Kabanata 10

475 14 2
                                    

"Oh anak? Bakit ang aga mo ata ngayon?" Napasimangot ako kay mama at padabog na umupo.


Sabado ngayon at dapat sana ay mahimbing pa ang tulog ko  kung hindi lang dahil sa punishment na yon.


Aysh! Nakakainis na araw to. Iniisip ko palang na makakasama ko sila Sean ngayon para ayusin yung isang room na ginawa ng Storage Room ay nag-iinit na yung ulo. Naaalala ko pa yung sinabi ni Miss.Sampaga sa amin non sa Guidance.


"Ang punishment niyo ay ayusin ang Room 106. Kelangan niyong alisin lahat ng nakaimbak doon at ayusin rin ang mga sirang bintana at mga pintura. In 1 month dapat ay maayos niyo na yun , para sa mga gagamitin niyo  kunin niyo na lang sa Dressing room. Yun lang at makakaalis na kayo."


Nakakainis talaga. Dahil wala kaming Janitor ay umaasa sila sa mga estudyanteng nagkakasala.


"Ano bang problema mo at kay aga-aga ganyan ang mukha mo?"


"Wala po. Mama aalis po ako ngayon at mga hapon na po ako makakauwi." Sabi ko at pumunta sa kusina para magkape at kumain.








"Ano?! Bakit hindi makakapunta si Clint?" Sigaw ko kay Sean at padabog na inihagis yung walis na hawak ko.


Alas-nuebe  ang usapan naming magkikita-kita dito sa school at alas-diyes na ng dumating tong si Sean at ang nakakainis ay ang ibungad niyang hindi daw makakapunta si Clint.


My God. Bakit ngayon pa Clint? Bakit mo ko hinayaang makasama tong lalaking to.


"Emergency." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa simpleng sagot niya.


"Great. May emergency din ako, aalis na ako. Bahala kang maglinis dito tutal kasalanan mo naman bakit may punishment din ako." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa silya at lalabas na rin para makauwi.


"Ganun ka na ba kagalit at para sa paglilinis dito ayaw mo kong makasama?" Mahinang tanong niya kaya napahinto naman ako sa paglalakad.


"Kailangan ko pa bang sagutin yan?" Sarkastiko kong sabi at lalabas na sana talaga ako ng biglang umulan.


Napamura ako ng malutong. Bakit umulan? Ni halos hindi naman makulimlim kanina.


"Wala kang choice kundi ang mag-stay dito kasama ako."


"Manahimik ka Prince!" uh—oh.. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ko at napamura ng napamura ng napamura sa isip. Gusto ko na lang magdisappear at lumayo sa lalaking to.


"Anong sabi mo? Totoo ba yung narinig ko? Tinawag mo akong Prince!" Dama ko yung galak niya at halos kumulo naman ang dugo ko dahil don.

From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon