Chapter 29

2 0 0
                                    

"Pre, kanina mo pa tinitingnan si Miss Mendoza ahh! Baka matunaw yan! " mapang - asar na sabi ni Darius.

" Oo nga pre! Gusto mo talagang ipaalam sa buong Campus ah, for sure kakalat na yon. Hahahah Naol!" Pahabol naman na sabi ni Dylan.

Tiningnan lang sila ni Hanz na parang walang nangyari. Nasapo ko nalang ang noo ko. Naku naman talaga tong lalaking to.

" Wag muna ulit gawin yon, sinagot na kita noon pa." Malambing na sabi ko.

" You don't like it?"  Mahinang sabi niya na para bang na  bigo siya.

" Hindi noh! Syempre na gustuhan ko!" Nataranta kung sabi ng napayo siya .

"Baka lang kasi , baka isipin ng iba na pera lang ang habol ko sayo." Wika ko sa kanya.

" The hell I care!" suplado niyang sabi.

" wahahhhahaha sa sobrang yaman ng boyfriend mo miss Mendoza , di yon maubos - ubos!" Tawang - tawa na sabi ni Darius halatang nakikinig sa usapan.

" Oo nga naman Kaz, at isa pa hindi naman totoo yon diba ? " tanong naman ni Darius.

" Syempre naman HINDI! " sagot ko agad.

At tuluyan ng nagtawanan ang dalawa. Kung nagtataka kayo kung bakit wala si Zriel ngayon ay dahil tinawagan siya ng mama nya , may emergency daw na nangyari kaya umuwi agad. Sasamahan ko pa sana pero sabi niya wag na daw at magsaya muna ako. Masaya naman ako lagi ah .

"Let's go? " ani ni Hanz habang nakatingin sa mga mata ko.

" Saan tayo pupunta ?" Nagtataka kung tanong sa kanya.

" Just come with us." At tuluyan na niya akong hinila.

Palibhasay founders day walang pasok kaya naman go!

Pinagtitingnan kami ng mga estudyante ngayon, ngumiti naman sila at mababasa mo sa mga mata nilang natutuwa sila sa amin ngayon. Palihim tuloy akong napangiti.

Pumunta kaming parkeng lot.

" Saan tayo pupunta ?" Tanong ko ulit.

Nang lingunin ko sila Dylan ay sumakay na sila sa kanya - kanyang kotse.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay pinagbuksan ng pinto.

"Get in." Sabi niya kaya naman agad akong sumakay. At sumakay na rin siya para mag drive. Pero bago pa sila mag drive ay may pahabol pa siyang sinabi sa akin.

" You're so pretty my world! I love you." At naglakaw ng halik sa labi ko. Smack lang yon pero parang nakuryente ang buong katawan ko. Ngiting ngiti naman siyang nag drive halatang gustong gusto ang nangyari.

" Nakakainis ka! Magsabi ka nga nagugulat ako sayo!" Saway ko sa kanya.

" Okay, later!" Na para bang nang asar lang.

" Anong later? Wala ng later hoy! Mahiya ka!" Bulyaw ko agad.

Natawa lang siya at hindi na ako tiningnan hanggang sa makarating kami sa mall??

Agad ding nag si babaan ang dalawa at lumapit sa amin.

Pumasok kami sa mall  habang hawak - hawak ni Hanz ang kamay ko. Walang balak bitawan iyon.

Nagulat ako ng nagstop kami sa harap ng maraming gown.

" anong gagawin natin dito ??" Takang tanong ko.

" We'll choose your gown." Sagot niya.

" Huh? Ayy teka lang bakit?" Ayaw magpaawat.

" Birthday ng kuya niya Miss Mendoza bukas,  hahahahah di ka nainform ?" Natatawang sabi ni Dylan.

" Hindi, wala siyang sinabi!" Tinuro ko pa si Hanz tumingin lang siya sa'kin at ngumiti kaya imbes na magalit ako ay napapangiti nalang. Mahal na mahal ko ang lalaking to.

" Let' s go inside and I'll pick yours." At kumindat pa talaga siya sa'kin.
Nagtawanan lang ang dalawa naming kasama.

Pagpasok namin don ay bumungad sa amin ang isang saleslady na sobrang tamis ng ngiti.

" Welcome  sir." Matamis niyang bati. Nainis ako bigla!

Hindi naman siya sinagot ni Hanz kaya yong dalawa ang sumagot. Buti naman!

Napahawak tuloy agad ako sa braso ni Hanz, gulat siyang napatingan sa'kin habang nakataas ang isang kilay.

" What?" Natatawa niyang sabi. Hindi ko siya sinagot at nagpanggap na walang narinig.

May biglang lumapit samin na saleslady.

"Hello sir!  Ano pong gusto na design sa gown sir?" Matamis na ngumiti ang saleslady.  Ayy gago!! Hallerrr!!!! Baka naman balak niya akong batiin jan!

" Something simple yet elegant that fit her." Wika ni Hanz

" Just follow me , sir." Ngumiti pa ulit yong saleslady. Halatang may gusto sa boyfriend ko.

Bumitaw agad ako sa kanya. Nagulat naman siyang napatingin sa akin. At kinuha ang kamay ko para ibalik kung saan nakapwesto kanina. Ngiting - ngiti.

" Are you jelous?" Mangha niyang sabi.

" Kazzy ang pangalan ko at hindi Jelous!" Inis kung sagot.

Napangisi na naman siya sa sagot ko.

" I know you. Are you jelous?" Ayy hindi halata Boy?

" Hindi noh!" Sagot ko naman.

" Come on , babe." Ayaw magpatalo.

" Hindi nga ! Ang kulit mo. " natawa naman siya.

Nakabusangot ang mukha ko ngayon habang ngiting ngiti naman siya. Nang lumingon ang saleslady sa pwesto naman mas lalong lumapad ang ngiti niya dahil nakita niyang nakangiti si Hanz. Masama ko tuloy'ng tiningnan si Hanz  at agad ding nawala ang ngiti pero makikita mo talaga sa hitsura niya na nagpipigil lang siyang ngumiti! Nakakainis! Nagseselos ba ako ?

At dinala nga kami ng salesladay kung saan makikita mo ang mga naggagandahang gown. Naiiba man ang hugis at hitsura nito pero di ko maiwasang humanga dahil nang aakit tingnan. Dumapo ang paningin ko sa kuya green na gown. Ang cute.

Kinuha ng saleslady yon lahat para masukat ko.

Una kung sinukat ang kulay black na gown, simple lang pero ang garang tinggan. Lumabas ako para ipakita sa kanya yon.

" No, pick another one. It fits you but masyadong kita ang harapan. " Sabi niya agad.

Sunod kung sinukat ay yong silver ang kulay.

" No babe, ang ikli." Komento niya.

"No!" Taas kilay niyang sabi.

" Next" hindi pa nga ako nakalabas ng tuluyan ay yon agad ang sabi niya.

Nang tingnan ko ang suot na gown maganda naman iyon kaso lang ang bulgar sa likod.

Ang dami ko ng nasukat na gown lahat yon ay wala siyang natipuhan. Napapagod na ako huh!

Last na talaga to. Pag ito hindi bagay parin sa akin ay wala na talaga akong paki alam don!

Sinuot ko ang kulay brown na gown. Simple lang siya pero ang cute. At comfortable suotin. May butas sa harap pero hindi naman malaswang tingnan. At medyo tube ang style . Plain lang sa baba.  Bumagay lang din sa balat ko.

Nakita kung may binasa siya sa phone niya at ng pansin niya ang presensya ko ay agad dumapo ang mata niya sa'kin. Kitang kita ko ang pagkagulat niya. At tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

" Miss Mendoza ikaw ba yan ?? Bagay na bagay ah. "  lumitaw si Dylan sa  harapan ko  kasunod naman niya si Darius na ang ganda ng ngiti.

" Wow! Ang ganda!"  Ng tumikhim si Hanz ay agad din niyang dinugtungan ang sinabi nya. " ng damit mo Kaz, bagay sayo." At ngumiti siya. Ngumiti din ako sa kanya at nagpasalamat. Tawang tawa naman si Dylan.

" Hahahahah partida wala pang make up yan! "At tumawa si Dylan. Natawa nalang din ako.Nang tingnan ko si Hanz ay nakangiti na rin siya. Nang masalubong niya ang paningin ko ay nabasa ko agad sa bibig niya ang katagang" ILOVEYOU, BABE!" At nag flying kiss pa. Hulah!

I Still Remember The Day You Left MeWhere stories live. Discover now