Chapter 28: Note

26 2 0
                                    

Ivan's POV

Ilang araw matapos nang iwan kami sa silid aralan ni Sir  Apollo para makapaghanda sa dadating na patimpalak .

Hindi man kami magkasundo sundo sa una ngunit nairaos namin ang lahat kahit na sa bawat ideyang naiisip ay kinokontra ng lahat. Pero, mga babae lang talaga ang tumututol sa ideya dahil mataman lang kaming nakatingin sa kanila habang mababakas ang disgusto sa mga mukha namin .

Marahil ay dahil iyon sa mga sitwasyon na kinasasangkutan nila . Baka nga talaga hindi pa nalilinaw ang lahat pero nakakatuwang isipin na muling magkakasama na ang tatlo.

Si Monica,Ericka at Alexa . Mukhang naayos na nila ang gusot sa pagitan nila . Naplano namin ng matino ang lahat .

Tatlong araw mula ngayon magaganap ang patimpalak at alam kong lahat ay handang handa na para sa mga kandidato at kandidata ng patimpalak na ito .

Naglalakad ako pabalik sa room  ng makarinig ako ng dalawang taong nag uusap . Dadaan ako sa isang abandonandong siilid aklatan ng Barcelona dahil malapit doon ang locker na naassign sakin ng makarinig ako ng mga boses . Nagtaka ako sapagkat walang tumatambay sa lugar na ito . At kung pupunta ka sa locker room ay madadaanan mo lang iyon kaya mas katanggap tanggap kung sa locker room sila mag uusap .

Dahil sa kyuryusidad ikinubli ko ang sarili ko . Hindi ko mamukhaan ang mga boses nila pero alam kong narinig ko na .

Agad akong nagtago sa likuan ng pasilyong iyon malayo sa kanila upang hindi nila maramdaman ang presensya ko .

"Nice Acting huh?" Muling lintanya ng isang babae

"Cut that crap bitch . What do you want ? I have many things to do ." Tugon naman sa kanya ng kausap niya ding babae . Naguguluhan man ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pakikinig sa kanilang dalawa

"He texted me and there's a change in a plan . He said that Alice might be a big problem to us" mas lalo akong naguluhan ng marinig ko ang pangalan ni Alice . Ano na namang kinalaman niya dito?

"Okay then,What now?" Muling tugon nito .

"He want to meet us . Same place,Same time" wala na akong narinig pa kundi ang tunog na lamang ng stilleto nitong sapatos palayo . Paalis na ko sa kinukublihan ko at magsisimula nang maglakad ng makabangga ko si Alexa .

Alexa ? Huh teka . Siya ba yung kausap ng babae kanina?

Tumingin ako sa mukha ni Alexa at napansin ko kung paano mamuo ang butil butil na pawis sa kanyang noo .

Gaya niya ay bakas din ang butil sa mga noo ko

"K-kanina-a ka ba d-yan?" Tanong niya sakin habang mautal utal niyang tanong sakin

I composed myself and act as usual self .

"Nope,galing lang ako sa locker room and I was going back to our room . See you there"

Hindi ko na hinayaan pang tumugon siya sa sinabi ko dahil kinakabahan ako kung nagdududa nga ba siya sakin . Kaya agad na akong umalis doon para makaiwas. Ayoko muna mag conclude dahil hindi ko pa sigurado . Kung siya nga iyon at kung sino ang babaeng kausap niya .

Dahil sa pag iisip ko ay di ko namalayan na may nakabangga akong babae. Agad nitong inayos ang kanyang mga gamit atsaka umalis na .

Pero habang tumatakbo ito ay may isang maliit na pulang papel ang nahulog mula sa mga gamit nito . Dinampot ko ito at panandaliang tiningnan .

Hindi agad ako nakakilos dahil sa nabasa ko .

"Hindi lahat ng kaibigan mo ay mapagkakatiwalaan , at hindi lahat ng napagkakatiwalaan ay kaibigan. Mga bagay na dapat tandaan mo sa pagprotekta sa kanya,Ice."

Nanlaki lalo ang mata ko ng mabasa ang pangalan ko sa pinakahuli ng sulat na iyon . Agad kumabog ang dibdib ko at alam kong ang tinutukoy nitong "kanya" ay walang iba kundi si Ericka .

Lalo lang gumulo ang pag iisip ko . Pero isinawalang bahala ko na lamang ang sulat na iyon pero hindi ang pagprotekta ko sa kanya.

Yun na lang ang kaya kong gawin sa ngayon .But where this  Note come from ? is this a death note or just a warning ?

✂ -------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:: Chapter 28 released. Tae mukhang mapapahaba Whahaaa enjoyy reading . Ge Vote•Comment

-fmijastia

There's no turning back  (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon