Chapter 2 - Pangangasar

789 15 0
                                    

P.S. Lahat po ng italicized dito, mga flashbacks po. Puro flashbacks po itong story. Thanks.


Ryla


Ang sarap alalahanin yung mga memories na fresh na fresh pa sa isip ko. Parang dati magbestfriends kami, para na ngang magkapatid sa close namin. Tapos ngayon, hindi na kami close. Ni simpleng 'hi' lang di magawa-gawa. Ang awkward na. Naalala ko tuloy yung time na yun.


Alam mo yung feeling na 4th year ka na at next year gagraduate ka na? Ang sayang isipin na wala ka nang alalahanin. Wala nang projects at assignments. Diba ang saya?


Last week na ng bakasyon, nasa school kami. =( Ang saya talaga. Ha.


Pano ba naman, may nalalaman pang talent show yung ssg. Sarap sipain eh. Yung lokong vice president pa nga nagsuggest. Sino? Edi si Jelo. Pssh. Gusto lang niya makitang kumanta si Krystal eh. Ayaw pa kasi aminin.


"Bakit kasi may ganito pa?" -ako


Nakakairita. Pero kailangan kong pumunta kasi nagpromise ako kay Krystal na papanuorin ko siya. Oo, pinilit ko siyang sumali. ;)



"Good afternoon ladies and gentlemen. We are your hosts for today. Brandon and Francis at your service!"


"Ano nga ba meron ngayon Brandon?" -Francis


"Aba. Hindi ko alam Francis. Ano nga ba meron?"-Brandon


"Ito ang pinakaunang talent show ng St. Therese High!" -Francis


"Mga walang kwentang MCs sila. Nakakaasar. " - Michelle


Ayun, pinakilala na nila yung mga contestants at judges.


"Krystal, Princess..." -Brandon


"Huy pare, si Princess kasali oh." -Kyle


Napatingin si Rence sa stage kung nasaan yung mga contestants. In-off niya yung phone niya at ngumiti sa tabi ko.


"Aissh. Kilig siya." - Kyle


Anong meron? Haay. Pabayaan mo na yun.


Binalewala ko nalang yung pinag-uusapan nila. Nagsimula na yug show. Medyo matagal-tagal pa si Krystal.


....


....


...


....


After 1 hour ng paghihintay. Sa wakas, si Krystal na.


"Please welcome Krystal!" - Francis


Lumabas si Krystal mula sa backstage.


"Hi guys. Okay. Actually, napilitan lang ako. I will sing Half A Heart by One Direction" -Krystal


Pumalakpak lahat. Pasimple kong nilabas phone ko at vinideohan si Krystal. Hahahah.


....


...


..


..


Nang matapos siya. Nagstanding ovation silang lahat. Syempre, mana sa bestfriend. Joke! Lagot siya sa akin, iuupload ko to sa youtube. Bwahahah!


"For the next talentadong teresita, let's welcome on stage, the princess of the dance floor, Princess Escobar!" -Francis


Tumayo mga boys namin except si Rence. Nagsisigawan. Naghihiyawan. Habang si Rence, todong ngiti sa upuan.


As expected, sumayaw si Princess. Ang galing niya. Lambot ng katawan. Chix pa. Kaya siguro naghihiyawan mga boys namin.


"Galing mo bro!"- Patrick


Pinalo nang mahina ni Patrick yung likod ni Rence. Napapangiti rin ako sa upuan. Nakakatuwa silang panuorin.


"Wag niyong sabihin... may gusto si Rence kay Princess?" -ako


Napasmirk ako habang nakatingin kay Rence.


"Ikaw Rence ha. Masabi ko nga sa kanya. Hahaha." - ako


"HAHAHA."


"Maganda yan Rye."- Kyle


Nakipag-appear si Kyle sa akin.


"Gusto niyo ngayon ko pa sabihin eh." - ako


"Rye, wag!!"- Rence


Ito na si torpe. -_-


Hindi ko nalang siya pinansin. Tumayo ako at sumigaw.


"LAWRENCE DOROLBE LOVES PRINCESS ESCOBAR!!!" -ako


"HAHAHAHAHA!!"


Simula nung time na yun. Inasar na namin si Rence kay Princess. Nakakatuwa at first na nakakainggit. Hindi ko alam kung bakit.


+-+-+-+-+-+-+-+-

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon