Chapter 8
A Taste of Something New
“Don’t forget to be on your utmost behavior next week, before break. You need to look good for your School ID Pictorials,” paalala ng last Prof namin ngayong hapon.
Tahimik lang akong napakagat sa labi habang nagsigawan naman ang iba at nag-hagikhikan. Lahat sila ay excited para bukas dahil…sino naman ang hindi ma-e-excite? We are going to be photographed. Lahat siguro ay excited maliban sa’kin. The thought of being photographed in front of many other people terrified me.
Social anxiety sucks. Big time.
Dahil uwian na ay tahimik lang akong nagligpit ng gamit habang hinihintay ang lahat na lumabas na ng room. Ramdam ko ang matutulis na tingin ni Irana kasama ang kaniyang mga alipores nang dumaan sila sa gilid ko papunta sa labasan. They were giving me dagger stares and hurtful murmurs.
“Feel na feel pa niya talaga ang pagiging girlfriend ni Damian Vergarra!”
“Hindi naman pala totoo!”
“As if naman talagang papatulan siya ‘no? For all we know, baka pinilit niya si Damian. The nerve!”
“Hindi raw girlfriend pero palagi namang mag-kasama. Halatang pinipilit talaga!”
Kinuyom ko kaagad ang mga kamay ko sa ilalim ng armrest ng upuan ko habang isa-isa nila akong nilagpasan. I tried so hard to keep myself unbothered by them at nagawa ko naman. Pumikit nalang ako ng mariin para pakalmahin ang sarili ko. Nang binuksan ko na ang mga mata ay ako nalang ang tao sa room.
Mas lalo ko lang ikinuyom ang mga kamay. I want to retaliate so, so bad.
None of what they said was true! Ni hindi ko gustong paniwalain ang mga tao na girlfriend niya ako. Heck, nor did I ever dreamed of it! At hindi ko siya pinilit! Nakalimutan na ba nila na siya mismo ang nag-deklara na boyfriend niya ako? Did he show any signs of coercion? No, of course! In a matter of fact, I am clueless of it all! Ni hindi ko alam na kumalat na pala ‘yon!
I thought clearing the whole situation was impossible. But all it takes was one phone call from Damian. I also thought it would do me good but I was wrong. Noong nagdaang araw ay hindi ko pa masyadong napapansin ang mga tinginan ng mga tao tuwing naglalakad akong mag-isa simula noong nagkaroon kami ng relationship issue, ngayon ay pansin na pansin ko na.
The whispers and the stares are so bold that it always freaks the hell out of me! Tatlong araw palang simula noong nag-usap kami. At simula noong araw na ‘yon ay hindi niya na ako nilubayan. He was always seen with me. No wonder the criticisms about me worsened. Sa inis ko ay padabog kong inilagay ang ibang notebooks na hindi pa nailagay sa loob ng aking tote bag bago tumayo para umalis na.
The room is silent already dahil nga mag-isa nalang ako. I was about to take another step forward towards the exit when I saw a well-built and lean figure enter the room. Hindi ko pa masyadong nakita ang pagmumukha niya dahil sa liwanag ng araw sa labas kaya nanliit ang mga mata ko. Its head moved from one corner to another na parang may hinahanap siya.
“Suzette!” that playful baritone voice is enough for me to distinguish who that person is.
Damn it.
“Akala ko hindi na kita naabutan.” komento niya at nagsimula nang mag-martsa patungo sa kinatatayuan ko.
Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatingin sa papalapit niyang pigura sa’kin. His grey graphic sweaters complimented his dark denim pants and white sneakers. His mullet hair is, as usual, perfectly disheveled as it dances whenever he moves. Amoy ko na kaagad ang pabango niya lalo na nang nakalapit na siya sa’kin.
BINABASA MO ANG
Against the Decalogue (Velez Series #2)
Novela JuvenilVelez Series 2 of 4 Hungry for freedom, Suzette Matrix Velez-Cañesarez found herself living each day in a less enthusiastic manner. She felt like every single day is still the same as yesterday and there's nothing to look forward to. Being a daughte...