Simula

2 0 0
                                    

April 3 2003

Sabi nila kapag nakagawa ka raw ng isang libong paper cranes, maari kang mag-wish at iyon ay matutupad.Narinig kong sinabi ng katabi ko kanina sa jeep.  Totoo ba iyon? Gusto ko sanang subukan. Pero may malaking problema! Hindi ako marunong gumawa ng paper cranes!

Sinusubukan ko kanina habang nagkaklase si Madam Uy ng Geometry. Ngunit nakita niya akong nagtutupi-tupi ng papel kaya tinawag ako ng matandang iyon! Pinagsagot tuloy ako sa harap!

Buti na lang matalino ako! Kayang kaya kong sagutan ang quadratic equation ng rectangle, kahit pa nakapikit. Hayst, ang yabang ko talaga kahit kailan. Oh, wag mong sabihin iyon ah. Secret lang natin.

Ang layo na ng nasabi ko, siya nga pala. Alam mo ba, kanina habang nagsusulat  ako sa harapan. Nakita kong nakatingin sa akin si Keno. Nakakunot yung noo tas nakataas ang kilay.

Nakakainis siya! Alam mo ba yung nangyari last week! Hindi ko pala nasabi sa iyo. Last week, kinuha niya ang notebook ko at ginawa itong scratch paper! Ano bang akala niya sa notebook ko? Mumurahin?! Sparkling kaya itong notebook ko! Hindi ko pinapansin at tinatarayan ko kapag nakakasalubong siya.

At ngayon, nagsusulat ako dahil gusto kong sabihin sa iyo na gagawa ako ng isang libong paper cranes! Mahirap iyon at matagal pero gagawin ko!

Gusto kong magwish kahit alam kong mahirap iyon matupad. Kaya nga wish eh, dahil napaka-imposible.

Love,
Ashira

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paper Cranes Where stories live. Discover now