Ryla
Hi! Ako nga pala si Ryla Sebastiano, 4th year sa St. Theres High. Kabilang ako sa star section ng batch namin Ako yung tipong palaging nagjojoke at tahimik sa klase. Hindi ako popular dito sa school. Pero sabi ng iba, trying-hard-to-be-popular ako. Totoo naman. It's an every girls' dream to be popular right? Boyish akong manamit. Hindi ako mahilig sa mga skirt, dresses, shorts pwede pa. Hindi rin ako mahilig sa sandals at heels. Hindi rin ako kagandahan. Dito sa school, I'm one of the guys. Oo, halos ka-close ko lahat ng classmate kong lalaki. Para nga akong aso eh. Diba yung aso, a man's bestfriend? Ako rin, bestfriend rin ako ng mga boys. Saklap no? Well, pakilala ko yung iba kong classmate.
Hindi siya masyadong kilala pero kasama siya sa dance club ng school. Magaling sumayaw tapos may itsura pa siya. Saan ka pa? Haha, siya si Princess Escobar o ang Prinsesa ng Dance Floor sa galing humataw. NAGING kaibigan ko siya. At first, mabait. Pero 'pag nakilala mo nang husto, may kalandiang taglay tapos may attitude siya. Pakitang-tao right?
Yung susunod naman, si Lawrence Dorolbe or Rence, isa siya sa top 10 na pinakagwapo sa batch namin. Classmate, seatmate, schoolmate since grade 6 at bestfriend ko siya. Mabait, matangkad, varsity ng basketball, gentleman, gwapo at matalino. Siya yung gusto ng karamihan ng babae dito sa school.
Lastly, si Krystal Madaro, kaisa-isang babaeng bestfriend ko since grade 5. Sa kanya ko palagi kinukwento mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay ko. Mapagkakatiwalaan, hindi plastic at parang kapatid ko na siya. Sa kanya rin ako humihingi ng advice.
Balik na tayo sa akin. Haha. Malapit na kami maggraduate. Ilang months nalang, bye high school. Huhuhu. Magkakahiwa-hiwalay na rin kaming magca-classmates.
~•~•~
A/N
Hi guys! So, ito muna iuupdate ko. Kapag natapos ko na Chapter 10, iuupdate ko na lahat. Pero 10 chapter ko iuupdate. Marami tong chapters pero maiikli lang. Sorry, medyo busy talaga eh. Sana magustuhan niyo :)
-Ms.A