Prologue

10 6 0
                                    

Warning: Typographical Contents and Grammatically Errors.

Read at your own risk.

-------------

Our Sinful Marriage

Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Napakasakit, Napakamakasalanan, at Nakakabaliw.

"Hindi mo man lang ba inisip and mga pwedeng mangyari bago ka nagpakasal sa kanya ha?!"  luhaan man ay pinapalabas ko ang galit ko sakanya.

"Hindi ko ginusto ang lahat Yna maniwala ka man saakin o hindi ay ikaw lang ang mahal ko" hindi ko ito tinignan, nanatiling akong nakayuko habang pinupunasan ang aking luha.

Ilang minuto pa ay wala na akong may narinig mula sa kanya kaya inangat ko ang aking ulo.

"Huwag kang gumalaw Yna" mahinang usal nito, nagbabanta.

Nakatutok ang baril nito sa'kin "D-danilo?"

Anong ginagawa nya

"Umalis kana dito, Yna"  sambit ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran, kung ganon ay hindi ako ang tinututukan ng baril ni Danilo.

"D-dad?" natatakot na tanong ko nilingon ko ito at nakatutok rin sa'kin ang baril nito. Mali, nakatutok ito kay Danilo.

Alam ko na kung anong plano nya.

"No! Dad, Stop it!" pigil ko rito bago pa nya magawa ang gusto nya.

"Manahimik ka!" sigaw nito sa'kin ng hindi inaalis ang tingin kay Danilo.

"Umalis kana bago kapa mapatay ng ama mo"

"W-what do you mean, Danilo?"

Mapatay ng aking ama?

"Umalis kana!" Nakakatakot na sigaw nito, galit na sya at hindi nako pwedeng kumontra pa sakanya.

Tumakbo ako ng mabilis papalabas sa bahay na iyon.

*Bang* *Bang*

Rinig na rinig ko mula rito ang putukan ng baril nila ni Daddy, tumalikod nako para tumawag ng pulis ng biglang may sumabog nilingon ko ang bahay na umaapoy na.

No, Danilo.

This can't be!

Vamos a matarte, Alyana!

*Translation: I'm going to kill you*

May itim na sasakyan ang dumating at iniluwa nito si Alyana ang aking nag iisang kapatid.

Natigil na ako sa pag iyak, namamanhid na'ko. Dali dali ko itong nilapitan at sinampal.

"Istupida! Bakit moko sinampal?!" galit na sigaw nito sa mismong mukha ko.

"Wala na si Papa at Danilo" malamig na tugon ko rito.

Natigilan ito at umiling ng umiling. "No, mi amor, Danilo"  nagsimula na itong umiyak

*Translation: My Love*

Hinablot ko ang buhok nito at sinampal muli "Anong karapatan mo para umiyak? 'Hermana' ?"  Diniinan ko ang pagtawag sakanya bilang kapatid.

*Translation: Sister"

"Bitawan mo ako, hermana!"

"Hindi ba't ikaw ang dahilan ng lahat ng ito kaya wala na sila? Hindi ba?!" Galit na galit kong tanong rito hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko nanggagalaiti na'ko.

"Yna..." tawag ng isang pamilyar na boses, halatang nanghihina ito.

Papaanong?

Nilingon ko ito, duguan at may tama ng baril sa tagiliran.

"Danilo" sambit ng kapatid kong si Alyana, hindi sya nilingon ng aking asawa, ng aming asawa.

"Yna" humakbang ito papalapit saakin at niyakap ako.

Ang mga luhang kanina ay hindi ko mailabas ngayon ay hindi ko na ngayon mapigilan.

"Oh danilo, te amo. te amo, danilo" umiiyak na usal ko

Thank God, He's alive.

"There's no reason for me to leave you Yna. I love you until the day that I die" Mahinang sabi nito habang yakap yakap ako.

"Ako ang dapat mong minahal Danilo, hindi 'yang inutil kong kapatid!" sigaw ng aking kapatid kasabay ng pagputok ng baril ay ang pag igtad ng ang aking asawang si Danilo.

Dahan dahan nyang pinikit ang kanyang mga mata.

"Te amo, Ylana Amador" ay ang mga huling salitang kanyang binitawan at tuluyan na syang nawalan ng buhay.

"L-lo siento, Hermana" natatakot nitong sabi habang dahan dahan na tinututok sa'kin ang baril.

*Translation: I'm sorry*

Natatakot na ito sa'kin, alam na alam nyang talaga kung paano akong magalit. Naglakad ako papalapit sakanya at sya naman ay umaatras.

Dalidali kong inagaw sakanya ang baril at walang pag aalinlangang pinaputok iyon ng limang beses.

*BANG* *BANG* *BANG* *BANG* *BANG*

-----------------------------------------------------------------------------------+++

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events, Locales and incidents are product of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Sinful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon