Dara's POV
"Pahinga muna tayo saglit girls." Sabay patay ni Chae nang music.
Walang imik imik ay sumalampak na kami sa sahig. Sobrang nakakapagod! Non Stop kasi ang pag pagpractice namin.
"Jinjja? Andito kayo Honey?" Rinig kong sabi ni Bommie habang may kausap sa phone.
"Here we go again." Bagot na sabi ni Chae sakin. Napatawa na lang ako dahil lagi ngang ganyan si Bommie simula nung alam nyo na. Nagkaliwanagan sila. Mala Meralco lang. May liwanag ang buhay!
"Osige. Hintayin namin kayo!" Masayang sabi ni Bommie. "Love you Honey. Ingat!" Pahabol nya pa.
"Sino yon?" Tanong ko sa kanya.
"Nagtatanong ka pa. Honey nga daw diba. Natural si Oppa!" Pagpapaalala sakin ni Chae.
"Oo si Seung Hyun nga yon. Pupunta daw sila dito mamaya." Sambit nya.
"Ahh!!!" Sabi ko. Yeyyy!! Edi ibigsabihin kasama nila si Jiyong.
"Tinatawa tawa mo? Para kang baliw." Imik sakin ni Bommie.
"Wala wala!" Sabay wagayway ko ng kamay ko.
Napabaling ang tingin namin nang biglang may pumasok sa pintuan. "Pinapatawag po kayo ni Sajangnim sa office nya." Sabi nang secretary ni Appa YG.
"Ano na naman kaya yon?" Bulong ni Chae.
Oo nga eh. Ano kayang special announcement ni Appa YG ngayon.
"Sige po susunod kami." Sabay tayo ni Chae. "Siguro naman di masamang balita ang sasabihin nya diba?" Pahabol nya.
Nagkibit balikat na lang kaming apat. Ano naman kaya ngayon this time?
----
"ANO APPA YG? HINDI NAMAN FAIR YON." Galit na sabi ni Bommie.
"Tinataasan mo ba ko nang boses Park Bom?" Ma awtoridad na sabi ni Appa YG.
"Sorry po Appa YG. Kaso ang unfair naman po ata nun? Diba last month pa natapos ang Dating Ban namin?" Nagkukumayog na sabi ni Bommie.
"I know. That's why I'm extending it." Sabay ikot nya sa swiveling chair nya.
"Pero-."
"No BUTS Park Bom. Just sign the contract!" Sabay abot samin nang Dating Ban Contract. "May isa pa nga akong pinoproblema eh. Yang Seung Hyun na yan." Dagdag nya.
Agad kaming napaayos nang upo at nakinig nang maigi sa kanya. Si Bommie halatang na tensed nang banggitin ang pangalan nang boyfriend nya. .
"Bakit? Anong problema kay Oppa Appa YG?" Tanong ni Chae.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)
FanfictionHanggang kelan kaya matatago ni Dara at GD ang relasyon nila? What if when its already over until they decided to announce their relationship to the world. Would they dare sacrifice while its still early or just let it be hidden. And when she rea...