ONE

1 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

S T A C Y

Nagising ako sa pagdila ng aso ko saaking pisngi na nagpabangon sakin, Buti nalang ay nahanap ko siya kahapon kung hindi baka habang buhay kong sisihin ang sarili ko dahil naging pabaya ako.

"Baby Cookie~" malambing sabi ko saka binuhat siya at ipinatong sa lap ko.

Her wiggle tails make me smile, hayy ang cute niya talaga.

Busy akong nakikipagharutan sa Aso ko ng kumulo bigla ang tiyan ko.

My tummy are hungry I pouted saka ibinaba muna yung pet ko para lumabas papunta sa kitchen.

Pagbukas ko ng ref, Charaaan! Syempre walang foods.

Napakamot nalang ako sa ulo ko, "I forget grocery" pero natawa nalang ako ng maalala kong di rin pala ako marunong mag Grocery.

Peaceyow!

The own brain of mine tells me to buy, pero tinatamad yung katawan ko na kumilos. Wala bang lilipad na tinapay diyan? Yung may ham and cheese sana para yummy!

Mas lalo lang akong nagutom sa naisip ko. Napahawak nalang ako sa tiyan ko at mahinang tinapik ito.

"Quiet ka muna diyan ha? Tinatamad pa ko eh" pagkausap ko sa sarili kong tiyan.

Nasa gitna ako ng pagkausap ko sa tiyan ko ng mahagip ng paningin ko yung kalendaryo sa pader.

June 17 na pala...

W-wait... JUNE 17 NA!

Agad na nabuhayan ako ng dugo at tinakbo yung Cellphone ko para kompirmahin kung tama yung nasa kalendaryo. At tama nga, June 17 na at ngayon yung First Day ng klase ko!

Dali dali akong tumakbo sa Kubeta, at nang sinabi kong tumakbo ako, asahan mo ng di normal na takbo iyon. Nabangga ako sa upuan, Naumpog sa pader at Nadulas sa nagkalat na balat ng saging sa lapag.

Bat ba kasi di ako naglinis? At nang marealize ko na di din pala ako marunong maglinis, natawa nalang ako sa katangahan ko.

Walang shower sa Apartment na tinutuluyan ko kaya tabo kung tabo lang talaga, nang di ako makuntento sa isang baldeng tubig ay binuhos ko yung binili kong body wash sa drum at tumuntong sa upuan saka isiniksik yung sarili ko don.

I miss our bath tub

I sighed saka nagbabad pa doon, normally one hour talaga ako maligo pero dahil nagmamadali ako ay Fifty Minutes lang. Ang bilis diba?

Nang matapos ako ay agad akong nagbihis, When I said matapos ang ibig sabihin non ay natumba yung drum na pinasukan ko at nagpagulong gulong ako sa kubeta dahil sa katangahan ko nanaman.

Hays, kailan kaya ako hindi magkakamali?

Dali-Dali akong nagbihis ng Uniporme na susuotin.

At syempre hindi normal na Dali-Dali yung nabasa niyo, inangat ko sa magkabila kong kamay yung dalawa kong pares ng uniporme at namili.

"Etong isa may gusot sa palda" tingin ko sa kanan na hawak ko "Habang itong sa kaliwa naman may gusto sa blouse--Anong susuotin ko!?" Halos sampong minuto akong nakipagtitigan sa dalawang uniform na hawak ko ng maalala ko na may plantsa pala akong binili.

Agad ko naman itong kinuha..

Pero naalala ko nanaman na di pala ako marunong mag platsa hehe. Kaya wala akong choice kundi suotin yung sa kanan tutal palda lang naman e.

Miss Wrong Grammar's LoverWhere stories live. Discover now