"Sana kaya kong mabigyan ka ng sapat na pagmamahal at pagpapahalaga. Ayoko kasing kumulang. Ayoko kasing sumobra. Gusto ko yung sapat lang para manatili kang masaya at maligaya."
--- Mc ---
Dika naman gwapo para maghabol ako sayo
Kulang ka pa sa height kaya asar ka pag naka high heels na ako
Mabango ka lang kaya don mo'ko napaamo
Kung bakit naman kasi yon pang kahinaan ko...Dika marunong sumayaw
Kaya naka upo ka lang at sami'y nakatanaw
Maasikaso ka sakin pag nakita mong diko yon gagawin
Ang magpunas ng pawis kaya ikaw ang gumagawa nito para sakin...Puno ka ng surpresa
Nagugulat na lang ako sayong mga ginagawa
Inispoiled mo'ko sa lahat ng bagay para lang ako'y mapasaya
Balewala sayo ang hirap at pagod pag nakita mong ako'y nakangiti na...Masarap kang kausap
Di nakakainip pag ikaw ng kaharap
Lagi mo pa ngang pangungusap
Na sana ikaw na lang at huwag na akong maghanap...Pag namamasyal na tayo
Kahit anong makita mo
Tinatanong mo pa ako "gusto mo? bibilhin ko para sayo"
Nangingiti't natatawa na lang ako...Ganyan ka kagalante
Lahat ng gusto binibili
Dika nakikinig saking mga sinasabi
Ginagawa mo pa rin kahit lagi akong tumatanggi...Pag nalaman mong may sakit ako
Panay ang tawag mo sa telepono
Laging pinapa-alalang inumin kong mga gamot ko
Hay, touch talaga ako sa kasweetan mo...Minsan tinanong kita
Kung bakit mo ito ginagawa
"Adik ako sayo eh! sagot mong bigla
Natameme tuloy ako't natulala...Anupa bang masasabi ko
Lahat na yatang magagandang katangian nakita ko na sayo
Maswerte ako kasi ako ang minahal mo
Masaya't kuntento na'ko sa piling mo...-- R'joy --
"Sa sobrang seryoso mo magmahal at totoo, hindi ko alam kung deserve ko pa bang maramdaman ang ganyan. Ganun ba ako kaworth it mabigyan?"
- R'joy -
💃MahikaNiAyana
BINABASA MO ANG
Adik Ako Sa'yo ✔💯
Short StoryBad Girl Series 2 COLLABORATION with TOPAZ TNM ❣❣❣ Someday you will found someone who would not let you fall asleep feeling unwanted. Someday you will found someone who will do his best effort to prove you how much he loves you. Someone will enter i...