Ryla
Nandito kami sa grad ball. Katatapos lang ng high school graduation namin kahapon. Mag-isa ako sa table. Lahat sila nagsasayawan at nag-eenjoy sa dance floor. May mga party goers, couples at iba pa. Babaeng-babae ako ngayon, nakadress, heels, make-up, at nakaayos ang buhok. Malaki raw binago ko. Well, itong nakaraang taon nagtry akog magbago. Sinubukan kong magpakababae. Alam niyo na, dress, heels, make-up, etc. Ganito talaga pag may gusto kang patunayan. Nagbago ako dahil sa kanya. Sino? Haha, malalaman niyo rin.
Bago magsimula ang event...
Nakarating na ako sa venue, wala akong kasama. Hinatid lang ako ni papa, agad naman siyang umalis. Alam naming hindi prom ito, pero may mga kadate yung ibang nagdadatingan dito. Wala eh, ginusto nila. Pumasok ako sa loob at agad kong nakita mga classmate ko.
"Oh, si Rye oh!" Sumigaw si Kyle nang nakita niya ako. Tila nagulat siya nang nakita niya ako.
"Gandaaa." Lumapit si Michelle sa akin at iniinspeksyon ako.
"Iba ka na dude." Sige, asar pa Sam.
"Nakanaks naman. Dalaga na siya, hindi na binata." Talaga lang Francis ah.
"HAHAHAH" Ayan tuloy, tumawa silang lahat. Salamat Francis ah.
Yan yung mga sinabi nila. Sarap sapakin ni Francis. Napangiti nalang ako sa mga comment nila. Ngayong gabi, naka- blue gown ako. Silver na heels. Tapos nakakulot buhok ko.
Hinintay namin iba naming classmates na dumating. Karamihan sa amin may kadate. Pati nga si Krystal may kadate eh
Marami na ring dumating kaya kwentuhan to the max kami. Nang...
"Rence pare!" Tinawag pa talaga ni Brandon si Rence ah.
Napatingin ako sa kanya. Naka-white siyang coat tapos blue na polo at black na tie. Ang gwapo niya tonight. Sumama sa kanya lahat ng lalaking classmate namin.
"Rye. Tama na titig, baka matunaw." Krystal kailangan mo bang sabihin yun? Siniko ko si Krystal.
"Ayiee. Nagbublush si Rye!"Pwede bang patigilin niyo yung bunganga ni Trysha?
"Tigilan niyo ako."Nakakahiya na.
Bitter ba ako masyado? Haha.
"Good evening ladies and gentlemen. Welcome to the Grad Ball 2014" Pormal nang sinimulan ang Grad Ball.
Parang kanina lang ang saya ko. Pero nun dumating siya, parang nasa ibang lugar isip ko. Nalulunod na ako sa dami kong naiisip. Actually, gusto ko na ngang umuwi eh. Masakit na paa ko sa heels na to. Kanina pa kasi kami sumasayaw. Nakasayaw ko na lahat ng lalaking classmates ko except siya.
