Nahihirapan akong bumuo ng salita
Paano nga ba 'to maibibigkas nang tama
Sa paanong paraan ito ilalathala
Itong pag-ibig na nagmahal nang sobra-sobra?Puso ko'y mahina at walang ibang ginawa
Daang dapat tahakin sa mata'y nawala na
Sa tawag ng kasalanan ito ay sumama
Nagbibingi-bingihan sa tawag ng LumikhaAng ako ay pagbayarin ang siyang nararapat
Ngunit pagdating ko sa krus ako'y natulala
Nakapako roon ang aking binalewala
"Naganap na," buong pagmamahal na wika Niya.
Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
Juan 19:30 MBB05