"Kill me, guys!" muling tili ni Ytang. Napalingon naman ako sa kaniya, para na naman makita ang maluha-luha niyang mata dahil sa saya.
Sandali akong natigilan at nalunod sa malalim na pag-iisip. We were both happy for different reason. She was so happy, though I couldn't smile back at her anymore.
Siguro... Dala lang 'to ng pagod ko ngayon. Kasi hindi naman ako ganito rati, 'pag nakikita ko siyang masaya, nagiging masaya rin ako. Hindi 'yung ganito na para bang... Ayaw ko na siyang makitang masaya pa.
"Simula ngayon, hindi ko na kayo aawayin!" Ytang announced again, her eyes expressing how glad she was. "Kinikilig ako sa move niya! Iba ang galawan!"
Narinig ko ang malakas na tawa ni Lowelyn kaya napatingin ako sa kaniya. Kagaya ko, nakamasid din siya kay Ytang. Pero hindi kagaya ko, ang saya-saya niya ngayon habang nakatingin kay Ytang.
"Feelingerang palaka!" Lowelyn teased Ytang, and her voice sounded so delight. I knew she was genuinely happy for Ytang, while I felt the otherwise. "Pero, seryoso talaga? Ikaw ang F na 'yan? 'Wag kang magbiro!"
"Ako nga!" Tumawa si Ytang. I was taken aback when she turned her head slightly to look at me. Abot-hanggang taenga ang ngiti niya. "Frency, masakit pa rin ba ang pakiramdam mo?"
They all looked at me, their eyes full of questions. Simple na lang akong tumango at hinilot ang sariling leeg. Sandali nila akong kinausap patungkol sa kalagayan ko hanggang sa bumalik na naman ang topic patungkol kay Spencer.
Ako naman... Hanggang sa abot ng aking makakaya ay ngumingiti na rin ako paminsan-minsan. I didn't want them to notice my uneasiness. Maybe, I would just hide this feelings of mine. Tutal ay rito naman ako magaling.
"Tara! libre ko kayo! Maximum of two hundred pesos!" sigaw ni Ytang. Ang ulo kong nakayuko ay marahang tumaas para makita siya. Kagaya kanina, panay pa rin ang tawa niya. "200 pesos lang, a'! 'Wag niyong abusuhin ang kabaitan ko!"
Masaya na rin ako kahit papaano kasi 'di talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. Kaya hindi ko na rin kailangang umakto nang todo-todo. Buong buhay ko, ngayon ko lang pinasalamatan ang lagnat ko.
"Uuwi na lang ako," I whispered. Hangga't maaari ay 'di na 'ko nagtangka pang tingnan ang mga mata nila ng matagal. Kasi baka masabi ko ang totoo sa kanila. Ayaw ko 'yung mangyari. "Next time na lang."
"Hala, papaano na 'yan?" si Ytang at mukhang nag-isip-isip. I gulped the invisible lump in my throat the moment she walked near me. Hindi na rin ako makapag-isip pa nang maayos.
Kung anu-ano na ang iniisip ko. Napansin niya na bang nagsisinungaling lang ako? Or should I say, nalaman niya bang iba talaga ang dahilan kaya ganito ako umakto ngayon?
"Next day na lang kaya?" si Lowelyn at lumapit na rin sa 'kin. Napailing ako at pinahiran ang namumuong pawis sa sariling noo. Right now, I was afraid of something. Hindi ko alam ang magiging reaksyon nila kapag malalaman nilang nagsisinungaling lang ako.
"Kayo na lang." I bit the tip of my tongue. "Pabayaan niyo na lang ako."
Alam kong may mali na. Something was odd. Hindi ako ganito noon. My words sounded bitter and hurt.
"Sige, next day na lang," Ytang whispered, her voice lonely. "Mag-iipon ako para maging three hundred na ang pera ko..."
Napahinga ako nang maluwag nang mapansin ang pagiging natural ng boses niya. Akala ko kasi ay napansin niya na 'ko. Si Lowelyn naman, busy na sa sarili niyang phone. Minsan lang siya sumasali sa usapan. But, Joyce was only my problem. Kakaiba kasi siya tumingin. Her eyes indirectly forcing me to just surrender. Matagal na akong nasanay sa pagiging ganiyan niya, pero ngayon naman ay naninibago na ako.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Ficção Adolescente"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.