CHAPTER 8

2 1 0
                                    


BIBIANNA POV

Natapos na kong mamili ng susuotin ko at naka hanap na din ako ng kakaibang tsinelas may gliters sa gilid at syempre gold din.

Nag lakad lakad ako dito lang naman sa loob hanggang sa napadpad ako sa kakaibang mga bagay.

Naalala ko ang sabi ni mang Armando na bilhin namin ang mga gusto namin kaya mag hahanap ako ng magagamit namin sa pag lalakbay.

May nakikita akong mga kutsilyo sa may bandang gilid kaya nilapitan ko yun kung sa kaling may magustuhan ako.

Nag hanap ako ng isang kutsilyo na magagamit ko

Sa kalagitnaan ng pag hahanap ko nasa bandang dulo na ako may nakita akong kutsilyo na gold at may maliit na pigura ng dragon at ang mas nakakapag taka ay kamukha sya nung dragon dun sa may ilog, kulay blue din sya.

Kinuha ko yun at pag hawak ko dun parang may kuryente akong naramdaman kaya napabitaw ako at nahulog naman ang kutsilyo.

Nung pupulutin ko ulet yun wala na akong naramdaman kaya mabilis ko nang kinuha at inilagay sa gilid ko.

May sabitan kasi dito sa suot kong dress kaya mas magandang may sabitan.

Nag lakad na ko pabalik sa mga kasama ko.

"Binibini hindi tayo pwedeng mag pa gabi, hali na kayo't mag lalakbay pa tayo" Sabi ni mang Armando kaya naglakad na kami para bayaran ang mga pinamili namin.

Nung ako na ang susunod ay ibinigay ko agad ang kutsilyo para mabayaran na pero nung ipinakita ko sa kanila iyon ay gulat na gulat sila sa hawak ko, at nag katitigan pa sila.

Hindi ko nalang pinansin iyon at nagsimula nang mag lakad para sa pag lalakbay namin.

Napapansin ko lang na puro puno na lang lagi ang dinadaan namin may nakikita naman akong mga bahay dito pero medyo layo layo.

"Mang Armando san ba talaga tayo pupunta bakit po ang layo nagugutom na po kasi ako ehh" inip na inip na sabi ni Clarissa

Natawa naman si mang Armando kasi kanina nya pa yan sinasabi at ako naman ay tahimik at nakikinig lang sa kanilang pinag uusapan.

Dala dala ko na rin pala ang binili kong ispada bato o kutsilyo hindi ko din alam pero bahala na maganda naman at kamukha pa nung dragon.

"Dito na tayo mga binibini" Sabi ni mang Armando kaya nabalik ako sa realidad at napatingin sa kapaligiran.

'Wow' yan lang ang nasabi ko sa isip ko kasi naman nag tataasang mga temple at may mga bahay din sa gilid gilid na nag titinda at madami ding mga tao dito.

"Anong tawag dito mang Armando?" Yun agad ang nasabi ko

"Ito pa lang ang daungan ng asgartha wala pa tayo sa mismong asgartha kaya wag na wag kayong lalayo sa akin dahil madami ngayong tao, bibili na rin tayo ng makakain natin at mag papatuloy sa pag lalakbay." Mahaba nyang sabi.

Kaya lagi lang kaming nasa gilid nya at tumitingin tingin sa paligid.

Nakakita ako ng pana kaya napalapit ako dun ng hindi ko namamalayan.

Tinitingnan ko ang pana ito yung nakita naming pana pero pag lapit ko dun ko nakita ang hile-hilerang mga gintong pana, madami pala ang pana na iyon kaya siguro meron din nun sa ibang mga Bayan.

"Ale mag kano po itong pana nyo?" Bigla ko na lang nasabi

Kaya agad akong napatakip ng bibig.

"180Neuron lang po miss" Sabi nya

Ang ganda talaga pero wala akong pera eh kaya wala akong nagawa kundi ang mag lakad na lang at wait-- nasaan na ba ako.

"halaa yareee" yung mga kasama ko asan na, tumingin tingin ako sa paligid pero wala talaga akong nakitang Clarissa at si mang Armando.

'San na ko pupunta neto' nasabi ko na lang habang nag lalakad.

the goddesses of EmeteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon