mexico.. ngayon alam ko ng kilalang modelo yung kristine pero yung isa hindi ko alam"
nalaglag ang panga nito na hindi makapaniwala sa sinabi ko, nang makabawi ay malakas ako nitong pinagpapalo sa braso

"hayop ang swerte mo! para sa kaalaman mo si Catalina Fernandéz ay isang tanyag na aktres sa mexico.. myghad lev ang tanga mo" may panghihinayang na sabi nito kaya natawa ako dito

"tsk! tara na nga inaantok na rin ako" pumasok na ako sa driver seat ganun din siya sa kabila bago pinaandar ang sasakyan pauwi sa bahay...

ang liit ata ng mundo?

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon