Chapter 5
"Kyaaaa! Nagduet sila!"
"Wooo! Ang swerte ni Rhay pre!"
"Alam mo pala yon?" biglang sabi nya at umupo sa tabi ko sobrang dikit! Grabe naman to! Tumango nalang ako. "Favorite ko yun." masiglang sabi nya.
"I know." tipid na sagot ko. At natigilan sya napatitig naman ako sa kanya na gulat-na-gulat! "What?"
"Pano mo nalaman?"
"Ang alin?" inosenteng sabi ko at napalunok pa!
"Na favorite ko yan." sabi nya.
"Psh! Basta. Nandito kaba para mag practice?" change topic!
"Wala kaming klase ng dalwang oras kaya naman magpapractice ako. Tuturuan mo ako diba?" ngumisi naman sya na parang asong ulol!
"Mmm." tipid na sagot ko at tumayo at kinuha ang guitara na nandoon sa gilid. "Use this." sabi ko at inabot sa kanya. Agad nya namang pinakealam ang guitara kahit wala pang alam na chords.
"Paano ba to gamitin?" tanong nya.
"Tss. C Chords muna para madali." tinuro ko ang Chords C na madali lang tugtogin agad nya namang nakuha kahit may mali at sablay na tono. Mahirap talaga ang mag guitara sa simula kakakalyuhin ka at sasakit ang daliri mo. "Mali." usal ko habang nakatitig kay Rhay na mali ang ginagawa. "Wrong." biglang sabi ko! "Mali! Bakit ba ang hirap mong turuan? C, palang yan alam mo ba? Marami pang Chords! Kung yan lang ay talagang di ka matututo!" inis na sabi ko.
Agad naman syang nahiya at namula. Namula din ang gilid ng kanyang mata. "S-Sorry, wala talaga kase akong talent dyan ei. Kung gusto mo sa iba nalang ako magpapaturo." sabi nito at agad na tumayo.
"Tss. At kanino ka naman magpapaturo? Sigi nga." sabi ko at tumayo din iginala nya naman ang kanyang mata pero lahat ng nasa room ay busy sa kanilang sariling pag-papractice. "Umupo ka nga dyan. Makinig ka at pagikaw ay dipa naging maayos, hahalikan kita."
Hahalikan kita.Yan lang ang tumatak sa isip ko at talaga namang nagecho pa sa pandinig ko. Hahalikan nya ako? Ka swerte ko naman---
"Woi. Nagimagine pa ang ugok. Naniwala ka naman na hahalikan kita? Nasisira kana ba? Bilisan mo."
"Oo eto na.. Galit agad?" at nagtuloy sa pagpaparactice ng guitara agad ko naman nakuha ang Chords medyo masakit din sa kamay.
"Wrong." sita nya ang hirap naman ei! Bakit ba napasali pa ako. "Di mo ba gets? Nakakailang ulit na tayo sa Chords C! Ano?" inis na sabi nya.
"Ang hirap kase ei." napayukong sabi ko. At agad syang tumayo at pumunta sa likod at kinuha ang kamay ko at itnuro ang dapat kong gawin.
"Diinan mo sa bawat tipa mo." sabi nya at agad akong tumipa sa strings. Medyo nakukuha ko natapos na ang C ay napatitig ako sa kanya bigla syang tumingin sa akin at nakipagtitigan sa akin. "Good." sabi nya at ginulo ang buhok ko. Wala pang nakakagawa sa akin ng ganon. Sya palang, namula ako sa ginawa nyang iyon. Bakit parang ako ang babae at sya ang lalake? Ang weird! "Una na ako." dagdag nya.
"Ha? Oo sigi. Salamat." kandautalutal na sagot ko. "Ang cute mo." mahinang sabi ko ganon nalang ang gulat ko ng bumaling sa sa akin.
"Cute pala? Mas may icu-cute pato." nakangising sabi nya at tuluyang umalis. Napamaang ako doon. Totoo ang cute nya sa malapitan. Napahawak ako sa pisnge at doon kinilig!
YOU ARE READING
'Cuz I Love You
Ficção AdolescenteRhay, is one of the cuteboy of the campus, one of the soccer varsities. He became interested in playing the guitar so he thought of joining the Music Club. And there he will meet Az is a hot popular girl in campus and she was also one of the campus...