My Father, My Lover. (EDITED)

2.9K 16 10
                                    

My Father, My Lover!

@BiyayangAraw

(edited)

Hindi naman talaga kami mag-tatay eh. Turingan lang kaya pwede naman siguro ma-inlove kay Tatay di ba?

            Sa HighSchool uso ang family tree, Yung sa isang klase may tinuturing kayong Nanay, Tatay, Anak, Tito, Tita at kahit mga Lolo, Lola. May mga balae, biyenan at basta kamag-anak. Masaya kasi sa pakiramdam na may pamilya ka sa klase, mararamdaman mong mahalaga ka rin sa kanila tulad ng sa isang pamilya. At dahil sa aming family tree nabuo ang nararamdaman kong kakaiba para kay Tatay Raytheon.

            May Tatay ako sa Family tree namin. Si Tatay Raytheon pero wala siyang asawa kahit na anak niya ako. Tapos may nanay din ako, Si nanay Fio pero wala rin siyang asawa pero anak niya rin ako. Hindi mag asawa si Tatay Raytheon at Nanay Fio. Basta ang Tatay ko si Raytheon at Nanay ko si Fio at anak ang tawag nila sa akin pero hindi sila labteam sa family tree namin gets? Everything is possible, total kunya-kunyarian lang naman ‘to eh. At dahil imposible naman ang lahat eh inaasar ako ng mga kaibigan ko HINDI daw totoo na ako anak niya at siya tatay ko, may IBA daw sa amin. Anong iba? Espesyal kami sa isat-isa dahil mag Tatay kami. PERIOD. Kaya lang,

            Nag ka-totoo ang sinabi nila eh. Unti unti napamahal ako kay Tatay Raytheon, dahil sa pagiging malapit namin sa isat-isa, dahil sa attachment namin bilang mag-ama, dahil sa pagiging mabait niya at sa napakarami pang rason. Dapat Tatay ko lang siya eh pero pinag-tripan ako ng tadhana. Ayaw paawat gusto talaga si tatay. Anong gagawin ko ngayon? Isasaalang alang ko pa ba ang mayron sa amin o itago na lanh ‘to?

            Ako nga pala si Aileen Angeles isang 3rd year High School student sa Saint Hills National High School. Nasa isang barkada ako na tinuturing ko nang pangalawang pamilya. Ang tropa ay binubuo ni Sanie pinakamaganda sa amin, Si Joy pinakabaliw naman, si Hazel na pina-friendly, si Ruth na pinakatahimik, si Fio na nanay ko rin at pinaka madaldal, si Chloie na pinaka-misteryoso sa lahat, si Judith na pinaka-habulin ng boys, si Nichole na Geek sa amin at Ako na pinaka-cute haha :p May kasama rin kami sa tropa na mga lalake si Raytheon na tatay ko nga, kulot, matangkad, magaling mag-drawing, matalino at pogi :’) Kasama rin sila Diego na ka-labteam ni Joy, Si Peter, Si Roi, at si Kyle. Ang DOTA boys.

Kasama na nga doon si Tatay Raytheon na isa sa mga kaibigan ko nung UNA. Pero nung tumagal… <3

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Naglalakad ako ngayon papuntang gate ng subdivision para pumasok since walking distance lang naman, exercise na rin.

*beep*

From: Tatay <3

GoodMorning! Nak, pasok na ako. Ingat :’)

>_< Woot Magandang Umaga talaga ahh..

To: Tatay <3

My Father, My Lover! (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon