Swimming (Part7)

170 3 0
                                    

6:00pm na. Lahat kami naka pack up na. Lahat kami ready to go na. Hinihintay nalang yung sasakyan namin at sasakyan nila trixie.

Nagtataka siguro kayo bat 6:00pm? Hindi kami nag s-swimming ng daytime.

Everyone's very excited. Grabe, yung pinagplanuhan namin ng ura-urada matutuloy din.

"Guyyyys! Picture muna bago umalis!" Sigaw ni Jairah (sister of trixie)

Lahat kami automatic pose at compress.

*Click*
*Click*

*Beeeeep*

"Oh mga bata tara na!" Sigaw ni mang jester. Yung driver nila trixie kasunod yung sasakyan namin.

So ladadi dadi
we like to party
dancin with miley
doin' what ever
we waaaant🎶🎤

Para kaming mga palakang kumakanta sa sasakyan.

Ang saya talaga ng circle of friends ko.

Walang boring.

Walang paasa.

Walang malungkot.

Higit sa lahat

Walang masasaktan.
-----
@Celedonia blue water resort.

Masaya silang nag s-swimming. Ako? Nilalamig ako eh. Kaya umahon muna ako para magyosi.

*Teneng* *Bzzzt* *Teneng*

May nagtext sakin.

New message from: Aa.crush❤️

Hi zeilah, nasa celedonia daw kayo? Sabi ni trixie?

Nagreply naman ako.

To: Aa.crush❤️

Oo.
(*sent*)

Sabay di nagreply! Tss! Wala na talagang pag asa lovelife ko 😥

*Bzzzzt* *Bzzzt*

(Aa.crush❤️ is calling)

Me: Hello?
Him: Labas ka andito ako sa gate ng celedonia.
Me: Sige.

*toot toot*
*Call ended*

Tumakbo ako palabas.

Andun nga sya nakamotor.

I wave my hello to him.

"Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya pag lapit nya.

"Wala lang gusto kita makita eh"
Dugs dugs dugs. Parang may nag d-drums sa puso ko sa mga sinabi nya. Wag asado zeilah! May tamz yan!

"Kilabutan ka nga!" Sabi ko sa kanya sabay tawa ng malakas.

"Sige alis na ako ha? Umiinom kase kami ng tito ko. Dinaanan lang kita"

Tumango ako bilang tugon.

Agad naman syang umalis.

Pagpasok ko sa resort, umupo agad ako sa cottage nagsindi ng yosi.

Bakit ba kailangan pa magsabi ng ganun? Ano yun pa fall? O ganun talaga sya makipag kaibigan?

"Oh mas malalim pa sa pool iniisip mo" Andito nanaman tong mukang kabuteng kaibigan ko.

"Trix, nag momoment ako diba? Epal ka?" Tanong ko sa kanya.

"Yuuup! Seryoso! bakit? Ano meron?" Sabi nya saken.

"Eh yang nireto mo may girlfriend naman pala. Pa tams tams pa! Tsk" Sabi ko sa kanya ng medyo inis.

"Oh?! Eh di ko naman alam eh" Depensa nya sa sarili.

"Tanga di kita sinisisi" Natawa ako bigla sa muka ni trixie.

"Buti di pa ako na fall ano?" Sabi ko ng may pagka dismaya.

"Maganda ka, madaming boys jan tara na?" Hinila ako ni trix at nag swimming kami.

Mga ilang oras din kumain din kami.

Yung mga boys samin nag iihaw.

After a few minutes nagka yayaan na kami mag inuman.

"Tanggera ka jairah!" Sigaw ni tristan kay jairah.

"Wag na ako nlng!!!" Agad naman sumabat si tony.

"Di na tapos dadayain mo kame?" Tanongni tristan. Ganyan kasi yang bading na yan hahaha. Mababa tagay sa kanya samin mataas minsan di pa nya idadaan yung tagay sa kanya.

3am na ng natapos kami mag swimming at uminom.

Inaantok na ako ng sobra.
----
Habang nasa sasakyan kami, walang nagsasalita. Pagod lahat eh. Uwian na! Tapos na yung hinihintay namin buong taon.

Suddenly my eyes closed.

"Sino si tamz?" Tanong ko sa lalaking malabo yung muka.

"Wala yun!" Sagot nya ng parang nabigla sa tanong ko.

"Sus eh bakit katext mo?" Tanong ko uli sa kanya.

"Pake mo ba? Girlfriend ba kita?" Sino ba tong lalake na to. Napaka yabang.

"Hindi. Di nga kita kilala eh!" Sinisigawan ko sya.

Kinusot ko mata ko. Ang labo talaga sya lang yung malabo.

Tumingin ako sa paligid.

Andito ako sa weston court.

"Dibale. Susunod ikaw na una sa contacts ko" Sabi nya sakin.

Pag harap ko sa kanya.

Nawala sya. Bakit niya ako iniwan dito?!

"Zeilah!"

"Zeilah!"

Ayun sya sumisigaw. Hinanap ko san nangagaling yung boses.

Hanggang sa may kumalabit sa likod ko pero di ako makalingon.

"Zeilah!"

Unti unti kong dinilat mata ko.

"Zeilah! Andito na tayo. Nakababa na sila di na nakapag paalam tulog na tulog ka" Driver pala namin.

Panaginip lang pala.

Sino kaya yon?

Si pol?

UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon