6

234 11 0
                                    

[JUSTIN'S P.O.V.]


Nagising ako dahil naramdaman ko
na wala si Shaila sa tabi.

Agad akong bumangon at titignan na sana kung saan siya nagpunta nang mahagip ng paningin ko ang singsing na bigay ko sa kanya noong nag proposed ako sa kanya.

Nakapatong ito sa side table at meron pang papel sa tabi niya.

Agad kong kinuha ang singsing saka binuklat ang papel.

Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko nang mabasa ang nakasulat doon.

Hindi pa maprocess ng utak ko ang laman ng sulat na iyon ni Shaila.

Nang mahimasmasan ay agad akong lumabas at sinubukang tawagan siya pero hindi sumasagot.

Nang walang Sagot akong natanggap sa kanya ay si Star naman ang tinawagan ko. Nakailang ring pa iyon bago niya sagutin.

"S—si Shaila," agad na bungad ko pagkasagot niya. "Where is Shaila?!" Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil nararamdaman ko ngayon.

She just left.

"J–justin, calm down okay?" Kalmadong sabi niya.

"Hindi! Star paano ako kakalma? Si Shaila! Umalis si Shaila." Sigaw ko ulit. "Just tell me where did she go, please Star. Nasaan siya?" Hindi na maawat ang luha ko sa pagtulo.

"I– I don't know." Sagot niya. Nahampas ko ang manibela ng kotse.

"Star! Alam kong alam mo, sabihin mo nalang, please nagmamakaawa ako sayo." My voice cracked.

Hindi ko kakayanin kapag mawala si Shaila sakin.

"Justin kahit anong gawin mo, kahit sabihin ko sayo, hindi mo na mababago ang desisyon niya. Please Jah, gawin mo nalang ang gusto niya. Tanggapin mo yung offer nila sayo na project. Huwag mong sayangin yung pagsasakripisyo ni Shaila." Sagot niya.

Itinigil ko ang kotse sa tabi dahil sa hindi pagtigil na pagbuhos ng luha sa mga mata ko.

No.

Kung ang kapalit ng lahat ng success na matatamasa ko ay ang pag-iwan sakin ni Shaila ay hinding-hindi ko yun matatawag na success.

Gusto kong matupad ang lahat ng pangarap ko sa buhay ng kasama siya.

Pero hindi na yun mangyayari pa. Dahil iniwan na niya ako.

---

"Totoo ba na hiwalay na kayo ng iyong non showbiz girlfriend?" Tanong nung reporter. Isang buwan na ang lumipas simula noong umalis si Shaila.

"No." Sagot ko. Kailanman, hindi ko masasabing hiwalay na kami. Hindi ko iyon kailanman tatanggapin. Yung salitang hiwalay na kami.

"Tuloy parin ba ang inyong kasal kahit na magiging busy ka sa bago mong project?" Tanong pa niya.

"Yes." Tipid na sagot ko. Gusto ko na umalis para hindi na ako matanong pa tungkol sa amin ni Shai pero ayaw ko naman magmukhang bastos sa harap nila.

---

"Congrats dahil naging successful ang inyong series ni Carlene. Masusundan pa ba iyon ng mas marami pang projects na kayo ang magkasama?" Bungad sa amin ni Carlene pagkalabas namin ng building ng Entertainment kung saan kami nagtatrabaho.

"Yes, actually pinag-iisipan na namin ni Justin yung offer ng SB-EA(Salamero-Bergonia)" sagot ni Carlene.

"Siguro ay nababasa niyo narin ito sa social media, may pag-asa ba daw na maging kayo?" Tanong pa nung reporter. Tumingin sakin si Carlene.

SB19 jdd | Because of You 2✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon