Chapter 3

292 17 0
                                    

"Congrats! Sa wakas graduate na tayo!" masayang sigaw ni Lila, best friend niya at niyakap siya nito ng mahigpit. I smiled as I looked at the surroundings. Halos lahat ng dito ay nayroong nakapaskil na ngiti sa mga labi.

Sabi nila highshool life is the happiest and most memorable part of anyone's life and I couldn't agree more. Those silent cries, laughters and people who's been part of this life will never be forgotten. Those lesson that thought us and the unexpected friendship that suddenly bloom, nakakatatak iyon sa ating puso. May malaking parte na iyon sa ating pagkatao.

"Saan ka pala magcocollege, beshy?" napaisip ako sa tanong niya. Well, napag-usapan na namin ito ni mama at napagdesisyunan naming dito na lang din ako magkokolehiyo para may kasama si mama na magmanage ng flower plantation namin dahil lumalaki na iyon.

"Dito lang din, besh. Ikaw ba?"

Pinalo ako nito sa braso. "Gaga ka! syempre dito din. Kung nasaan ka dapat doon din ako. What are friends for, right?" natawa naman ako sa sinabi niya.

Lila became my best friend when I am on my grade seven. Naglalakad ako mag-isa noon ng may bigla na lang may mga babaeng pumatid sa akin sa hallway at pinagtawanan ako. Tapos dumating siya at pinagtanggol ako sa mga babaeng yun. From then, we became best of friends. Partners in crime or whatever you call it. May pagkabitchy attitude siya pero deep inside ay sobrang buti niya. That's why I'm so thankful for having her as my friend. I had an instant sister in her persona.

Pagkarating namin sa may gate ay nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil may kanya kanya kaming celebration sa bahay. Pagdating sa bahay ay may nakahanda ng pagkain na si mama mismo ang naghanda at nagluto.

"Happy graduation sa pinakamaganda kong apo." nakangiting bati ni lolo sabay yakap sa akin. Nakasimangot naman ako.

"Dalawa lang kaya kami lolo at ako lang kaya ang babaeng apo mo." he laughed at me at medyo ginulo pa ang nakaayos kong buhok. Wala si kuya ngayon dahil nasa ibang bansa na ito at siya na ang namamahala ng company ni lolo doon two years ago pa after he graduated in college. Sobrang hectic ng schedule nito kaya hindi nakauwi. Though naiintindihan ko naman pero hindi ko lang maiwasang magtampo minsan.

"Tama na yang kulitan niyong maglolo. Maupo na kayo at kakain na bago pa lumamig itong mga niluto ko."

Sa sobrang dami ng hinanda ni mama ay pinamigay na namin ang iba sa mga kapit-bahay para hindi masayang. Inutusan niya rin ako na dalhan sina tita Melanie ng niluto niya. Hindi daw kasi ito nagluto at sa labas sila nagcelebrate.

"Tita?" ani ko at kumatok sa may pinto nila. Ilang minuto lang ay bumungad na si tita sa harap ko na nakangiti.

"Ren?"

"Pinapabigay po ni mama." kinuha naman niya ito at iginiya ako pasunod sa kanya sa kusina.

"Naku si kumare talaga, nag-abala pa." nilipat ni tita ang pagkain sa tupperware bago humarap sa akin. "Happy Graduation sayo, Renren. Saan ka pala mag-aaral?"

Ngumiti ako. "Dito pa din, tita."

Sabay kaming naglakad ni tita. Pinaupo pa niya ako sa may sala dahil kukunin niya daw ang regalo niya sa akin. Habang hinihintay siya ay napadako ang paningin ko sa maleta na nasa gilid. May bisita ba sila tita?

"Oh, ito na Ren. Pagpasensyahan mo na itong munting regalo ko ah? Sana magustuhan mo." nakangiti ko iyong tinanggap.

"Thank you po dito, tita." bumaling ang tingin ko ulit doon sa kinaroroonan ng maleta. "Siya nga po pala tita, may bisita po ba kayo?"

Napasunod ang tingin nito sa tinitignan ko at malungkot na ngumiti. "Wala, Ren. Gamit yan ni Matyas ko. Aalis na kasi siya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "H-ho? s-saan po siya pupunta...?"

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon