Beatrix
"Hi dad, mom." Bati ko sa parents ko pagkarating ko sa restaurant kung saan nagpareserve sila for our family dinner.
"My princess doll, come here. Give mommy a kiss." Sabi nito habang naka-open arms pa.
Napahawak naman ako sa leeg ko. Gosh, si mommy talaga feeling nya ata bata pa din ako.
"Darling, stop treating your daughter like a child." Saway naman ng ama ko. "But go on, Isabella, miss na miss ka na nyang mommy mo." Natatawang dugtong nito nang sinamaan sya ng tingin ng nanay ko.
Si daddy talaga, masyado ding ini-spoil ang kanyang asawa. Pero sinunod ko naman ito at humalik sa pisngi ni mommy.
"Sila kuya Rain po pala?"
"Present!"
"Kuya!!" Excited akong lumapit dito at yumakap. Kahit pa nasa isang building lang kami nagtatrabaho ng kapatid ko, hindi pa din kami nagtatagpo kaya sobrang namiss ko din 'tong mokong na 'to.
"Cloud, baby!" Umupo naman ako at hinalikan ang anak ng kapatid ko.
"Heyow tita." Yumakap din ito sakin na nagpapakarga. Ang cute cute talaga ng pamangkin kong ito. He's already 5 years old.
"Cloud, you're a big boy na diba? Bawal ka na magpakarga." Saway ng asawa ni kuya Rain na si ate Chelsea. Humalik naman ito sa pisngi ko. "You're looking really good, Isabella."
"You too, ate." Ngiti ko naman dito at tumingin sa nephew ko. Kiniss ko ang ilong nito. "And you also, baby boy. Ang pogi pogi mo na."
"Syempre sis, mana sakin." Sabi ni kuya at inakbayan ako. Sabay sabay na kaming lumapit ulit kila mommy habang karga ko ang pamangkin ko.
Naupo na din kami at nagsimula ng magkwentuhan. Pasimple ko ding tinetext ko si Madison habang hinihintay yung food.
"Where's Madison by the way?"
At ayun na nga, tinanong na kung nasaan yung bayawak. Kasi naman, alam nyang may family dinner ngayon, hindi pa umalis sa site ng maaga. Ayan tuloy, naabutan ng rush hour.
"She's on the way mom." Simpleng sagot ko.
"Lino, baka naman masyado mong pinepressure yung girlfriend ng anak mo kaya ganyan ka workaholic." Sabi ni mom kay dad.
"Of course not, darling."
"Naku mom, workaholic lang talaga si Madison. Ewan ko ba dun, eh sya tong boss." Natatawa namang sabat ni kuya. "Sis sabihin mo kay Madi na dumalaw din sya sa bahay ha, inuman naman kami."
Tumango lang ako. Close din kasi si kuya at ang girlfriend ko. Minsan nagbobonding sila sa bar pero simula nung nagbuntis ulit si Ate Chelsea ay di na sila lumabas ulit kaya hanggang bahay nalang sila nag iinuman.
"See? Sabi ko sayo darling, hindi ko ginagawa yan. Madison is a very amazing and competent woman. Hindi ako nagkamali sa kanya." Proud na sabi ng ama ko.
Yes, masyadong bilib si daddy kay Madison. Sya mismo ang nanligaw sa huli para magtrabaho sa firm namin. At sobrang saya at proud ako sa bayawak na yun. Hindi ko alam kung anong pinakain nya sa family ko at sobrang bilib na bilib sa kanya. Minsan feeling ko anak pa ang turing nila kay Madison kesa sakin.
I checked my phone again at wala pa ding reply galing kay Madison. Nag-aaalala na din ako sa kanya lalo na't wala na syang kasamang driver. Hindi na kasi sya masyadong umaalis ng maaga dahil babawi daw sya sa'kin.
Dumating na ang food at nagsimula na din kaming kumain. Nasa tabi ko si Cloud at nasa right side naman nito ang mommy nya.
"Lino?"
BINABASA MO ANG
Chasing Forever (GxG)
RomanceTwo lives drifted apart but given the chance to get back together. A second chance to make things right. A chance to continue their beautiful love story that only comes once in a lifetime. But how would you know if a person deserves a second chance...