"Sssh, Tahan na...."
Kung maka-ilang beses na ba akong bumuntong-hininga ay hindi ko na rin alam. Kahit na namumugto ang mga mata at nanlalabo ang paningin dahil sa patuloy na pag-iyak, nilingon ko parin ang nagsalita at lalo lang nangilid ang luha sa mga mata ko nang malaman kung sino iyon
"Kizer..." I murmured.
SOMEONE'S P.O.V
Matagal ko nang boyfriend si Kizer. Halos magpi-pitong taon na ang aming relasyon, nagawa na n'ya akong ipakilala sa kanyang mga magulang. Gano'n din naman ako. Payag naman ang mga magulang namin sa aming relasyon.Nagsimula ang aming unang pagkikita, way back 2014. Pareho kaming mag-aaral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, sa Maynila. Bata pa lamang ako'y hilig ko na ang pagsa-sayaw, nakakasali na din sa mga dance competitions. Mapa-grupo man o solo.
Since mahilig ako sumali sa mga extra-curricular activities ay hindi na ako nag-dalawang-isip pang sumali sa Dance Club.
First-briefing ng dance club na sinalihan ko noon. Nagpapakalat naman ng attendance sheet ang head ng club noong mga oras na iyon. Sa bawat madadaanan nito, kina-kailangang mai-sulat ang buong pangalan, room at year sa college.
Dahil first-briefing at pagkatapos ay audition, madami-daming estudyante ang sumubok na dumalo. Ngunit ka-onti lamang ang mga mapapalad na mapipili upang mapabilang sa club na iyon.
Matapos ang pag-a-attendance ay isa-isang tinawag ng head ang mga pangalang naka-sulat sa papel. Sa bawat matatawag ay kina-kailangang pumunta sa harapan at sasayaw.
S'yempre, bilang suki na ako sa mga ganitong bagay ay hindi na ako nagulat pa. Habang naghihintay at nakaupo sa isang sulok, kasama ang mga kumpol-kumpol na nais mapa-bilang sa Dance Club na iyon. Paglingon ko sa aking tabi'y agad namang naka-agaw ng aking buong atensyon
"Kizer Talavera" pagtawag ng head sa pangalang naka-sulat sa papel na nasa kanyang palad.
Tumayo naman ang lalaking nasa tabi ko at nagtungo sa harapan. As usual, sasayaw siya. Nang mag-umpisa ang tugtugin ay nag-umpisa na itong sumayaw. Ka pansin-pansin naman na lahat ng taong nandoroon maging ang head ng club, ay naka-pokus lamang sakanya. No wonder, bukod sa ang husay nitong sumayaw ay napaka-gwapo din nito.
Mukhang may lahi, Aaaacck!
Habang pinagma-masdan ko ito, tila ba'y ang mga espada ng orasan ay huminto. Ang paggalaw at mga bagay na nasa paligid ko ay nagsimulang bumagal ang mosyon.
Ang kanyang bawat galaw maging ekspresyon nito. Ang bawat bawat anggulo ng kanyang mukha, ang tangos ng kanyang ilong at kaypungay ng mga pilik mata......
Matipuno at makakapal nitong kilay at ang kumikislap nitong mga mata. Para bang iyong malinaw na tubig ng ilog kapag natatamaan ng sinag ng araw!
At panghuli, ay ang labi nitong napaka-ganda ng hugis at kaylambot tingnan. Para bang nang-aakit na iyong halikan.Bigla naman akong napa-hinto sa pag-katha nang mag-umpisang magpalak-pakan at maghiyawan ang mga tao. Tapos na pala ito sa pagsasayaw at siya'y napili ng mapabilang sa Dance Club. Kitang-kita naman ang malaking ngiting naka-pinta sa mukha nito.
Pagbalik nito sakanyang pwesto, sa aking tabi. Tinawag naman ang aking pangalan.
"Ms. Astrid Locsin, will you please come forward and show us your moves" aniya. Agad naman akong tumayo at nagtungo sa harapan.
Pagtindig ko sa harapan ay pansin ko'ng ang lahat din ay naka-pokus sa'kin. Nagtama pa nga ang aming tingin, ngunit umiwas naman ako ka-agad.
"Okay, you may start!" hudyat ng head club.
Pagtugtug ay nag-umpisa na din akong gumalaw at nagpakita ng moves. Bilang nasanay na din ako sa mga gan'to ay yakang-yaka ko na itoh.
Buong kumpyansa akong sumayaw at ni-namnam lamang ang tugtog. Ang iba pa nga'y napapansin kong napa-pasunod ang kompas sa aking pagsayaw. Habang ang iba pa nama'y sina-sabayan ng palakpak ang beat nf tugtog.
Nang marinig ko na ang huling beat ay sinabayan ko ito ng pang-malakasan na moves. Na siya namang ikina-tuwa at ikina-mangha ng lahat.
Naghiyawan at nagpalak-pakan ang mga ito. Nang magtama na naman ang aming tingin ay nginitian at pinalak-pakan din niya ako.
"Impressive! Ms. Locsin" pagbati sa akin ng head ng club.
Nagpasalamat naman ako at nginitian ito.
Kalaunan ay nagkaroon naman na kami ng mga pag-eensayo after-class na tumatagal ng 2 oras. Nakapag-tanghal na din kami sa iba't-ibang okasyon/celebrasyong nagaganap sa aming unibersidad. Naging ka-duo ko na din si Kizer sa marami ng pagtatanghal at naging malapit na din kami sa isa't-isa.
Sa katunayan, kahit weekends ay nagkikita pa kami para mag-ensayo ng mga bagong trends na sayaw at moves.
Bukod sa pagiging dance-buddies namin sa isa't-isa, life buddy ko din siya kung maituturing. Kapag may mga problema ako lagi lang s'yang nasa tabi ko para palakasin ang aking loob.
Napaka-sweet at caring n'yang kaibigan. Sa katunayan pa nga niya'y siya lamang ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng parents ko. Hindi ako makakalabas ng bahay kung hindi siya ang kasama.
Kung maka-ilang beses na ba niya akong nakitang tumangis, ay hindi ko na din alam. Ganoon din kung maka-ilang beses na niyang pinunasan ang aking mga luha.
He never failed...he never failed to save me through the days where i can't even save myself.....
THIRD PERSON P.O.V
Sa 'di kalayuan, ay matatanaw ang isang babae at lalaking papalapit sa isa't-isa.
Para bang kaytagal nitong hindi nagkita.Sinalubong ang isa't-isa ng isang mahigpit na yakap.
Humalukipkip naman ang babae at napa-pikit. Nilalabanan ang mga nagpu-pumiglas na luha sa kan'yang mga mata.
Kasabay ng pagbuhos ng ulan, ay s'ya din'g pagbagsak ng kumakawalang-luha sa kanyang mga mata. Ramdam ang init ng katawan sa isa't-isa.
Para bang uling na patuloy na nagbabaga sa malalaking tipak ng yelong nakabalot dito. Apoy na patuloy ang paglagablab sa kabila ng malalakas na hupas ng hangin at ulan.
Patuloy lamang ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naka-kulong sa mga bisig nito.
Tumunog naman ang isang musika sa radyo ng isang bahay. Tahanan by munimuni.
Hanggang dito na lamang
Ang iyong mga luha
Tama na
Tahan na"Sssh...Tahan na...."
Kung maka-ilang beses na ba itong bumuntong-hininga ay hindi na rin niya alam. Kahit na namumugto ang mga mata at nanlalabo ang paningin dahil sa patuloy na pag-iyak, tiningnan parin nito ang nagsalita at lalo lang nagpatuloy sa pagluha.
"Kizer...." paghikbi nito.
Hihilumin
Ang iyong mga sugat
Pighati'y
Wakas na"Sssh, It's okay....Iiyak mo lang 'yan andito lang ako ha...I'll be your crying shoulder, always."
"L-lagi nalang g-ganito. Ang s-sakit-sakit n-na! N-nakakap-pagod na na!" pasigaw at nauutal nitong sabi dahil sa patuloy parin nitong pag-iyak.
Nilapat naman ng lalaki ang kanyang mga kamay sa pisngi nito, at pinunasan ang luha.
Pagkatapos ay minasdan niya ito sa mga mata.Mga himig na inilaan sa'yo
Kunin at ibaon sa puso mo
Bagong araw ay paparating
Hintayin ang pagkakataon"Astrid you're such a precious flower that should be love and taken care of....
In a world full of pain and sorrow.... Astrid, let me be your home. Hayaan mong ako ang maging rason ng iyong pagtahan, hayaan na ako ang magsilbi mong t-tahanan...."Nandito lang ako
Umaakay sa'yo
Nandito lang ako
Naghihintay sa'yo
———————————•
BINABASA MO ANG
Stray Soul(one-shot story collections)
Short StoryLooking for random stories? You might've wanna read my ongoing collection of oneshot stories❣️ Different stories from different characters but they all have one thing in common. Their all denominator is "love"...