Kabanata I

144 3 0
                                    

Tamad, balewala ang buhay, buhay barkada, walang patutunguhan, palaging may kaaway, walang matinong kaibigan at sakit sa ulo ng magulang at teacher. Yan na ata yung mga bagay na mailalarawan sa tulad kong highchool student. Papasok sa eskwela, mag cucutting din naman. Wala akong bisyo pero walang patutunguhan ang buhay ko. Madaming nagtatanong kung nasan ba ang mga magulang ko? Kung pinalake ba at tinuruan ako ng magandang asal etc. Ang sagot ko? Oo, nandyan sila naibibigay naman nila lahat ng makakaya nila. Matinong trabaho, sweldo pero may bagay na wala sila. Yun ang atensyong dapat ibinibigay nila.

Ako nga pala si Warren. 3rd year highschool na, syempre marami akong kalokohan. Palagi nalang akong teacher's pet lalo na kapag walang assignment, papel, ballpen, notebook, quizzes, project etc. Lahat na! In short tamad ako pero hindi ako bobo. Tamad akong mag aral, tamad akong gumawa ng pinapagawa ng teacher ko sakin. Daily routine ko na ang mag laro ng computer games instead na magbabad akong magbasaa ng libro para madagdagan ang kaalaman ko.

Lunes
12:30 na ng tanghali pero hindi parin ako nagbibihis.

"Warren?! Ano ba papasok ka ba o hinde?"

"Ewan ko ma! Tinatamad ako e."

"Wag ka nalang mag aral pag ganyan! Sayang lang yung mga pagod at hirap namin kung ganyan ka rin naman!" Ayan na naman si mama, tatalakan ako ng walang humpay. Bakit kasi hindi nalang siya sumali sa fliptop battle baka manalo pa siya.

"Oh ano? Magdesisyon ka na! Malalate ka na may flag ceremony pa kayo!"

"Eto ba nga kikilos na eh." Diretso kain, ligo, toothbrush sabay suot ng unipormeng kakaplantsa palang ni mama. 15 mins ko lang nagawa oh diba astig?

"Alis na ako ma. Baon ko?"

"Oh" sabay abot ng singkwenta pesos.

"Bakit 50 lang? Ano mabibili ko neto?"

"Mabuti nga meron eh yung ibang bata nga pumapasok kahit walang baon eh ikaw maswerte ka pa nga, nung araw hindi kami nakatikim ng ganyan piso lang baon ko galing pa sa--" pinutol ko yung pag kwekwento ni mama na halos araw araw nalang lagi niyang sinasabi s akin.

"Oo na ma! Alis na ako!"

"Ingat warren! Wag kang magpapasaway!!"

Habang nasa daan,
Late na ako ng 10 mins sa first subject naming MAPEH. Pa easy easy lang akong naglalakad sa daan na para bang nasa gitna ng bwan, ninanamnam ang bawat sandaling paglalakad ko sa konkretong daan.

At kung kailan malapit na ako sa school, ayon! Nakalimutan ko yung I.D. ko! -_-

"No I.D. no entry"

Naka paskil dun sa labas ng gate ng school.

Dumeretso padin ako. Bigla akong pinituhan ng guard.

"Hoy boy? Nasaan I.D. mo?"

"Nakalimutan ko po e."

"Labas ka kung ganoon, isulat mo pangalan mo dyan."

"Pero late na ako!"

"Wala akong pake basta isulat mo pangalan mo dyan!"

Sa sobrang inis ko, naalala ko yung kinaiinisan kong kaklaseng lalake na sobrang gago sa room, nakakabwiset yung mukha eh. Sarap suntukin hanggang sa mapagod ka. Syempre mabait ako, isinulat ko yung pangalan niya.
Cristopher Ferrer
III-Alluminum
"To na ho!" Sabay abot nung 1/4 na papel sa guard.

"Pasok na."

Tumakbo na ako,

Nasa kalagitnaan ng pag di- discuss si Ma'am Patente

"Goodafternoon maam, sorry I'm late."

"Ano bang bago Mr. Sarrosa?"

"Eh kasi.."

"Sitdown! We'll have our quiz today. Get 1/4 sheet of paper, write ypur name and the date today."

Malas! Wala akong papel. Ito na naman ako! Kalabit penge.

"Pst! Anna! Pengeng papel!"

"Ulul! Ayoko nga parang nung Friday lang binully mo ko kapal mo dyan ka na pweh!"

"Please naman! Tangina naman nito parang hindi kaibigan!"

"Kaibigan lang pag may kailangan!" Aba tinarayan pa ako ng Anna Na to! Pag ako nagka papel di ko bibigyan tong kumag na to!

"Please?"

"Oh ayan!"

"Shut up Anna and Warren! Tama na yang love quarrel niyo.

"Ayiiiieeeee!" Sigaw naman ng mga kaklase naming epal.

"Pweh. Tigilan niyo ko!"

"Yay pikon! Baka kasi ako gusto mo Warren?" Sabat ni Cristopher

"Oh? Baka ikaw? Ikaw nakaisip eh, alam mo yung mga kabaklaan mo wag mo sinisisi sakin."

"Gusto niyong i guidance ko kayo?"

Sinimulan na ni maam Patente yung quiz sa health, pero hindi ako gumawa.

Time na nya. Next subject naman ay English. Psh. Boring tong si Sir Calvin mag turo, yung tipong babasahin nya lang yung handouts sabay pasasagutan sa mga estudyante. Kung ako yung head ng subject nya baka nabara ko siya. Pero, siguro dahil nakakaurat nga namang ulitin ang mga lesson ng 6 na beses sa isang araw sa ibat ibang mga seksyon eh tatamarin talaga ako. Kaya na fefeel ko din naman siya.

Oras ang lumipas at nag recess na.

Hindi ako bumababa sa building pag magrerecess. Tinitipid ko baon ko, pang level up games din to tsaka pang computer. Though, may computer naman sa bahay pero mas gusto kong dumayo sa ibat ibang computer shop.

Lumapit tong si Anna sakin

"Hoy! Bakulaw!"

"Oh? Ang childish mo? Bakit hindi ka nag aral sa kinder garten imbis na nasa highschool ka?"

"Kapal mo!"

"Oh yan ka na naman!"

"Sorry nga pala kanina, ikaw kasi eh.. Palagi mo nalang akong binubully.."

"Ah. Ayos lang. May sakit ka ba?"

"Bakit? Di ka naman ganyan eh." Painis na sabi ko.

"Che!! Hindi ako gaya mo no!" Sabay taray.

"Alis ka na nga. Bawal pandak dito!"

"Yabang mo ah! Ilan ka sa quiz?"

"Di ako gumawa."

"Wow! Sipag! Industrious award goes to.. Warren Sarrosa!"

"Mag recess ka na nga kasama yung mga friends mong maharot pa sayo."

"What!!! Bye!! Suplado!"

"Bye pandak! Get lost forever!" Tumalikod siya tapos biglang humarap.

"Walang forever Warren!"

Habang nakaharap siya pinakyuhan ko,

Lumipas ang 4th,5th at 6th subject pero nag cutting lang ako.

Nung bandang 6:30 pm umuwi na ako. Kumaon at natulog.

Kwentong HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon