#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Buong araw ay nandito lang ako sa flower shop. Wala pa kaming customer kasi nga naman summer ngayon at walang masyadong bumibili ng bulaklak kapag summer.Nakaupo lang ako habang tinitignaan ang sunflower na nakaarrange
sa isang sulok kasama ang ibang klase ng mga bulaklak.Napapangiti ako sa tuwing nakakakita ako ng sunflower dahil palaging pumapasok sa isip ko si Yohan. Hindi parin ako makapaniwala na through these years may chancw kaming dalawa. Palihim akong napangiti.
Lumipas ang oras at kaunti lang ang customer namin. Kaya noong alas-kwatro ay nagligpit na kami para isara ang flower shop.
"Uhmm Miss" napatalon ako sa gulat ng may lalakeng nagsalita sa gilid ko kaya naman hinarap ko siya at ngumuti. Maaliwalas ang mukha niya naka T-shirt lang siya at nakamaong. Sa palagay ko ka edad ko lang siya.
"Sir bibili ka po ng bulaklak?" tanong ko sa kanya. Inayos ko ang buhok ko.
"Uhmm yes please" nakangiting sambit niya.
"Sumunod po kayo sa akin sa loob" wika ko at sinenyasan siya na pumasok na sa loob. Sumunod naman siya sa akin.
"I would like to buy that bouquet" wika niya at tinuro ang isang bouquet na maraming sunflower. Napangiti naman ako at binigay sa kanya. Pero hindi niya tinaggap at nakatingin lang siya sa akin. Tumaas ang kilay ko kaya natauhan siya. Siguro mahigit limang minuto siya nakatitig sa akin. Ganun ba ako kaganda? Napailing nalang ako.
"Uh how much is this?"napakamot siya sa batok at nahihiyang kinuha sa kamay ko ang bouquet. Sinabi ko naman sa kanya ang presyo at kaagad naman niya iyon binayaran. Pero nagulat ako ng hindi pa siya umaalis.
"May kailangan pa po ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"Uhmm can i have your number?" nagulat ako sa sinabi niya. Napakagat ako ng labi at aakmang magsalita na sana ng biglang...
"At bakit mo naman kukunin ang number niya" kumabog ang puso ko ng biglang nagsalita si Yohan sa may pintuan.
"Ibibigay ko nalang sayo ang number ng flower shop namin incase na gusto niyong magpa-order kung may occasion na gaganapin" kinakabahan akong tumawa at ngumiti habang nanginginig ang labi ko.
"Nice idea though" wika ng lalake. Mabilis ko naman hinanap ang card. Halos hindi ako makapagconcentrate lalo na't nasa gilid lang si Yohan at seryosong pinapanood ang galaw ko. Nang maibigay ko na sa kanya ang calling car ay nagpaalam na ito.Nakangiti naman akong kumaway sa kanya pabalik.
"Pomuporma ang lalake na iyon sayo" malalim ang bosses na sabi ni Yohan. Tinignaan ko naman siya ng masama.
"Hindi, gusto lang niyang kunin ang number ko incase na mag-order siya ulit at tsaka bumili siya ng bulaklak kaya sa palagay para iyon sa girlfriend niya" wika ko at inis na kinuha ang bag.
"Parang hinuhubaran ka niya sa mga tingin niya sayo, hindi ako manhid Lindsy" mahinang sambit niya. Nilingon ko naman siya ng nakakunot ang noo.
"Ikaw tong malisyoso bumibili lang naman ng bulaklak yung lalake" inis na sabi ko.
"Next time sasamahan nalang kita dito" wika ni Yohan. Nalag-kag ang panga ko sa sinabi niya.
"Yohan wala lang iyon bumili lang siya ng bulaklak para sa girlfriend niya buti pa nga siya binibilhan ng bulaklak ang girlfriend eh ikaw nga galing nakaw lang" wika ko at umirap sa kawalan.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...