Chapter 32

102 6 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖





"Yohan" sambit ko sa pangalan niya. Dalawang araw na ang nakalipas at nai-uwi na rito ang bangkay ni itay. Pinalalamayan na ito ngayon. Nakaupo ako sa isang swing kasama si Yohan habang pinapanood namin ang sunrise. Naging kulay kahel na ang kalangitan at sobrang gaan ito sa mata ko.

"Hmmm" malambing na sabi niya at dinampian ng halik  ang noo ko.

"Hindi ka ba napapagod?" tanong ko sa kanya. Binaon ko ang ulo ko sa leeg niya habang siya naman ay paulit na hinahalikan ang noo ko. Nasa labas kami ngayon at nagpapahangin.

"Mapagod saan?" tanong niya.

"Na palagi akong iniintindi at hinihintay" napabuntong hininga na sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hindi kasi mahal kita at ang taong nagmamahal hindi napapagod" bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. May luhang tumulo sa mata ko at nagulat ako ng pinunasan kaagad iyon ni Yohan gamit ang hinalalaki niya.

"Ang ganda ng sunrise" nakangiting sabi ko sa kanya.

" Sunrise remind us that in our life theirs always hope when you feel that it's the end of the world always remember that after night there's always a sunrise wil come" nakangiting sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Kay mahal na mahal kita dahil palaging may baon na motivational na quotes" tumawa ako ng mahina. Hinawakan niya ang baba ko at tiningala ako.

"Ayan napatawa kita" mahinang sambit niya. Hinampas ko siya sa braso at niyakap ng mahigpit.

"Bumalik na tayo sa loob naghihintay na sa akin si Itay" malungkot na sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at inalalayan akong makatayo. Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad  papasok sa mansion.

Nang makapasok na kami sa mansion ay naabutan ko si Jandrick na hinahawakan ang kabaong ni itay. Nagulat ako sa biglaang pagdating niya. Noong nalaman ko na patay na si Itay ay hindi ko agad sinabi kay Jandrick dahil natatakot ako na mas baka masaktan pa siya kaysa sa akin. Matagal na silang magkasama ni itay at ayoko muna siyang masaktan sa pagkawala nito. Nakatalikod lang si Jandrick habang hinahawakan ang kabaong  ni itay.

"Dad" nabasag ang bosess niya at naririnig ko ang mahinang hikbi ni Jandrick.

"Dad" napahagulhol siya at napaluhod sa sahig. Napakagat ako ng labi ay hindi maiwasan ang maiyak sa sitwasyon niya.

"Dad bakit mo ko iniwan? Dad? Please Dad don't do this to me, kahit na hindi ikaw ang tunay kong ama mahal kita kasi pinaramdam mo sa akin kung paano magkaroon ng isang ama" wika niya kaya napahikbi din ako.

"Lindsy" naptigil ako ng banggitin ni Jandrick ang pangalan ko. Napayakap ako kay Yohan ng mahigpit. Nang lumingon siya sa akin ay kumunot ang noo niya.

"Why you didn't told me about dad? At bakit kasama mo to si Yohan?" kunot ang noong tanong ni Jandrick. Pinunasan niya ang mukha niya na nabasa na ng luha dahil sa kagagaling niya sa pagdadalamhati sa pagkawala ni itay.

"J-Jandrick" banggit ko sa pangalan niya. Mabilis niya kinuha ang braso ko at nilagay ako sa likuran niya.

"What are doing here?!" sigaw niya kay Yohan at tinuro ito ng mariin.

"Wag mo siyang sigawan, wag dito sa harap ng bangkay ni itay" mahinang sambit ko at mabilis na kinalas ang kamay niya na nakahawak sa pupulsuhan ko.

"Bakit kasama mo si Yohan?" naging mahinahon ang bosess niya at napahilamos siya sa kanyang panga habang nakatingin sa akin ng seryoso.

"You should tell him the truth Lindsy" napapikit na sabi ni Yohan.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon