*riiinnngg rrrriiinnnggggg*
"Pick up the damn phone!" Irita kong pagkakasabi. Nakakainis ba naman si Cass ayaw sagutin yung telepono nya. Kanina pa kaya ako naghihintay dito sa labas ng campus namin.
"Gosh! Cassie! Sagutin mo naman cellphone mo!" Galit na talaga ako. Ilang oras ba yun kung mag-ayos?
Nga pala di pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Ellizabeth Dela Cruz or Elli for short. Mysterious type akong tao. Hilig ko ang magbasa ng mga science fictions, vampire stories, wolves, etc. Weird nga daw para sa isang 18 year old girl na hanggang nagyon naniniwala pa din sa mga ganitong klaseng kwento.
Pake ba nila. Eh sa ito ang trip ko sa buhay ko eh.
Dito ako nag-aaral ngayon sa Dweyn Niccolie Academy in short DNA. Ang weird nang school name noh? Parang kasing weird ng mga tao dito sa Academy na ito.
I was still waiting for Cassie to come. 5 minutes na lang start na nang klase namin, pero hanggang ngayon wala pa din sya!
"Elli!!!!!!" I heard someone shouted my name far from me. Sa wakas nakarating na din sya.
"WHAT TOOK YOU SO LONG? MALELATE NA TAYO! ERRGGHH!" inis kong sinigawan sya kahit lahat ng tao sa paligid namin ay nakatingin sa amin wala ako pake naiinis ako.
"I'm sorry Elli, may ginawa pa kasi ako. Tara na!" sabi nya na mukhang nagpapa-amo pa sa akin.
"Ano pa nga ba!" pagtataray ko lang sa kanya.
Habang naglalakad kami sa hallway, mapapansin na agad ang pagtitig ng mga tao sa amin.
Ano nga bang magagawa ko sobrang ganda ng kasama ko.
Tsk! Akala nyo ako? Asa men.
Naipakilala ko na ba si Cassie sa inyo? Kung hindi pa eto ang Bio nya.
Cassie Nicole "Cass" Palma. Ang BFF ko na super duper uber bagal kung kumilos and not to mention playgirl yan. Ewan ko sa dyan sa babaeng yan at naging playgirl, ginagaya nya ata ang kuya nya sa pagiging Cassanova nito.
Di ko naman masisisi ang mga lalaki. Maganda, maputi at isabay mo pa ang kulot at malambot nitong itim na buhok. Problema nga lang nya ang mga mata nya. Sobrang dark nito, kung baga ayaw mo na lang ito titigan kasi parang nakakatakot. Pero infairness pag tumatapat sya sa araw kumikinang ang balat nya sa sobrang ganda.
Yan napakilala ko na huh? Pwede ko na bang ituloy ang storya ko.
Well, nakarating na kami sa room at akala ko kakabahan ako sa magiging sermon ng Prof namin. Pero pagpasok ko wala pa pala ito.
What a relief!
"Uy Elli!" Pangungulit sa akin ni Cassie
"Wag mo ako kausapin. Naiinis ako sa'yo. Dahil sa'yo muntik na tayo malate." sabi ko sa kanya na di sya hinaharap o tinitingnan sa mata.
"Sorry na Elli. Si kuya kasi may pinagawa pa sa akin." Alam kong nagpopout na namn sya. Lagi nya kasing ginagawa ang pagpout pag nag-aaway kami eh.
Actually mabait naman ako, may pagkaluka-luka nga lang. Kaya naman mahirap ako pakisamahan. Isa kasi akong malaking joke. -3-
"Hay naku! Ano pa nga ba!" Nakapalumbaba lang ako sa desk ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Yey! I'm so happy that you are not mad at me!" Niyakap na lang nya ako pero di ko pa din sya tinitingnan.
Maya-maya pa'y may napansin ako sa corridor sa labas ng classroom namin.
Teka si Drake ba yun?
Narinig ko ang tilian ng mga kaklase ko na makita si Drake na nasa labas ng room.
Nag-aalangan pa ako kung sino yung lalaki dahil ang laki ng pinagbago nya after ng sembreak namin.
Di nga ako pwedeng magkamali. Si Drake Jasper Palma nga ang nakita ko.
Gwapo si Drake, matangkad at kinahuhumalingan ng maraming babae dito sa campus namin. Ewan ko nga ba, ako lang yung inis na inis sa kanya.
Habang nakatitig lang ako sa kanya ay napansin nya siguro na nakatitig lang ako sa kanya kaya naman bigla kong iniwas ang tingin ko. Napansin nya siguro na may nakatingin sa kanya.
Kinakabahan tuloy ako.
"Hoy Elli! Nakikinig ka ba? Kanina pa kita kinakausap. Nakita mo lang si kuya tulala ka na agad" bigla na lang ako natauhan nang magsalita si Cass.
"Huh? A-a-ano ba yung sinasabi mo kanina?" sabi ko na may pag-aalinlangan.
"Ano ba kasi yung tinitingnan mo sa labas?" sumilip din sya sa bintana na para bang may hinahanap.
"Ahhh w-w-wala lang yun. Lutang lang isip ko. Teka, di ba may sinasabi ka kanina?" pag-iiba ko ng topic.
"Ahh oo, sabi kasi ni mommy bago ka daw umuwi, daan ka muna sa bahay. Dun ka na daw muna magdinner since wala daw parents mo at saka may magaganap kasi na salu-salo. Para makita mo din si kuya...." sabi sa akin ni Cass na may lahong nakakalokong ngiti.
"Huh!!? Pinagsasasabi mo Cass! Wala akong gusto sa kapatid mo noh at saka nababadtrip ako sa kanya." kinuha ko ang libro ko at binuklat ito.
"Hanggang ngayon pa rin ba Elli eh ang laki na ng inis mo kay kuya." natatawang sinabi nya.
"Papaano ba naman di ka maiinis ang yabang-yabang ng kapatid mo. Tapos akala mo kung sinong magaling." tumingin ako sa labas ng bintana para mawala ang inis ko dahil naging topic pa namin kuya nya.
"Basta mamaya Elli, sabay na tayo pauwi sa bahay." umupo na si Cass sa kanyang upuan at ako malalim pa rin ang iniisip.
Naisip ko bigla ang rason kung bakit ang laki na lang ng inis ko sa kapatid nya. Pero wala ako matandaan.
5 years ago..
Yes it was been 5 years...
Nagising na lang kasi ako nakaratay sa isang hospital bed. Ang tanging tao na nandun ay si Cassie at ang kanyang kuya.
Cassie was my best friend since birth. Matagal daw na kasi magkaibigan ang mga parents namin kaya naman nahawa na rin kami ni Cassie.
6 months na daw akong comatose that time I woke up. Pinilit kong maalala ang nangyari pero kahit isa walang pumasok sa isip ko.
That's the time din na dinalaw ako ni Drake. We both had a huge fight na di ko na rin alam paano pa kami magkakaayos.
Probably, it is for the best. Since marami na syang worshipers na nakapaligid baka paginitan pa ako pag naging kaclose ko pa sya.
But just to think, I cannot remember kung naging close nga ba talaga kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
A Vampire Love
VampireHandsome, fair skin, shinning beautiful eyes and ofcourse he has these fangs! That's how I describe Drake Palma. The known vampire cassanova and my master. He protects me and cares for me though i'm just a slave to him. Cold sya sa ibang tao, habang...