CHAPTER 34

236 8 4
                                    


;) Do you miss Six?







SIX's POV

Dalawang malalaking lalaki ang humarang sa akin nang makarating ako sa harap ng isang mamahalin at sikat na bar. Palakaibigan akong ngumiti sa kanilang dalawa kahit na ang tingin nila sa akin ay parang papatayin na ako.

"Magandang gabi," Sabi ko.

They were both crossing their arms, looking at me like I did something horrible. Tinaasan ko sila ng kilay habang nakikipag laban din sa tingin nila.

Akala naman nila natatakot ako. I don't mind receiving such stares, I really don't mind.

"Magandang gabi," ulit ko.

Hindi ulit sila sumagot. Nanatili silang parang mga estatwa na nakatitig sa kagwapuhan ko.

"I said, Magandang gabi-"

Muntik na akong mapaatras nang biglaan nag lahad ng malaking palad ang isa sa kanila. Para akong natauhan dahil sa gulat.

"ID," Aniya.

Ngumisi ako, "Kayo, ah. Gusto niyo lang pala makita ID ko. Pwede niyo naman itanong sa akin agad, hindi 'yung para kayong mga tuod diyan."

Hindi na naman sila sumagot. Biro iyon, mga pare. Biro.

Kinuha ko ang aking wallet sa bulsa at inilabas ang kulay gintong card. Naroon ang code name at litrato ko, at kung ano ang badge ko. "Ito, oh."

Kinuha niya agad iyon at pinag- aralan ang itsura. Pagkatapos ay tumingin sa akin. "VVIP Premium ka?"

Naka ngiti akong tumango. "Yeah. 'Di ba obvious?"

"Kapkapan siya," utos niya sa kasama.

Mabilis akong nag taas ng mga kamay upang makapkapan ako agad. Bumuntong hininga ako sa inip. Sawang- sawa na sa pagkapkap sa katawan ko.

They're really enjoying their job.

Sinong hindi matutuwa sa ganitong trabaho? Isang malaking factor ang pagkapkap sa security ng lugar o ng mga tao. Bukod do'n ay... magagawa mo 'to ng walang malisya at reklamong matatanggap.

Matapos akong makapkapan ay tinanguan siya ng kasamahan. Binalik sa akin ng bouncer ang ID ko at pinagbuksan agad ako ng pinto.

Pumasok ako sa bar. Nawala ang palakaibigan ko'ng ngiti at pasimpleng pinindot ang ear piece bluetooth na nasa kanang tenga ko.

"I'm Officially in." Pabulong ko'ng sinabi.

"Great. Now, hanapin mo 'yung CCTV na kulay itim at may pulang ilaw." Sagot ng aking kausap.

Luminga- linga ako upang hanapin ang sinabi niya. Nilibot ko ang paligid, mausok, maingay, at magulo. Lahat ng tao ay nagsasayawan sa dance floor. The colorful lights were dancing and beaming in different direction inside. Kung tatanstahin ang laman ng bar na ito ay mahigit tatlong daang tao ang narito sa loob ngayon.

"Found it." Ngumisi ako.

Nahagip ng mga mata ko ang iisang kulay itim na CCTV. Halos lahat kasi ng camera rito ay kulay puti kaya madaling mahanap.

"Now, you're gonna be the bait. Pumwesto ka kung saan malapit ang itim na CCTV dahil do'n ka namin panonoorin." Anang sa kabilang linya.

"Okay. Noted."

Pasimple akong kumaway sa CCTV at agad ko'ng narinig ang halakhak ng aking kausap.

THE WILD'S DEEPEST AFFECTION (BURNING LOVE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon