Chapter 13:His story

45 2 0
                                    

Chapter 13

Hindi ako makatulog. Kainis ka kasi Dale eh. Lumalandi tuloy ako. Lahat dahil sayo. Kinikilig at iniisip kita. Hindi ako makatulog dahil din sayo Ivan Dale Kano. Patulugin mo naman ako. Biglang tumunog ang cellphone ko. New message galing sa unregistered number. Si Dale siguro.

'Hindi ako makatulog. Dale 'to. Dont txt back.'

Natawa ako sa message niya. Hindi ko talaga siya mate-text back kasi wala akong load. Parehas pala kami. Bigla kong naisip ang sabi-sabi na pag may nag-iisip sayo di ka makakatulog. Totoo kaya?

***

Walang pasok kaya full time ako ngayon sa restaurant. Madaming nagde-date na mga couple kahit di Valentine's isa sila Keir at Mandy. Ako ang kumuha ng order nila.

"Hi, Mr and Mrs Raymundo."sabi ko. Hinampas ako ng mahina ni Mandy.

"Yung most recommended niyo nalang order namin."sabi ni Keir.

"Be sure na masarap yang most recommended niyo ah."sabi ni Mandy.

"Panigurado yun noh."sabi ko at pumunta na sa kusina. May biglang nag-text sakin. Unregistered number.

'We need to talk. Go to back of this retaurant tonight. -Keir'

Ano kaya gusto niyang pag-usapan namin. Tungkol siguro sa kapatid niya at kay Mandy. Lagi naman kasi iyon ang topic namin eh.

***

Tapos na ang shift ko. Lumabas ako sa likod ng restaurant. Nandoon si Keir.

"Anong pag-uusapan natin?"tanong ka.

"Wanna hear a story?"tanong niya. Ano ba yan english siya ng english. Sarap sabihan ng 'filipino ka pre'. Tumango nalang ako.

"Punta muna tayo sa may playground."sabi niya. Naglakad kami papunta sa playground. Pagkarating namin, umupo siya sa swing, ganun din ako. Umupo sa katabi niyang swing.

"Tungkol kay Raynald 'to... Bata pa lang kami ni Raynald, nagpapanggap na siya. Hindi naman kasi talaga siya iyong tipo na matalino, masipag at masayahin. Kilalang-kilala ko siya dahil siyempre close kami at kambal kami."sabi ni Keir.

"Ano ba kasi ang tunay na Raynald?"tanong ko.

"Siya ang tipo na tamad, may pagka-clumsy at matatakutin. Nagbago siya dahil sa isang babae na ubod ng talino,maganda at masayahin. Gusto niya kasi. Ewan ko ba pero dahil sa isang babae nagbago siya. Ang dating Raynald na puro pagtanong ang nasa isip at takot sa lahat ng bagay nagbago. Dahil din sa babae namatay siya."malungkot na sabi ni Keir.

"Kwento mo lahat from the start. Kahit mahaba pa okay lang."sabi ko.

"Noong bata pa kami, lagi na kaming mag-kasama, kasundo kami sa lahat. Noong 10 years old kami, na-inlab daw siya sa isang babae na umakyat sa stage dahil may natanggap na karangalan. Hindi niya nga kilala yung babae pero na-inlab siya. Nagbago siya, nagsipag. Tapos nang nag-15 kami naging pala barkada at happy go lucky. Hindi na rin siya nagsasabi sakin. Tapos nang namatay siya problema pa binigay niya sakin."sabi ni Keir.

"Bakit ba siya namatay?"tanong ko.

"Accident, galing siya sa isang date tapos nasagasaan."sagot ni Keir.

"Bakit mo sinalo ang tungkol kay Mandy?"

"Dahil ayokong makita ang babae na umiiyak dahil kay Raynald, ayoko matulad si Mandy sa nanay namin na halos mamatay nang malaman na namatay ang isa sa miyembro ng pamilya namin na kayamanan niya."sabi ni Keir.

"Tanong lang. May nararamdaman ka na ba para kay Mandy?"tanong ko.

"ewan ko."sabi niya at tumayo.

"Kung magkakagusto ako sa kanya, gusto ko ipaalam na ako si Keir, ang lalaki na nagmamahal sa kanya. Gusto ko ipaalam lahat kung magkaka-gusto ako sa kanya."sabi ni Keir. Tumayo rin ako.

"Saludo ako sa love story ng KAndy."sabi ko. Biglang tumahimik. Umupo uli si Keir sa swing.

"I want her to love me the real me."sabi ni Keir at tinignan ako sa mata.

"She will."sabi ko at tumayo na.

"Lahat ng nangyayari ngayon ay may dahilan. If your meant to be then fate will do a way for you to be with each other."sabi ko at lalakad na sana paalis kaso pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa kamay.

"May mahal akong iba bago pa man dumating yang tungkol kay Mandy. May balak akong sabihin sa kanya."sabi ni Keir at binitiwan ako.

Bakit niya sinabi iyon sakin? Sino ba ang mahal ni Keir?

"Impossible namang ako."sabi ko nang maisip ang mga panahon na tinutulungan ako ni Keir kapag kinukulong ako sa classroom ng mga classmates ko.

***

Kinabukasan, pagdating o sa classroom. Walang tao. Late ba ako? Maaga pa ah mga 6:50 palang yata. Lalabas sana ako sa classroom nang makita ko si Sky na nakaharang sa pinto.

"Basura, usap tayo."sabi ni Sky.

"Anong pag-uusapan natin?"tanong ko.

"Gusto ko lang malaman mo na porket may Dale, Mandy at Keir ka nang kaibigan hindi ka na masasaktan. Pwede ka nilang pagtaksilan. "sabi niya.

"Paano mo naman nasabi yan?"tanong ko.

"Advice lang ito. Alam ko hindi tayo friends."sabi ni Sky at tumalikod na.

"Pero I care kahit na inaapi kita noon. By The Way, sa gym tayo may exhibit ang science club."sabi ni Sky at umalis na. Did he just confessed? Baka hindi naman at asyumera lang ako. Pumunta na ako sa gym.

"Uy, kailan kasal natin?"sabi ni Dale, na lumapit pagkarating ko.

"Loko, Bakit mo ginawa iyon?"tanong ko. Ang pinatutungkol ay iyong kiss.

"Regalo mo sakin iyon di ba? Hahahaha."sabi ni Dale. Hinampas ko siya sa braso ng mahina.

"Kainis ka."sabi ko at tinignan nalang ang human skeleton na naka-display.

"Doon tayo sa may display ng solar system."sabi ni Dale na tinatakpan ang mata para di makita ang skeloton.

"Ayoko, dito lang ako."sabi ko. Hinihila niya ako papunta sa solar system.

"Ayoko nga eh."sabi ko at kumalas sa hawak niya. "Bakit takot ka ba?"

"H-Hindi noh."sabi niya.

"Tanggalin mo kamay mo sa mata mo."sabi ko at pinipilit na tanggalin kamay niya. Tinanggal niya ang kamay niya sa mukha niya. Pagkatanggal niya ay dumilat siya at biglang nagpapawis at nanlalaki ang mata. Bigla nalang parang nahihirapan huminga.

"Dale, okay ka lang?"tanong ko. Hindi siya sumasagot. Inulit ko ang tanong ko. Hindi pa rin siya sumasagot. Tinakpan ko ang mata niya.

"Okay na? Humarap ka sakin dahan dahan."sabi ko. Humarap siya. Tinanggal ko na ang kamay ko.

"Bakit di mo sinabi takot ka sa skeleton?"tanong ko.

"Ayoko lang mag-alala ka. Tara, doon na tayo sa Solar system."sabi ni Dale na parang walang nangyari. Sana di ko nalang siya pinilit. I feel guilty.

Calling. Cannot be reach.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon