"Sino 'yong kasama mo kanina?"
Kanina pa'ko naiirita sa boses ng lalaking to! Like.. Watdapak?! Hindi ko naman 'to jowa ih!
"Hoy Vienn, sumagot ka! Para akong tanga dito! Kanina ka pa!" Agad ako napalingon sa kanya dahil sa lakas ng boses nya.
"Ano nanaman ba?!" Inis kong tanong at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Nakita kita kaninaaaa!! Sino yon, hah?!" Napa-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Bangis ng hininga eh.
"Wala yon." Maikling sagot ko.
Hindi naman ako papayag na magpaligaw dito kung hindi to mayaman eh! Pero potspa ni aleng beka! Apaka baho pala ng bunganga ng hinayupak na to!
"Anong wala?! Hah?! Bakit ako ba? Lumalandi ba ako sa ibang babae? Hah!!?"
Isa pang 'hah' neto sa muka ko babastedin ko na tong pakshet na to!
"Edi lumandi ka! Hawak ko ba titi--- kalandian mo?!"
"Ayoko kase mahal kita!" Ako ba, mahal kita?
"Alam mo? Wag mo na ituloy to. Nakakasawa amoy ng bunganga mo!" Realtalk ko sa kanya.
"A-ano?"
"Sabi ko, bumalik ka pag nakapag-toothbrush ka na! Iba yang baho mo eh, tumatambay sa ilong!"
Napatingin sya sa paligid tapos sakin. Bigla syang tumalikod at pasimpleng inamoy yung hininga nya.
"Oh ano? Amoy Fiona ba? O baka Victoria's secret? Pakshet ka!"
"S-sandali!"
Hindi nako lumingon sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa trabaho ko.
Isang akong saleslady sa isang sikat na mall dito sa Nueva Ecija. Malaki-laki ang sweldo kaya nag-i-stay ako.
Agad Akong dumiretso sa locker ko at nagpalit ng uniform namin. Kulay red ito at yellow. Alam kong naiimagine mo yung uniform sa jollibee pero mali imagination mo.
"Oh, aga mo ata ngayon?" Tanong ni Hera, isa sa mga matalik kong kaibigan.
"Hmm. Naiinis ako sa manliligaw ko. Ambaho ng hininga. Kasing baho mo char HAHAHHAHAHA"
"Gaga ka!! Aga-aga hina-high blood mo 'ko!"
Nagtatawanan kami hanggang makarating sa designated area namin. Agad kong inasikaso ang mga customers na mayroong ngiti sa aming pisngi char HAHAHHAHA"
"Good morning, ma'am! How can I help you?"
"Um. I just want to ask kung may size 39 nito?" Tanong nya at ipinakita ang sapatos na mamahalin.
"Just a minute, ma'am." Nakangiti ko pading tugon.
Dumiretso ako sa stock room at itinanong sa nagbabantay kung may size 39 ng sapatos na hinahanap ng babae.
Nang makabalik ako sa babae ay hawak ko na ang hinahanap nya.
"Um. Ma'am, ito na po." Smiley face as always!
"Thank you."
"Always welcome ma'am! Balik po kayo, ah?"
"Yeah." Sabi nya habang natatawa at kumaway.
Si ate piling close!! Tse!!
Patuloy lang ako sa pag-a-assist ng mga tao hanggang sa mag-break time na namin. 9 hours ang trabaho ko kasama na ang break time.
Agad kong hinanap si Hera dahil lilibre nya ako ngayon.
"Uyy!"
"Ay mani mo!" Agad akong napatalon sa gulat nang biglang may nang-gulat sakin!